Farewell

1.8K 36 2
                                    

Hannah's POV

Nang makalayo ako dun ay pumunta muna ako sa favorite tambayan ko ang likod ng building B. Nakaupo na ako ngayon. Nakatingin lang sa malayo. Parang may malalim na iniisip. Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Dapat hindi na ako nasasaktan.

" Boo! " - Napalingon ako sa nanggulat sa akin.

" Sino ka? " - Sabi ko sa kanya.

" Annyeong! Ako nga pala si Faye. " - Sabi nya sa akin. Eh sino sya?

" Hi. Anong ginagawa mo dito? " - Sabi ko sa kanya.

" Hala! Bakit namumula ang mata mo? Umiyak ka ba? " - Sabi nya sa akin. Umiling lang ako at ngumiti sa kanya.

" Ikaw sino ka ba? " - Sabi ko sa kanya.

" Ah ako? P.A mo ako. Sabi ni Sir Nico. " - Sabi nya sa akin. Napatingin ulit ako sa malayo. Malapit ko nang iwan ang mga kaibigan ko.

" Ah. " - Sabi ko na lang sa kanya.

" Bakit nga namumula ang mata mo? " - Sabi nya sa akin.

" Napuwing lang ako. " - Sabi ko. Mukang hindi sya satisfied sa  sagot ko pero hindi na nya ako pinilit pa. Mabuti naman at hindi sya mapilit na tao.

" Alam mo pwede akong sabihan ng problema. " - Napatingin ako sa kanya.

" Kasi... iiwan ko ang mga kaibigan ko para lang sa lecheng sakit na ito. " - Sabi ko at naluha ulit.

" Let's go. Puntahan natin ang mga kaibigan mo at magpaalam tayo. Sabihin mo babalik ka rin naman pagkatapos ng operation mo. " - Sabi nya sa akin.

" Teka. " - Sabi ko. Tumayo ako.

" Saan tayo pupunta? " - Sabi ko sa kanya.

" Sa mga kaibigan mo. " - Sabi nya at hinatak kaagad ako.

***

Huminto kami sa library. Naisip ko lang. Manghahatak sya bigla-bigla tapos hindi naman nya alam kung saan kami pupunta. Siraulo talaga.

" Sinu-sino ba ang mga kaibigan mo? " - Sabi nya sa akin. Sinu-sino nga ba?

" Si Zelle muna. " - Sabi ko sa kanya.

" Nasaan sya? " - Sabi nya sa akin.

" Hindi ko alam eh. " - Sabi ko sa kanya.

" Hanapin natin. " - Sabi nya sa akin.

Hinatak nya ulit ako for the second time. Pansin ko lang. Kakakilala pa lang namin tapos grabe na sya makahatak.

***

Nakarating kami sa office. Kinakabahan na ulit ako. Baka nandito pa rin sya. Kasama nya pa rin ang babae nya.

*creeeeeck*

" Hello po! " - Sabi ni Faye. Napatingin ako sa kanya. Sya na lang mag-isa. Umalis na pala yung babae nya.

" What can I do for you Miss? " - Sabi ni Curt. Napatingin sya sa akin pero wala akong nakitang anumang emosyon sa mata nya.

" Kasi po, si Ma'am Hannah ay hinahanap ang mga kaibigan nya. Kaso hindi nya makita si Ate Zelle. Pwede po bang maitanong kung nasaan sya? " - Tumingin naman si Curt kay Faye.

" Hindi hanapan ng nawawalang tao ang opisina ng ate ko. Bukas ang pinto pwede na kayong lumabas. " - Sabi ni Curt. Sige, magsungit ka.

" Ang sungit mo naman! Porket gwapo ka! Makaalis na nga! Tara na Ma'am Hannah. " - Sabi ni Faye.

" Wait. Why did you call Hannah, Ma'am Hannah? " - Sabi pa ni Curt. Ano bang paki nya kung Ma'am ang tawag sa akin ni Faye?

" Simple lang. Amo ko sya. " - Sabi ni Faye at saka nagcross arms.

Casanova's True Love (Completed)Where stories live. Discover now