flesh 1

11 3 1
                                    


Luiz p.o.v.

Kring.....kring.......kring.........kring.....

That's my alarm clock another day of my hated day.

Agad kong kinapa ang alarm clock ko para patayin na iyon.

Nakapikit akong tumayo sa kama ko at binuksan ang pinto.

Naglinis muna ako ng mata bago ako nagmulat.

Dumeretso ako sa cr para maligo at
Mabilis na nag bihis.

"Himala ang aga mo nagising ngayon! Bati ng nakatatanda kong kapatid na si lance.

Di ko man lang tinapunan ng pansin ang sinabi niya.

Sa halip ay dumeretso ako sa kusina para kumain na.

Nakaka bored talaga rito sa bahay kaya di ko alam kong saan ako pipirmi.

Sa school ba na puro masusungit na tao ang nakakahalobilo ko o rito sa bahay na bored na bored ako.

Last year na to 3 months nalang makaka graduate ka na!!!!

Namuo sa labi ko ang ngiti ng maisip ko iyon ibig sabihin makikita ko na ang mga magulang ko.

Sana talaga makarating sila......

Pagtapos ko kumain ay umalis na ako naiwan ko si kuya na nanonood lang ng TV di man lang ako nagpaalam sa kaniya na paalis na ako.

Tss....

Ito na ang fajardo university ang napaka mysteryosong paaralan sabi nila marami daw kababalaghan dito.

Pero di ako nagpatinag na pumasok rito.

First..napakaganda ng service

Second...peaceful

Third......malawak pero di ka maliligaw marami kasing guard rito.

Fourth....napakamura ng tuition fee.

Fifth....magaling magturo ang mga teacher.

And lastly....maraming chicks.peace

But I hate my classmate and my prof.dahil ang susungit nila.

Ayaw man lang ako tignan nila pag nagtatama ang mga mata namin agad silang umiiwas.

Tss..joke lang lahat naman kami ganoon kung ganoon nila ako tratuhin ganoon din ang gagawin ko sa kanila.

Pagpasok ko sa room ay ang tahimik ng lahat na dati pa namang nangyayari.

Tinignan ako ng katabi kong sina chion at abigail bago ibinalik ang tingin sa kpop merchandise nila.

"Good morning class!masiglang bati ni sir valdez ang prof. Namin sa physics.

Siya na siya na ang dimonyitong panot na prof. ko pero bakit parang ang bait niya ngayon ang laki rin ng ngiti niya parang may kakaiba.

Nakita ko ang stain ng dugo sa balikat niya.ano yun?

Habang nag susulat siya ay nabitiwan niya ang chalk napahawak siya sa balikat niyang may blood stain.

Nagsisigaw siya sa sakit siguro may  sugat siya sa balikat niya nag sitayuan lahat.

Sina baner at jake ang tumulong kay sir valdez pero bago pa nila matulungan siya ay humiga at naglupasay.

Lumabas na kaming lahat para humingi ng tulong nakita kong nahuling lumabas si tony na hinabol ni sir valdez.

Tumumba silang dalawa at kinagat ang leeg ni tony na iyan ng iyak.

The Death zoneWhere stories live. Discover now