"I saw a very beautiful lady, sayang di mo nakita!"

"Talaga? Ilang taon na siya?"

"Hmn...maybe 17, alam mo yung mga mata niya nakaka inlove, kakaiba yung kulay ng mga mata niya, and her lips is so red,"

"Ah sayang di ko nakita,"

"Sa susunod na Linggo pupunta ulit ako dito, baka makita ko ulit siya!"

"Pero 17 na siya, parang ate mo na,"

"Pero iba ang nararamdaman ko eh!" wika ni Harper at naupo sa pabilog na pond kung saan nakalagay ang fountain sa gitna nito.

Habang sila ay nag-uusap ay may pari na lumapit sa kanila.

"Mga anak, bakit hindi kayo nakikinig ng misa? bakit kayo nandito?"

Nagmano ang dalawang bata sa pari.

"Sorry po Father, kasi..." di malaman na isasagot ng dalawa.

"Basta sa susunod huwag kayong lalabas ng simbahan hangga't di natatapos ang misa ha?"

"Opo Father,"

"Ako nga pala si Father Robert, kayo ano mga pangalan ninyo?"

"Ako po si Stacey,"

"Ako naman po si Harper,"

"Hmn...madalas ko kayong makita at kilala ko mga magulang ninyo,"

Ilang sandali pa ay nagtanong si Harper.

"Father, may kilala po ba kayo na isang napakagandang babaeng laging nagpupunta dito sa fountain, nakalimutan ko po itanong pangalan niya eh,"

"Hmn...Yung babaeng sinasabi mo ba ay may kakaibang kulay ang mga mata?"

"Opo! Sya na po yung pinaka magandang babae na nakita ko po!" masiglangwika ni Harper. Napaisip si Father Robert.

"Di ko akalain na nagpakita rin sya 'sayo,"

"Ano po ibig ninyong sabihin?"

"Kung kani kanino na ako nagtatanong sa mga tao kung may nakita silang babae na kagaya ng nilalarawan mo na laging nagpupunta dito sa fountain, kahit mga kapwa ko pare at mga madre, ngunit walang sinoman ang nagsabi na may nakita na sila na ganoong tipo ng babae,"

"Nakita ko po sya!"

"Sigurado ka ba na nakita mo sya? O baka naman naririnig mo lang sa iba dahil napagtatanungan ko sila?"

"Totoo po father, kulay dagat ang kaniyang mga mata, napakasutla ng kaniyang mga balat at napaka amo ng kaniyang mukha,"

"Halika at sumama kayo sa akin sa basement, may sasabihin ako sa inyo," wika ni Father Robert.At kaniyang niyaya ang mga ito sa basement ng simbahan.
Madilim sa basement kaya nagsindi ng kandila si Father at inilagay ito sa ibabaw ng kahoy na lamesa.

"Mag-siupo kayo,"

Naupo ang dalawang bata.

"Mag-iinit lamang ako ng ating maiinom," wika ni father at nagtungo ito sa isang tabi kung saan may kalan at nag init ng tsolate. Habang abala si Father ay nakaramdaman naman ng kaba si Stacey.

"Natatakot ako Harper, baka nakakatakot sasabihin ni Father,"

"Shushhh, huwag ka matakot, makinig lang tayo.

Makalipas ang ilang sandali ay nagbalik na si father at inihain ang mainit na tsokolate at bisquit, naupo ito sa kailang harapan.

7 Days of Darkness.  (NEW)Where stories live. Discover now