Chapter 196

841K 31.6K 32.2K
                                    

A/N: Sorry sa wrong grammar and spelling.

Para sa mga Team David, i'm shorey. Hehehehe... 😙😙😙

Keifer's plan

Jay-jay's POV

Aaaarrrrgggghhhhh!!!!

Sobrang sakit ng ulo ko! Hindi naman ako naglasing kagabi pero daig pa ng Hangover yung nararamdaman ko. Hinampas ko ang ulo ko sa pagbabaka-sakaling matabunan non yung sakit na nararamdaman ko.

Pero walang talab. Namamalipit na ko sa higaan. Tang'na! Kung eto pala ang kapalit ng inumin na yon, hindi'ng hindi na ko iinom non.

Ang sakit talaga!

Narinig ko ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

"Jay..." Boses ni Tita Gema. "...Bangon na. Tatanghaliin ka sa school."

"S-sige po!" Sagot ko.

Pinilit kong bumangon kahit halos dumikit na yung ulo ko sa unan ng kama. Naglakad ako papunta sa banyo at dun ko naramdaman ang bigat ng katawan ko.

Para akong pagod na pagod at magkakasakit. Napaupo ako sa kama habang hinihilot ang ulo ko.

Kingina!

Meron akong bigla naalala. Kagabi habang nagsasayaw ako. Parang nakita ko sya, parang nakita ko yung Hari ng mga Dimunyung Ulupong. Nakatayo sa gitna ng mga nagsasayaw at titig na titig sakin.

Imposible! Epekto lang siguro nung ininom ko yun. Anu namang gagawin nya dun sa Kingsground? Hindi naman sya Party Animal.

Pinilit kong makakilos ng maayos. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Baka sakaling mahimasmasan ako at mawala ang sakit na nararamdaman ko. Matagal din akong nagbabad dahil sa bagal ng kilos ko.

Matapos maligo at mag-ayos, lumabas na ko. Si Tita Gema ang una kong nakita na nasa Sala.

"Papasok ka na?" Tanung nya.

Hindi po. Pauwi po ako. Pauwi!

"Baka po kasi malate ako." Palusot ko.

Nag-nod sya habang nakangiti. "Ingat ka."

Hindi na ko sumagot at naglakad na palabas ng bahay. Kita ko sa mga mata ni Tita ang pag-aalala sakin. Hindi ko sya masisisi, lumayo na kasi ang loob ko sa kanila matapos ang nangyari.

Umalis na din pala si Lola sa bahay. Hindi na daw sya nag-paalam sakin dahil wala pa ko nung ihatid sya nila Kuya. Nakakalungkot na umalis sya ng hindi pa kami nag-uusap tungkol sa pagsampal nya sakin.

Lagi syang may paliwanag sakin tuwing nasasaktan nya ko. Gusto ko pa ring marinig yun sa kabila ng nangyari. Ayokong magkaroon ng sama ng loob sa kanya.

Dumaan muna ko sa butika para bumili ng gamot. Masakit pa rin kasi ang ulo ko.

"Pain killer po." Sabi ko sa tindera. "...yung sa ulo."

Nag-nod sya habang nakangiti. Sandali nyang kinuha yung hiningi ko. Habang naghihitay napatingin ako dun sa magka-sintahan na patuloy sa pag-uusap habang nagbabayad ng binili.

Tsk! Hindi rin kayo magtatagal! Niloloko ka lang nyan ate!

Bumalik yung tindera dala yung binibili ko. "17.50 po."

"Meron pa pala..." Sabi ko.

"Anu po yun?"

"Gamot sa durog na puso meron kayo?" Seryosong tanung ko.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon