Chapter 5

1.1K 40 3
                                    


Kinabukasan ng umaga..... 

Nakaangkas si Athena sa motor na minamaneho ng kanyang amang si Fidel.Ihahatid siya nito sa sakayan ng jeep.

Nang nasa kanto na sila ay nakita nilang nagkakagulo ang mga tao sa isang news stand.

"Dad bakit nagkakagulo sila?"

"Oo nga, bakit kaya?"

Inihinto pansamantala ni Fidel ang kanyang motor at nilapitan nila ni Athena ang mga nagkakagulong mga tao.

Nakita nilang nag uunahan bumili ng dyaryo ang mga tao, nakita nya ang kanilang kapitbahay na lalaki na nakabili ng dyaro at nilapitan nila ito.

"Pare ano ba ang balita?"

Pinabasa nito ang frontpage na may malaking nakasulat.

7 DAYS OF DARKNESS!

"Ano to?"

"Di ko pa alam , mauna na ako babasahin ko pa ito eh." Sabi ng kapitbahay at nagmadali itong umalis.

"Dad ano daw 'yon? bili tayo ng Dyaryo,"

Lumapit sila sa newstand, ngunit naubos na ang dyaryo ng Daily Chronicle.

"Sayang naubusan na tayo ng dyaryo na 'yon!"

"Dad narinig ko kay Mom na pinag-uusapan nila kahapon tungkol dyan, baka nga totoo?"

"Di totoo 'yan, huwag ka mag papaniwala sa mga ganyan, ginawa lang nila yan para mabenta dyaryo nila,"

"Ah ganon po ba?"

"Halika na at baka ma late ka pa."

Inihatid ni Fidel si Athena sa sakayan ng jeep.

"Hanggang dito na lang anak, out of way na ako kung ihahatid kita hanggang school mo,"

"Okay lang po Dad, ingat sa pag momotor,"

.......

At sumakay ng jeep si Athena at nakita nyang seryosong nagbabasa ang ilang mga tao ng dyaryo.

"Naku baka totoo to delikado!" Bulalas ng isang lalaking pasahero.

"Hindi naman ata totoo yan eh," Sabi naman ng isang ale.

"Nasa tao naman yan kung maniniwala ka o hindi, pero parang totoo to!" sabi ng lalaki.

"May oras pa para magsisi ng mga kasalanan, magwawakas na ang mundo!"

Sabi naman ng isang babaeng naka belo na matanda.

Habang naririnig ni Athena ang pinag uusapan ng mga ito ay kinikilabutan sya sa takot.

Samantala...

Naglilinis ng bahay ang nanay ni Athena nang biglang nagdatingan sina Mely, Vilma at Jossie.

"Sister Daisy!"

Patuloy na katok ng mga ito sa pinto.

7 Days of Darkness.  (NEW)Where stories live. Discover now