Chapter 6

12 3 0
                                    

Hingang malalim Ara.

Pinihit ko ang doorknob at pumasok.

"Magandang Hapon Binibining Andromeda. Pasensya na po at ako ay nahuli sa klase."

Tinignan ko ang mayor namin at nginitian siya.

Nakitingin siya sa akin na parang nagtatanong kung bakit ako late.

"Anong nangyari sa pisngi mo?" Napatingin ako kay Maam Andromeda.

Hindi nila peedeng malaman na sinampal ako ni Scarlet. Mas lalaki lang ang gulong napasok ko.

Ngumiti ako kay Maam

"Maam pinapak ko kasi ng blush on tong pisngi ko para maiba"

Nagsitawanan na sila at ganun din si Maam.

"Sige na. Maarin ka nang tumungo sa iyong upuan."

Tinignan ko ang aking orasan bago pumunta.

1:10 pm

not bad. 1:15 pm ang bad. Didiretso ka na sa detention room. Magiistay ka dun for the whole first period bago ka makabalik sa room.

Nilagay ko ang bag ko sa upuan ko. Tinignan ko yung kaupo ko, nginisihan lang niya ako.

Ano bang meron kay Klein na gustong gusto ng ibang babae?

Ang alam ko wala.

Umayos na ako ng upo at nakinig. Nagtatake down notes na rin ako para sa nalalapit ng longtest namin.

Ang ayos namin ay yung ayos ng isang korean school.
Organize ang lahat kaya comfortable ka para mag aral.

Well except ngayon dahil may nang gugulo sa akin.

Binabato lang naman niya ako ng crumpled paper.

Tinignan ko siya ng masama kaso binato niya lang ulit ako ng papel.

"Tumigil ka nga. Dont disturb me!" bulong ko sa kanya.

Ayaw ni Maam Andromeda nang maingay lalo na kung nagdidiscuss siya.

Dumila lang siya sa akin at tumawa.

"Anong nakakatuwa Mr. David!?"

buti nga sayo. Nasanay ka kasi sa lower class pwes ibahin mo ang classroom namin. Nasa section A ka Mister.

Nginisihan ko siya at nagsulat na ulit.

"Ah wala maam pero si Ara meron."

Napatigil ako at sumulyap sa kanya.

"Bakit mo isinama si Ara eh busy siyang nagtatake down notes samantalang ikaw ay busy sa pagbato sa kanya ng crumpled papers. Sa tingin mo hindi ko napapansin yun!?" sigaw ni Maam Andromeda.

Lagot. First time to sa classroom namin na sumigaw si Maam.

Yumuko ako.

"Ganun ba Maam? Ang galing *pumalakpak* I believe"

Ang bastos talaga ng lalaking to. Ito ba ang gusto ng mga babae?Kadiri.

" PUMUNTA KA SA LIKOD AND FACE THE WALL!"

Uh oh.

This isn't good.

Hindi dapat siya nandito. Masisira lang ang reputation ng klaseng to.

Naglakad na siya papunta sa likod at hinarap ang pader.

"Ara, mag-uusap tayo mamaya."

"Opo Maam"

Unexpected Love from a BadboyWhere stories live. Discover now