Binuksan ni Daisy ito at sila ay pinatuloy.

"Basahin mo ang dyaryo, yan yung sinasabi ko sayo basahin mo,"

Naupo si Daisy at kanyang binasa ang dyaryo.

"Totoo ba talaga ito?"

"Sabi ko na sa inyo diba, kailangan na nating maghanda!"

"Ano ang ating gagawin?"

"Walang nakaka alam kung sino ang makakaligtas sa loob ng pitong araw, kailangan lamang nating manatili sa loob ng ating mga tahanan, kasama ng ating mga mahal sa buhay,"

"Nakakatakot!"

"Naku papano ba to, nag iisa lang ako ngayon sa bahay," nag-aalalang sabi ni Jossie.

"E tayo naman Mely, dalawa lang tayo sa bahay." wika naman ni Vilma.

"Kung gusto ninyo magsama sama na lang tayo sa araw na 'yan." sabi ni Mely.

"Naku mabuti pa nga,"

"Sige, kung gusto ninyo ay dumito na lamang kayo sa bahay namin, para maibsan ang mga takot natin kahit papano," sabi naman ni Daisy sa kanila.

"Sige, magsama sama na tayo,"

"Kailangan na nating mamili ng mga mga pagkain, dahil hindi na tayo makakalabas, bumili tayo ng mga kandila, flaslight at iba pa." sabi naman ni Vilma.

"Tama, baka mawalan ng kuryente."

"Ilang araw na lamang ba ang nalalabi?" tanong ni Daisy.

"Tatlong araw na lang mula ngayon, kaya ngayon pa lang ay maghanda na tayo, mag uunahan sa pagbili ang mga tao at baka maubusan pa tayo," sabi ni Mely.

"Eh pero may pera na ba kayo para makapamili?" ani Daisy.

"Yun nga ang problema, wala pa kaming pera,"

"Yan nga din ang iniisip ko wala pa din akong pera eh." ani Josie.

"Kailangan nating gumawa ng paraan, isasangla ko na yung singsing ko, wala na akong magagawa." sabi ni Daisy.

"Mag-aadvance na muna ako ng sweldo ko." sabi naman ni Mely.

"Ako rin, naku kailangan na nating kumilos." ani Josie.

"Tara na, magdelihensya na muna tao at magkita tayo mamayang hapon." sabi naman ni Vilma.

Pagka alis ng mga ito ay nakaramdam si Daisy ng takot.

Nagtungo siya ng kaniyang silid at kinuha ang pinakatatago niyang enggagement ring.

"Sorry Fidel pero kailangan kong paghandaan ang 7 Days of Darkness!" bulong sa kaniyang loob.At nang nakapag desisyon ay nagtungo ito sa sanglaan.

...

Sa condo ni Stacey.

Binabasa nito ang frontpage na sinulat ni Harper.

"Thank you Harper!" sabi ni Stacey.

At ipinost din ni Stacey sa internet ang kanyang nalalaman sa kanyang blog.

Nagising si Harper, nandon sya sa kanyang office nakatulog. At nakita nyang dumadating si Paul na galit na galit.

"Sinabi ko na sayo na huwag mo ipa published yan, hindi kita pinahintulutan!"

"Kailangan kong gawin to Sir!"

"Pinagkakaguluhan na ng mga tao ang news natin at marami ang bumabatikos sa fake news na pinapakalat mo,"

"Sorry Sir pero kailangan ko tong gawin!".

"Tandaan mo kapag fake ito ay mananagot ka! at huwag mo akong idamay dito!" Galit na sabi ni Paul, ngunit di na sya pinakinggan ni Harper.

Nanonood ng tv sila Gary, Leanne at Kate. Habang nananghalian.

