Chapter Six

263 1 0
                                    

“A… ano? Tal…talaga? Iisa lng si… sila?” tanong ni Eunice. Pagdating ko kasi sa school, agad kong sinabi sa kanya.

                “Oo. Bakit ka ba nauutal?”

                “Ah… eh… wala. Nagulat lang ako.”

                “Hindi ako nagulat. Naiinis ako.”

                “Hayaan mo na. Baka naman kasi gusto ka talaga niyang tulungan.”         

                “Ewan ko. Basta masakit ang puso ko ngayon.”

                Hindi ako nakatulog kagabi sa kaiisip kay Max. Bakit niya ba kasi nagawa sa akin yun. Kung alam lang niya kung gaano kasakit.

…………..

                Nasa library ako nang tumabi sakin si Max. “Anong ginagawa mo ditto?”

                “Faye, gusto ko lang makipag-usap.”

                “Pwes, ayoko. Nag-aaral ako. Umalis ka nga!”

                “Sssshhhh!” pagsaway ng librarian dahil sa pagsigaw ko.

                “Hinaan mo kasi ang boses mo.”

                “Panu pag ayaw ko? Umalis kana kasi!”

                “Sssshhhh!” pagsaway ulit sa amin.

                “Okay, let’s just talk. Please.”

                “Bakit ba napakamapilit mo? Ayoko ko nga sabi.”

                “Sige na naman Faye.”

                “Isa pa, sisigaw talaga ako dito.”

                “Gusto ko lang naming mhumingi ng tawad.”

                “Hindi ko kailangan ng sorry mo!”

                “Sssshhhh! Wag kayo ditto mag-away.” Sabi ng librarian sa amin. Tumayo ako at naglakad palabas ng library. Sinundan niya ko.

                “Wag mo nga akong sundan.”

                “Kailangan nga nating mag-usap.”

                “Kung mag-so-sorry ka, pwede ba, tama na. Hindi pa kita kayang patawarin kaya tigilan mo na ko!”

                “Mahal mo pa rin ba ko?” Natigilan ako sa itinanong niya. Oo. Mahal ko pa rin siya.

                “Hindi na. At ayoko na.”

                “Eh bakit parang affected ka pa rin.”

                “Hindi ako affected.”

                “Eh defensive. Aminin mo na lang kasi. Kung hindi mo ko mahal, why are you so grumpy?”

                “Hey, I’m not affected, not defensive nor grumpy! I’m just mad.” Tumakbo na ko papalayo dahil naramdaman kong tutulo na ang mga luha ko.

                Mahal ko pa rin siya, pero ayoko nang ipagsiksikan pa ang sarili ko sa kanya. Hindi niya na ko mahal at tanggap ko na yun.

…………..

                Pagkatapos ng praktis namin ng graduation, bumalik ako sa classroom. Napadan ako sa room nina Max at narinig kong nag-uusap ang mga kaibigan niya.

                “Max, kamusta na si Eunice?” tanong ni Alex.

                “Oo nga Max. Kamusta na siya?” dagdag ni Josh.

                “Ganun pa rin.” Sagot ni Max.

                “Nasabi niya na ba sa mga magulang niya?” tanong ni Alex.

                Hindi na ko nakapagpigil at nakisali na ko sa usapan nila. “Anong pinaguuspan niyo tungkol kay Eunice?”

                Natahimik silang tatlo. Tila gulat na gulat dahil bigla akong sumulpot.

                “Ah… eh…” pinatigil ni Max si Alex at sinabing, “Nililigawan kasi ni Alex ni Eunice.”

                “Hah? Hindi niya nasasabi sakin yan hah.”

                “Baka kasi marami lang kayong napag-uusapan kaya hindi niya… naikukuwento sa’yo.” Sabi ni Max.

                “Oo nga. Tama si Max.” dagdag ni Josh.

                “Sigurado kayo?” Tumago silang tatlo. “Sige, alis na ko.”

………….

                Nagtatago nap ala ngayon ng sikreto si Eunice sa kin. Parang hindi niya naman magagawa yun. Iniisip ko ang nangyari kani-kanina lang nang nakasalubong ko si Eunice.

                “San ka ba galling? Kanina pa kita hinahanap. Tara na, uwi na tayo.” Sabi niya sa’kin. Tiningnan ko siya ng masama. “O, bakit?”

                “Nanliligaw pala sa’yo si Alex, di mo man sinsabi sa’kin.”

                “Hah? Anung… teka… si Alex?”

“Oo. Yung kaibigan ni Max.”

“Hah? Alex…”

“Eunice!” Lumingon ako at nakita sina Alex na tumatakbo papunta samin.

Inakbayan ni Alex si Eunice. Nagtinginan silang dalawa nang tinawag ako ni Max kaya napalingon ako sa kanya. Nginitian niya lang ako kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Sorry Faye hah. Nakalimutan ko na kasing sabihin sa’yo eh.” Sabi ni Eunice.

“Grabe ka hah. Sa dinamidami ng pwede mong makalimutan hah.”

“Sorry na nga. Two weeks pa lang naman kasing nanliligaw tong taong to sa’kin eh.”       

“Sige na nga. Uwi na tayo.”

…………..

Never a Happy EndingWhere stories live. Discover now