Chapter Three

315 2 0
                                    

Mag-iisang linggo na rin kaming nag-uusap ni Mr. X. Kahit sa paraang text messaging lang ito, pakiramdam ko, gumagaan ang sakit na dala-dala ko sa tuwing nagkukuwento ako sa kanya tungkol kay Max.

                11:30 na ng gabi nang nag-text si Mr. X.

                *text*

                “Mttulog ka na ba?”

                “Hnd pa nman. Bkt?”

                “Wla lng. Gusto ko lng kausapn ka pra di mo mpaginipan si Max.”

                “Bkt? Ganun ba un? Pag kinausap mo q d q sya mpapagnipan?”

                “Eh, kasi para m.distract kta.”

                “Hmmmm. Okay. Ssbihin ko say o bukas if effectv.”

                “Ano kya ang mgandang pagusapan?”

                “Ewan ko sa’yo.”

                “Hmmmm. Kmusta kna? May nkikita kna bang ibang lalaki?”

                “Wla pa. Alam mo, hnd ko mintndhan kung bkt niu ko pngpipiltang mag bf eh ayokonga.”

                “dats the best way to 4get him.”

                “talaga lang hah. Sige, susubukan ko.”

                “Dpt lng talga. Ur pretty, kind, smart, ur evry guy’s dream grl. Madali lng mkahanap ng bagong bf.”

                “Panu mo nman nssabi yan?”

                “Dba nga kilala kta? Kya alam ko kung anung klaseng babae ka.”

                “Cgeh na nga. Wag mo nkong bolahin. Matutulog nku. Mtulog kna rin.”

                “Cge. Bukas ulit.”

.............

                Hindi ako mkatulog. Iniisip ko kung bakit ako tinutulungan ng taong to. Talaga bang concerned lang siya sa akin, parang imposible naman na tulungan niya akong basta basta na lang o di kaya’y naawa lang siya sa’kin. Pero, kung anuman ang dahilan niya, nagpapasalamat na lang ako.

                Kinaumagahan, kinuwento ko kay Eunice ang napag-usapannnamin ni Mr. X.

                “Alam, pakiramdam ko, kilala ko siya.” Sabi ko sa kanya.

                “Baka naman kasi kilala mo talaga siya.”

                “Ewan ko nga. Pero ang alam ko, Masaya ako kapag nag-uusap kami.”

                “Panung Masaya?”

                “Anu ka ba naman. Hmmmmp... Hai nku. Yun bang, gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakabasa ako ng message galing sa kanya. Ewan ko nga, basta.”

                “Friend, isa lang ang sagot diyan. Nahuhulog ka na sa Mr. X na yan!”

                “Talaga? Eh kasi bakit ba ang sweet niya kapag nagte-text. Tapos lagi niya pa kong kinakamusta.”

                “Sa wakas, sinagot na nag dasal ko na makahanap ka ng boyfriend.”

                “Anu ba! Ni hindi ko nga kilala ang lalaking to. Malay natin kung lumpo o pipi pala.” Pinisil niya ang pisngi ko at sinabing, “Gaga ka ba? Eh panu kapag gwapo, matipuno, matangkad.”

                “Ewan ko sa’yo!” Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa bench ngunit paglingon ko, agad kong nakita si Max na kasama ang mga kaibigan niya sa kablang bench.              

“Hai naku. Sabi ni Mr. X hindi ko dapat Makita ang lalaking to. Alis na ko.” Mahina akong nagsalita para si Eunice lang ang makarinig at naglalakad na papalayo.

.............

                Papunta ako sa classroom nang naalala kong nakalimutan ko pala ang libro ko sa locker. Kaya tumalikod ako ngunit may nakabangga akong tao at nahulog ang mga gamit ko sa sahig. Yumuko ako para damputin ang mga ito. Yumuko rin ang lalaki. Nang tiningnan ko siya, saka ko na nalaman na si Max pala ang nakabangga ko. “Sorry Faye.”

                “Ayos lang. Wag mo na kong tulungan.” Dinampot ko ang notebook ko nang biglang dumampi ang kamay ni Max sa kamay ko. Agad kong inalis ang kamay ko. “Sorry.” Sabi niya.

                “Mauuna na ko.” Sabi ko at naglakad papalayo. Malakas ang tibok ng puso ko. Parang drums. Tiningnan ko ang kamay ko na hinawakan niya. Bumalik lahat na alaala naming dalawa.

*toot toot*

                May natanggap na naman akong mensahe galing kay Mr. X

                “Faye, okay ka lang?”

                “Ba’t mo natanong?”

                “Nakita kita. So, okay ka lng?”

                “Siyempre hindi. Evrythng flashed back.”

                “Distract urself.”

                Tumulo ang mga luha ko. “Wag kang iiyak.” Sabi niya.

                “Ano? Asan ka ba hah?” lumingon ako sa paligid ngunit wala naman akong nakitang kakaiba.

                “Bsta. Wag ka nang umiyak. Wag mo siyang iyakan.”

                “Hndi ko mapigil eh.” Tumunog ang school bell pero, hindi pa rin ako naglakad papunta sa classroom ko.

                “Pumasok ka na sa klase mo.” Sinunod ko yung sinabi niya.

..............

                “So, yun na yun? Hindi kayo nag-usap?” tanong ni Eunice.

                “Hindi, umalis ako agad eh.” Napaluha na namana ako. Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing, “Wag mo na siyang iyakan. Please naman hoh. Naaawa na ko sayo.” Pero hindi pa rin ako tumahan. Iniiyak ko na lang ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya.

                Hinatid na ko pauwi ni Eunice. Magpapahinga na ko nang nag-text si Mr. X.

*text*

“Kmusta ka na? Umiiyak kna nman bah?”

“Sori. Mukhang hnd ko ngayon msusunod ang gusto mo. Hndi ko ksi mpiglan ang pgtulo ng mga luha ko.”

“Tlaga bang nsktan ka niya ng sobra?”

“Oo. Sobrang sakt.”

“Tama na yan Faye. Ptawarin mo nlng xa. Yun na yung susi pra tuluyan kang mka pag move on.”

“Hndi ko pa ata kaya yun.”

“Kayanin mo. Mrmi png lalaki dyan na handa kang ibigin.’

“Thnk u hah.”

“Para saan?”

“Kasi lagi mo kong tinutulungan.”

“Masaya nman aq sa gnagawa ko. Sige na. Magpahinga kana. Sna mpatawad mo rin siya.”

Never a Happy EndingWhere stories live. Discover now