Bet

1.9K 32 0
                                    

Hannah's POV

Niyaya ako ni Curt makipagdate! Pangalawang araw na ito. Bukas daw ay susunduin nya ako ng 7 PM. Kinakabahan ako para bukas. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari.

Napagulong ako sa kama ko.

" Hmm... " - Napahuni ako. Parang kinikilig kasi ako. Hindi ko alam pero parang kakaiba kasi yung nararamdaman ko. Parang gusto kong matae na hindi ko kaya.

" Anong isusuot ko bukas? " - Sabi ko sa sarili ko. Nangingiti rin ako ng hindi ko alam.

" Ah... sa tingin ko anak magpakatotoo ka sa susuotin mo. Saan ba punta mo? " - Napaayos ako ng upo. Hehe. Si Mama.

" Ah kasi po... " - Hindi ko masabi yung right word eh.

" Ano? " - Sabi nya pa.

" Amm... ano po kasi... " - Sabi ko pa. Bakit hindi ko masabing makikipagdate ako bukas?

" Ano? Naghihintay ako ng sagot. " - Sabi nya pa. Waaah! Pinapahirapan ako ni Mama! Huhu.

" Ah kasi po Mama... may d-date ako. " - Sabi ko saka napakamot ng ulo ko.

" Talaga? " - Sabi nya sa akin at saka lumapit. Naku! Kinakabahan na ako!

" O-Opo. " - Sabi ko at nayuko. Paano ko na maaapproach si Mama nyan?

" Anak, ako mag-aayos sayo bukas ha! " - Sabi nya. Napatingin ako sa kanya.

" H-Ha? " - Sabi ko sa kanya.

" Sabi ko ako ang mag-aayos sayo bukas. " - Sabi nya pa. Seriously?

" W-Wala kayong lakad bukas? " - Sabi ko. Kasi di ba lagi syang umaalis. Kaya nakakapagtaka.

" Wala. Bakit? Ayaw mo ba akong ayusan ka? " - Sabi nya pa.

" Hindi po kasi eh... lagi kasi kayong umaalis. Kaya nakakapagtaka kung bakit hindi kayo aalis bukas. " - Sabi ko. Hindi naman sa ayaw kong make-upan nya ako. Nakakabuang kasi biglaan si Mama nag-aannounce.

" Basta ako ang mag-aayos sayo bukas. " - Sabi ni Mama.

" Sige po. " - Sabi ko.

" Sige, matulog ka na. " - Sabi nya sa akin.

" Opo, good night. " - Sabi ko at nahiga.

***

Pagkamulat na pagkamulat ng mata ko. Nasilaw na kaagad ako sa sinag ng araw.

" Haay! Kinakabahan na talaga ako. *yawn* " - Sabi ko. Ano ba yan! Ang aga aga pa pero kinakabahan na ako! Hindi ko na alam yung gagawin ko mamaya.

Tumayo na ako sa kama ko at pumasok sa CR. Maliligo muna ako. Habang naliligo ako napakanta ako.

" Deo dangdang hage neon... Mr. Mr. " - Ang ganda talaga ng kantang iyon! Ang ganda ng meaning ng kanta nya. At yung MV? Kahit nadelayed yung MV, maganda pa rin.

(A/N: Putekk! Inaatake na naman ako ng pagfafangirl sa Girls' Generation. Haha by the way tuloy lang.)

Habang nagsasabon ako hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at naisip ko bigla si Curt. Bakit ba naisip ko sya? Habang naiisip ko sya naisip ko rin yung nabuo kong plano tungkol sa break break his heart. Ewan ko ba pero... parang ang lame naman ng pinag-iiisip ko. Nababaliw na yata ako eh. At sinasapian ako ng kung ano-anong espiritu. Tapos yung mga pinagsasasabi ko... parang nakakabuang. At saka think of him. Para syang bipolar. Nung nakaraan pinipilit nya akong maging kaibigan sya. Tapos biglang naging cold sya. Remeber nung slave ko sya sinabi nya pang maging friends kami. Hindi ko rin maintindihan yung lalaking yun eh. Naguguluhan rin ako sa pagkatao nya. There is something na hindi ko maiwasang hindi sya isipin.

Casanova's True Love (Completed)Where stories live. Discover now