Hannah's POV
Naramdaman kong hinawakan nya ang ulo ko at sinandal sa balikat nya. Palabas na naman.
" Hindi ito kasama sa plano pero... " - Hindi ko na alam yung kasunod kasi nakatulog na ako.
***
Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Halos naman lagi eh. Lagi na lang akong nagigising ng dahil sa sikat ng araw. Pwede sikat ng flourescent muna?
*ring ring ring*
Aga namang tawag yan!
" Hello! " - Sabi ko.
" Good morning! " - Sabi nya sa akin.
" Curt? " - Sabi ko.
" Ako nga! " - Sabi nya pa.
" Bakit ka tumawag? " - Sabi ko sa kanya.
" Namiss lang kita. " - Sabi nya pa sa akin.
" Wow. Parang kagabi lang naging magkasama tayo ha! " - Sabi ko sa kanya. Sarcastically.
" Eh sa namiss kita eh! " - Sabi nya pa.
" Heh! " - Sabi ko sa kanya.
" Nakatulog ka siguro ng maayos. " - Sabi nya sa akin.
" Huh?! " - Sabi ko.
" Kasi nung nakasandal ka sa balikat ko tulo pa laway mo eh. " - Sabi nya sa akin.
" Hindi naman tulo laway ko eh. " - Sabi ko sa kanya.
" Weh?! Bakit may nakita ako? " - Sabi nya sa akin.
" Wala naman talaga eh. " - Sabi ko.
" Sige. Hintayin na lang kita sa school. " - Sabi nya.
" Bakit mo naman ako hihintayin? " - Sabi ko.
" Kasi namimiss na nga kita. " - Sabi nya pa.
" Leche! " - Sabi ko na lang. Sabay baba ng cellphone.
*dug dug*
Late reaction ang puso ko. Pigilan mo ang sarili mong mahulog sa lalaking yun Hannah. Mananalo ako sa larong sinimulan nya. Naaalala ko pa yung huling sinabi nya kagabi...
" Hindi ito kasama sa plano pero... " - Yan yung sinabi nya... ibig sabihin, tama ang hinala ko. Kung nakikipagpustahan sya... hindi nya ako maiisahan. Sa larong ito. Sisiguraduhin kong ako ang mananalo at sya? Matatalo.
***
Naglalakad na ako sa hallway. Pansin ko lang halos wala nang bumubully sa akin pero may mangilan-ngilan pa rin. Katulad nito...
" Look girls! Ang nagbago dahil sa mga Lopez! Sumipsip! " - Sabi nung babaeng mukang hito.
" Who?! " - Sabi ko. Tumingin pa ako sa likod ko pero wala namang ibang nandun.
" Sino pa ba. B*tch. " - Sabi ng isang babae at saka ako hinatak sa buhok. Don't try me. Magsisi ka.
" Let go of my hair! " - Sabi ko sa kanya. Hinawakan ko na yung kamay nya para tanggalin sa buhok ko.
" Paano kung ayaw ko? " - Sabi nya sa akin. Marami sila mga 3 pero... isa lang yung nakikipagsabunutan sa akin.
" Sabi ko bitiwan mo. " - Sabi ko at saka tinanggal ang kamay ko sa kamay nya.
" Ayoko nga sabi eh! " - Sabi nya pa. Bumwelo ako ng isang malakas na sapak. Pero nang sasapakin ko na sya... may pumigil pa.
" Tigilan mo yan! " - Sigaw ng isang pamilyar na lalaki. Si... Darryl.
![](https://img.wattpad.com/cover/10624728-288-k324410.jpg)