041

937 52 2
                                    

J I A N ' S P O V

College na ako ngayon. Loyal kaming mga tropa sa Campbridge University. 'Di kasi kami nawawalan ng pag-asa na babalik si Feyah- kahit alam kong malabo dahil dalawang taon simula no'ng wala kaming balita sa kanya.

Walang halong biro pero sobra ko talaga siyang nami-miss. Sino ba naman ang hindi makaka-miss sa babaeng 'yon? Joker, palatawa, malambing, mabait at sobrang maalaga niya. Naalala ko noon, no'ng may sakit ako ay siya 'yong nag-alaga sa'kin.

"Iniisip mo pa din siya 'no?" tanong sa'kin ni Edward. 'Di ko nalang siya pinansin at bumuntong hininga na lang.

"Malamang Edward. Hindi niya na nga naalala 'yong sa pustahan e," mapang-asar na pahayag ni Kyle. Tumingin naman ako sa kanya ng malalim.

"Wala na akong pakialam sa pustahan na 'yan. Ang gusto ko, makita ko ulit si Feyah."

Nagdadaldalan lang sila pero 'di nalang ako sumasali sa usapan. Oras-oras kong chine-check 'yong messenger ko pero wala naman akong nakikitang reply niya.

Nasaan na nga ba talaga si Feyah? Bakit bigla na lang siyang nawala?

Umalis ako sa pwesto ko do'n sa may cafeteria at naglakad na papunta sa comfort room ng mga lalaki. Nagsuot lang ako ng headphones at pinatugtog 'yong paboritong kanta ni Feyah na "Kiss You."

Habang naglalakad, may nabangga akong babae. Natumba siya sa semento, gano'n din 'yong mga dala niyang libro. Agad ko naman siyang tinulungan sa pagkuha ng mga libro. No'ng akmang ibibigay ko na sa kanya 'yong huling libro na hawak ko, do'n ko nakita ang kabuuan ng mukha niya.

Teka, si Feyah ba 'to?

"Feyah, ikaw ba 'yan?" 'di makapaniwalang tanong ko.

Sobrang ikli ng buhok niya. Pansin kong may nakalagay na nerdy glasses sa mukha niya. Maluwag din ang suot niyang damit.

"Po?" nagulat na sabi niya. Agad ko naman siyang niyakap. Hindi ako maaring magkamali. Si Feyah talaga 'to, malakas ang kutob ko.

"Feyah, nagbalik ka.."

Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha mula sa mata ko. Akala ko hindi ko na siya makikita. Totoo ba talagang nangyayari 'to?

"Kuya, hindi po ako si Feyah. Nagkakamali yata po kayo."

Agad akong kumalas ng pagkakayakap. Anong ibig niyang sabihin na hindi siya si Feyah?

"Nagbibiro ka ba, Feyah? 'Wag ka namang magbiro ng ganyan! Ang tagal mong 'di nagparamdam tapos aacting ka pa ng ganyan? Hindi 'yan uubra sa'kin seb!"

"E hindi naman po talaga ako si Feyah. Ako po si Felly, kakambal niya."

Kakambal niya si Feyah?

Feyah's Last Wish (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon