Kabanata 1 - Secrets

14.7K 279 56
                                    

(A/N: Hello! Buhay pa naman ako, HAHAHA. I thought It's about time I rewrite the story, dahil tuwing nababasa ko to naki-cringe ako. Junior Highschool pako nung sinulat ko to, tapos conyo pako non. Please note that slow po ako mag update, and minsan po nagkaka-mali ako ng spelling, so paki-point out nalang po para maayos ko. Thank you! Enjoy the story. Word count: 1,167 words)

Pronunciation check: (a.k.a kung papano i-pronounce yung mga pangalan, bagay, etc. sa kwento.)
Roseate = Ro-zet

Nakakapaso. Sobrang nakakalapnos. And yet, okay pa rin ang balat ko.

"PAPA!" Sigaw ko, habang sobrang daming tao na tumatakbo sa paligid ko.

"PAPA!" Niyakap ko ang sarili ko in hopes na hindi ako hanginin ng hangin na lumalabas galing sa palasyo.

"PAPA!" Isa pang beses. Wala, wala talagang sumasagot. Gusto ko nang umalis dito. Ayaw ko na dito. Sobrang init. Nasan na ba si Papa?

At may naramdaman nalang akong kamay na tumakip sa bibig ko.

-----

"AHHHH!" Napa-upo ako sa kama ko nang tumatagaktak ang pawis ko. Basang basa buhok ko. Ugh. Pang limang beses na this week na ayun ang panaginip ko. Ano kayang ibig sabihin non?

"ROSEATE!" Tawag sakin ni Mama galing sa kusina.

"Ugh.. Opo, bababa na po ako!" Sigaw ko pabalik sakanya.

Naligo nako, at inayos ang buhok ko into two high ponytails. Sinuklay ko na ang asul na buhok ko, at nag-bihis nako ng simpleng hoodie at pantalon. Bumaba nako at-

"ANO YAN?" Sigaw sakin ni Mama habang tinuro niya yung buhok ko.

"Mama, I can explain-" Sagot ko naman. Kinulay ko na kasi yung buhok ko ng blue. 

"Ikaw talagang bruha ka! Alam mo ba-"

"Alam ko na ang sasabihin mo! Wala akong paki sa mga sasabihin ng kapit bahay! Bakit ba mas gusto mong pakinggan yung opinyon nila sa anak mo kaysa sa kung anong gusto ko?" 

SLAP.

Humapdi ang gilid ng mukha ko. I held my right cheek with my hand, and I'm sure na magkakaron yon ng pasa.

"Dumating na yung report card mo. Nandun sa mesa." And with that, umalis na siya sa harapan ko. 

I sighed, at lumapit sa mesa. I saw a  small white envelope, at binuksan ito.

Report Card: Roseate Langdon
Grade 10 - Amethyst
St.Joseph Public School

Araling Panlipunan - 77
Computer - 76
T.L.E - 65
English - 79
Mathematics - 80
Filipino - 67
M.S.E.P - 82
Science - 64
E.S.P - 81

Note: A pleasant day to you Ms. Langdon! We would like to inform you that we will not accept your child in our institution starting tomorrow, due to her impeccably low grades and the lack of participation. Thank you.

What..? They're.. not accepting me anymore?

"Mama!" Tawag ko sakanya.

"Ano nanamang problema mo?" Sagot niya galing sa sala.

"Saan na po ako mag-aaral?" Tanong ko sakanya.

"Kumuha ka ng malaking bag sa kwarto mo, at mag-impake ka ng mga kailangan mo."

Veena: Academy For Demons (UNDERGOING MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now