Chapter Seven

370 4 0
                                    

                Halos tatlong linggo na lang at gra-graduate na kami. Pagka-graduate, pupunta ako sa sa tita ko sa States. Dun ako magta-trabaho sa paaralan kung san rin siya nagta-trabaho. Si Eunice naman, na hindi ko na mahagilap, mag-aaply bilang stewardess sa isang airline. Hindi na rin kami nag-uusap ni Max, mag-iisang buwan na. Hindi na rin kami na rin nagkikita ng mga kapatid niya. Unti-unti ko na siyang nakakalimutan.

…………

                Naglalakad ako sa hallway papunta sa library. Napatigil ako sa isang sulok nang nakita kong nag-uusap si Max at si Eunice. Lalapitan ko na sana sila nang biglang nagsalita si Eunice. “Hanggang natin to itatago?”

                “Hindi ko rin alam. Mas lalo siyang magagalit sakin. Sa atin.”

                Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila kaya nagpasya akong magtago at nakinig na lang sa kanila.

                “Hindi magtatagal… mahahalata na rin ng lahat Max. Mahahalata ni Faye.”

                “Pero hindi ko alam kung pano sabihin sa kanya.”

                “Hindi ko pa nga nasasabi sa mga magulang ko.”

                “Kailangan… kailangang sabihin mo na muna sa kanila. Sasamahan kita.”

                “Tanggap ko kung ano ang gagawin sakin ng mga magulang ko… pero si Faye… pag nalaman niyang buntis ako sayo, hindi ko alam kung ano ang mangyayari.”

                Napaluha ako sa narinig ko… buntis ang best friend ko at ang ama… ang ama ay ang lalaking… mahal ko. Kaya nakipaghiwalay sakin si Max, dahil kay Eunice at tinago nila sakin to ng napakatagal.

Napalingon sa direksyon ko si Eunice at nakita niya ko. Tumulo ang mga luha niya. “Faye…”

Lumapit ako sa kanya.  Hindi ako nakapagpigil at sinampal ko siya. “Faye I’m sorry… hindi ko sinasadya.”

“Bakit niyo tinago? All this time… niloloko niyo kong lahat.”

“Faye… hindi ko… hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo.” Sabi ni Max.

“You’ve been playing dumb in front me. Now I know kung bakit kinakamusta ng pamilya mo at ng mga kaibigan mo si Eunice. Max, bakit… bakit sa lahat ng tao… si Eunice.”

“I was… I was just tempted. Hindi ko… ayoko ng mga nangyari.”

“Alam mong masasaktan ako pero ginawa mo pa rin Ginawa niyo pa rin.”

Nilapitan ako ni Eunice at hinawakan ang mga kamay ko. “Faye… patawarin mo ko.”

“I trusted you. I trusted all of you.”

“Faye… I’m sorry.” Sabi ni Max.

“Congratulations… because you never fail to hurt me!” Saka umalis ako papalayo. Umiiyak at wala akong masandalan. Nasasaktan ako at hindi ko alam kung hanggang kalian ko to mararamdaman.

……………

                Ilang araw na ring hindi ko pinapansin si Eunice. Sinusubukan niyang kausapin ako, pero nagmatigas ako. Gusto ko siyang patawarin, gusto ko silang patawarin pero di ko pa magawa. Dalawang araw na lang at graduation na. Ayoko naming sa araw nay un, hindi pa rin kami nagkaka-ayos ni Eunice.

……………

                “Patawarin mo na siya Faye.” Sabi ng lola ko.

Never a Happy EndingWhere stories live. Discover now