"BREAKING NEWS, ISANG KUMAKALAT NA BALITA NA INIHAYAG NGAYON NG 'THE DAILY CHRONICLE' ANG TUNGKOL SA '7 DAYS OF DARKNESS' NA MAGAGANAP DAW UMANO SA ARAW NG BIYERNES SA GANAP NA ALAS TRES NG HAPON TATLONG ARAW MULA NGAYONG ARAW NA ITO. AT PINAG IINGAT ANG LAHAT NA HUWAG LALABAS NG KANI-KANILANG MGA BAHAY SA LOOB NG PITONG ARAW NG KADILIMAN, HINDI BATID KUNG ANO ANG MANGYAYARI NGUNIT SINABI NG JOURNALIST NA SI HARPER MILAN NA KAILANGAN PAGHANDAAN ANG LAGIM NA MAGAGANAP, MAG IMBAK NG MGA PAGKAIN SA BAHAY AT MGA PANGUNAHING PANGANGAILANGAN GAYA NG KANDILA, TUBIG AT IBA PA. AT MAGDASAL AT MAGSISI NG MGA KASALANAN. NAG BA VIRAL DIN NGAYON SA SOCIAL

MEDIA ANG TUNGKOL DITO NA SINULAT NAMAN NG VLOGGER NA SI STACEY RUIZ , KAYO NA ANG BAHALANG HUMUSGA KUNG ITO AY TOTOO MAN O HINDI!"

"My gosh! Nakakatakot naman yan!" bulalas ni Leanne.

"Hindi yan totoo, dati may nagsabi na din na magtatapos na daw nag mundo nung 2012, mga taga ibang bansa pa nagsabi, eh di naman nangyari." wika ni Kate.

"Baka naman totoo yan, gaya ng mga napapanood ko sa horror movie na World war Z." sabi ni Gary.

"Haha mga fiction lang yung mga napapanood mo, di yan totoo." sabi ni Leanne.Nag internet sila sa mga cellphone nila at nabasa naman nila ang article ni Stacey.

"Sinasabi dito na ang blood moon at pag may nagpakitang wolf ang sign na magaganap na ito." sabi ni Leanne habang binabasa ang nakasulat sa blog ni Stacey.

"Wolf e di sana may nakita na tayo, tsaka yung blood moon na binalita kagabi isang iglap lang nawala agad diba?" sabi ni Kate.

"Basta ako susundin ko yan, wala naman mawawala diba?" sabi ni Gary.

"Anong walang mawawala,? mawawalan ka ng trabaho gaga!" Sabi ni Kate.

"Tama, imagine di ka papasok bago mag alas tres hanggang pitong araw, malaki ang mawawala sa atin, at sa tingin mo ba isasakripisyo ng mga tao ang trabaho nila dahil lang sa isang news na walang basehan kung totoo o hindi?" Patuloy na sabi ni Kate.

"Oo nga, basta papasok tayo!" Sabi ni Leanne.

"Pero basehan yung blood moon?" Nag-aalalang sabi ni Gary.

"I don't think so!" Sabi naman ni Kate.

"Sabi nung mga nakakita kagabi, sandali lamang daw at agad ding nawala, masyado lang exagerated ang mga nagpapakalat ng ganyang mga balita," sabi ni Leanne.

"Alam niyo, para sa akin, susundin ko ang warning ni Harper at ng blogger na si Stacey, dapat nating mag-ingat!"

"Gary my friend, okay lang na mag-ingat pero huwag mong iwanan ang trabaho, sige ka baka matanggal ka,"

"Basta hindi ako papasok sa araw na yan!"

"Hay naku Gary, bahala ka!"

"Kate hayaan mo siya kung ayaw niyang pumasok, mas mahirap naman yung nag-iisa siya sa bording house haha!" sabi naman ni Leanne,

"Oo nga naman Gary, gusto mo bang nag-iisa ka sa dorm?"

Hindi nakakibo si Gary ngunit naniniwala itong magaganap nga ito.

7 Days of Darkness.  (NEW)Where stories live. Discover now