Chapter 3

1.3K 50 3
                                    

8:00 pm.

Nagkita sila ni Diana sa labas ng building kung saan ito nagtatrabaho.Maganda si Diana at elegante mas matanda sya kay Harper ng 5 years. 

Nakaparada ang kotse ni Harper at bago sumakay si Diana ay padating naman sila Leanne, Gary at Kate.

"Good evening po Ma'am Diana." bati ng tatlo sa kanya.

"Good evening, syanga pala, Gary pakisabi kay Levi pagdating nya, na bukas na lang yung meeting namin, may lakad lang ako ngayon ok?"

"Yes Ma'am, sasabihin ko po." sabi ni Gary.

Nakita nilang may naghihintay na magarang kotse kay Diana at nasilip nila ang nasa driver seat. "Omg! si Harper Milan ang pogi niya." nagtitili sa kilig na sabi ni Leanne habang paakyat sila sa steps ng building kung saan may guard.

"Oo nga nakakainggit naman si Ma'am Diana astig ng boyfriend niya." kinikilig na sabi naman ni Kate.

"Bagay naman silang dalawa, pero ang pogi talaga ni Harper my Gosh!" Sabi naman ni Gary.

"Bagay nga sila pero gurang na si Ma'am Diana para kay Harper haha!" Sabi ni Leanne.

"Uy huwag kayo maingay baka marinig kayo," sabi naman ni Kate at nagtatawanan silang umakyat ng building.

......

Pagkasakay ni Diana ng kotse ni Harper ay nakangiti si Harper sa kanya.

"Hi hon, Happy monthsary." Malambing na sabi ni Diana at bahagyang naghalikan sila ni Harper.

"Hmmn kaya pala gusto mong lumabas ngayon, monthsary pala natin, its been 1 month na mula ng sinagot mo ako ng yes!"

"Nakalimutan mo agad na monthsary natin ngayon?"

"I'm so sorry, uso na pala ang monthsary ngayon, but anyway I like it, saan mo gusto mag dinner?"

"Sa Rooftop cafe."

At nagpunta sila sa isang restaurant na nasa rooftop ng isang mataas na building.

May candle light sa mga lamesa ng cafe na iyon at natatanaw ang maraming ilaw ng mga katabing building at ang liwanag ng buwan.

ROOFTOP CAFE

"So cool in here? Ngayon lang ako nakapunta dito ah!" Sabi ni Harper.

"Nakita ko lang to sa Internet, bago pa lang so romantic diba?"

"Yeah, especially because you're here with me,"

Umorder sila ng steak at wine.

......

Samantala nag di drive si Stacey pabalik ng kanyang condo.

"Harper you are stupid, nung bata pa lang tayo nangako ka sa akin na kapag magaganap ito ay magtutulungan tayo, but what did you do? sana magpakita din ang wolf sa kanya!" nag-aalalang wika ni Stacey sa kanyang sarili.

......

Nasa hapag kainan sila Athena at ang kanyang mga magulang.

"Mom,ano yung pinag uusapan nyo kanina nila sister Mely?"

"Ah yung 7 days of darkness ba yun?"

"Ano na naman yang mga pinag uusapan ninyo?" sabad ng kanyang amang si Fidel.

"May sinasabi kasi si Mely na sinermon daw ng pari nung umuwi sya nung isang Linggo sa probinsya nila, pinag iingat lang naman ang mga tao at magsisi ng mga kasalanan,"

"Ano daw po mangyayari?"

"Magdidilim nga daw ng pitong araw at kailangan ay walang lalabas,"

"At nagpapaniwala naman kayo?"

"Hindi naman ako naniniwala agad,"

"Dapat lang, kalokohan lang yang mga sinasabi nila, magkakagulo lang ang mga tao kapag naniwala sa mga sinasabi nila,"

"Pero Dad, papano kung totoo yon, yung pari na mismo ang nagsabi eh," wika ni Athena.

"Porke ba sinabi ng pare ay totoo na? at isa pa, yung kaibigan lang ng nanay mo ang nagpapakalat ng balita,"

"Kung sabagay," sabi naman ni Daisy.

"Kaya huwag kayong magpapaniwala, walang nakakaalam kung kelan magtatapos ang mundo,"

"Pero Dad, 7 days of darkness, so 7 days lang mangyayari, hindi naman siguro end of the world?"

"Pareho rin 'yon!"

Matapos nilang kumain ay nagpahinga na sa kanyang silid si Athena at nag ring ang kanyang cellphone. Tumatawag si Calix.

"Video call tayo,"

Binuksan ni Athena ang kanyang tablet at sila ay nag video call ni Calix.

<Hello?> sabi ni Calix.

"Hi!"

<Maaari bang makipag usap sayo ng matagal?>

"Oo naman, Calix, alam mo baka totoo yung 7 days of Darkness?" kinakabahang wika ni Athena. <Ok lang kung magkatotoo yon basta magkasama tayo ng mga oras na yon,>

"Ikaw naman puro biro eh>"

<Haha, sorry na, pero bakit mo naman nasabi na baka totoo?"

"Kasi parang nararamdaman ko eh, pero ayaw naman maniwala ng daddy ko, ano kaya kung totoong mangyayari yon?"

Samantala...Habang kumakain si Harper at Diana ay di mapalagay si Harper.

"Kanina ko pa napapansin parang may iniisip ka?" Sabi ni Diana.

"Ah, nag meet kasi kami kanina ng kababata ko ...si Stacey, almost 12 years na kami nung huli kaming nagkita,"

"I remember nabanggit mo na siya before, so?" Naka kunot noo na sabi ni Diana.

"Yeah, pero she is only a friend ok, nothing else,"

"So bakit kayo nagkita?"

"Nung mga bata pa kasi kami may sinabi yung pari about 7 days of darkness, at sineryoso naman ni Stacey 'yon."

"So? Naniniwala ka dun sa sinabi niya?

"Never, that's crazy!"

"She is really crazy, ang tagal niyo ng di nagkikita then yan ang sasabihin niya sa'yo? What's on her mind?"

"That's why, she is so annoying!"

7 Days of Darkness.  (NEW)Where stories live. Discover now