Chapter 12

19 1 0
                                    

Naiiyak na ako sa sobrang raming hinahabol. Crush ko nga hindi ko hinahabol pero tong mga  lintek na requirements hinahabol ko. Tapos idagdag mo pa yung hambog na si Klein dahil minsan sa akin niya pinapagawa yung mga assignments niya. Yung mga group projects at thesis ko sa thursday na ang submission, eh tuesday na ngayon.

Dalawang araw na akong walang tulog, ay hindi lang pala ako pati yung mga classmate ko. yung club ko di ko na naaasikaso. Buti na lang talaga may maasahan ako dun. Tatapusin ko na talaga lahat ngayong gabi. magpapaalam na lang ako kay Manager Ryan na hindi ako papasok at magpapaalam na rin ako kay Klein. next week na rin kasi ang finals. 

Pati mga teachers eh busy busy na din. Nagdidiscuss na ng maayos. Aba dapat lang lol. kaso yung religion talaga namin ang walang kadiscuss discuss. Nagsasabi lang ako ng totoo.

"Klein, pwede bang umuwi agad ako? Para ano, para tapusin ko yung mga requirements ko"

Tinignan niya lang ako. Tapos inayos niya yung mga nagkalat na bond paper sa desk niya at humarap siya sa akin.

"Oo naman. Alam ko na marami kang aayusin. Kumain ka ba? bat parang pumayat ka?"

Taena. Nagpaalam lang ako. Oo lang ang kailangan ko pero andami ng sinabi.

"Kumain po ako. Hindi po ako pumayat." Binalik ko na lang ulit an atensyon ko sa ginagawa ko. Badtrip tong nilalang na to.

Nagsimula na naman akong magdesign ng kung ano ano sa mga activities ko para sa portfolio ko. para magandang tignan. Color Pen lang gamit ko mga beybe. lol. Last activity na to mga beybe. makakapapirma na ako ng clearance ko. 

"Yes. Bwahaha! Tapos na!" sigaw ko sa sbrang saya dahil tapos ko na din. mapipirmahan na ang aking minamahal na clearance.

"Okay ka lang Ara? Anong tapos mo na?" tanong nung top 1 namin na si Chester

Nilapitan ko siya at pinakita ang maganda kong portfolio. 

"Tol bat mo sinundan si Ara?" Tanong ni Chester kaya napatingin ako sa likod ko. Sinundan lang naman ako ni Klein.

"Ara, may tagos ka."

Parang lumabas lahat ng dugo sa sinabi niya. Jusme. kahihiyan to. bat napaaga? Next week pa ako eh. Kainis naman.

"Hala. Paano na? Wala akong dalang damit."

"Jacob! pabato naman nung leather jacket ko!" 

"Salamat"

Aanuhin niya yung leather jacket?

"Oh. Gamitin mong pantakip. Punta tayo sa bahay. Magpapabili ako ng palda mo, undies at sanitary pad. Dun ka na magpalit. Wag ka nang umangal. Babatukan kita."

Aangal pa sana ako eh. Kasi nakakahiya naman talaga. Kailangan ko pang magpaalam sa teacher.

"Elton. May pupuntahan lang kami ni Ara. Mahalaga to promise!"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay hinatak na niya ako papuntang bahay niya. Nasa loob ng campus ang bahay niya remember? 

Ang lalaki nang mga hakbang niya. Buti sana kung flat shoes ang gamit ko kaso hindi pwede saschool nato. Kailangang may takong ang shoes mo at least one inch.

"U-u-uy Klein. Wag namang sobrang bilis. Di kaya ng paa ko."

Tumigil siya at tinignan ako ng masama.

"AY! KLEIN IBABA MOKO! NAKAKAHIYA NA SAYO!" 

Binuhat niya ako. Yung parang pagbubuhat ng sako ng bigas. Hala. Nakakahiya. 

"Uy Klein. Nakakahiya. Amoy mo yung dugo eh. Nakaharap yung ano ko sa mukha mo eh."

Tumigil ulit siya. At binuhat niya ako ng pangkasal. 

Unexpected Love from a BadboyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu