Chapter 15

172 3 1
                                    

  
Lazy Day

"Good Morning."

"Hey wake up."

Unti unti kong minulat ang mga mata ko nang makarinig ako ng pamilyar na boses.

Binungad ako ng mala adonis na mukha. Nakangiti ito sa akin. Jusko! Langit na ba ito? At siya ang anghel na sumundo sa akin?

"Hey!" Nawala ako sa tuliro nang muli siyang magsalita. Si Eros lang pala, tss.

Wait. What?! Ba't nandito siya?

"Anong ginagawa mo dito?" Agad kong tinanong sa kaniya.

"Don't tell me." May nangyari ba kagabi? Alam ko hinatid niya lang ako dito.

"No, wait. Di ako natulog dito, Kakarating ko lang." Paliwanag niya. "Gutom ka siguro sa panaginip mo." Sabay tawa pa nito.

"Huh?" Inisip ko ang sinabi nito. Wait, gutom? Shit.

Agad kong pinunasan ang naglalawa kong pisngi dahil sa laway. Nakakahiya! Rinig ko ang pagtawa nito habang ako naman ay hiyang hiya sa pagmumukha ko.

Tinitigan ko ito ng mga nakapanlilisik kong mga mata.

"Bakit ka ba kasi nandito!" Ang aga aga eh.

"Visiting you?" Baka vwisiting me!

"I'm hungry, let's go grab some breakfast." Yaya niya sa akin. Wow kapalmuks ah.

Tumayo ito papuntang kusina habang ako naman ay dumiretso sa banyo para maghilamos at mag toothbrush.

"Hah!" Sabay amoy ko sa hininga ko. Naniniguro lang.

Pinuntahan ko ito sa kusina, habang papalapit ay may naaamoy akong nilulutong fried rice. Bigla naman kumulo ang tiyan ko.

Nakita ko siyang nagluluto habang naka-apron. Wow, chef din pala 'to. Lumingon ito sa akin nang maramdaman niya ang mga yapak ko.

"Sit." Maikli niyang bigkas pero agad akong sumunod. Umupo ako sa may counter area habang tinititigan siya.

Niserve niya sa akin ang niluto niya. Ang bango sa pang amoy at sobrang nakakagutom. Kahit na fried rice lang ito ay marami itong sahog.

Kumuha siya ng spoon at agad na ibinigay sa akin. Agad kong tinikman ang kanyang inihanda.

Nakatitig lang ito sa akin at nagtaas ng kilay na para bang hinihintay ang komento ko sa niluto niya.

"Not bad. I'm impressed." Nagkibit balikat lang ito.

"Well, let's eat." Kumuha ito ng isa pang kutsara at sumandok sa kinakainan ko.

"Hindi ka ba kukuha ng pinggan?" Tanong ko sa kanya.

"What for? Nasa plato mo na lahat ng fried rice. Besides, ayaw mo nun? Makakatipid ka sa hugasin."

"Okay." Infairness, hindi siya maarte.

Natapos kaming kumain na puno ang tiyan ko sa kabusugan. Tumayo ako para ligpitin ang hapag.

"Anong plano mo?" Tanong ko sa kaniya habang tinutulungan niya akong linisin ang pinagkainan namin.

"I'll just relax for the whole day." Inilagay niya ang mga pinggan sa sink at agad itong hinugasan.

"Hoy! Ako na d'yan!" Sita ko sa kanya.

"I can. My mom told me that if you are going to visit someone's house make sure that you will clean your own mess. That's what am I doing now." I'm surprised, kahit na pure foreigner ang mukha nito ay pure filipino naman ang traits nito. Halatang namana ang tradisyon ng pilipino mula sa nanay niya.

The Campus BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon