Father

1.7K 30 0
                                    

Hannah's POV

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Napansin kong marami silang nandito. Ang RSG. Ang GF. Si Tito Nico. Wala si Mama? Nasaan sya?

*ring ring*

Sinagot iyon kaagad ni Kevin. Lumabas muna sya. Napatingin ako sa paligid ko. Nakatingin sila sa akin at tila ba... kakatapos lang sa iyak. Pati ang RSG at GF. Ano bang nangyari?

" Bakit kayo nakabusangot? " - Tanong ko. Napatingin naman sila sa akin. Hindi ko mawari kung kinakabahan ba sila o sadyang ganyan ang itsura nila. Muka kasi silang wasted na naghahanap ng palusot. in short... mukang adik sa kantong nakasinghot ng rugby.

" Hannah... " - Napatingin ako kay Zelle. Nakatingin sya sa akin pero blangko ang muka nya. Ano ba talagang problema nila? Bakit ba napakaseryoso at tahimik nila? Nakakapanibago talaga.

" Bakit? " - Sabi ko sa kanya. Hindi sya nagsalita sa halip humagulgol sya ng malakas. Kinakabahan tuloy ako. Ano bang problema nila? Nakakaiinis na ha!

Bigla namang pumasok si Kevin.

" RSG at GF. May laban daw. " - Sabi ni Kevin at umalis na. Hindi umalis si Zelle. Kami na lang ang nandito kasama si Tito Nico.

" Ano ba talagang nangyari? " - Sabi ko sa kanila.

" Si Tita. " - Bigla akong kinabahan. Anong nangyare kay Mama? Pangalawa na ito ha! Nakakainis na ha!

" B-Bakit? " - Sabi ko.

" W-Wala na s-sya. " - Napaluha ako ng bongga. Si Mama na nag-alaga sa akin ng ilang taon? Mawawala sa isang kisap mata? Dapat talaga hindi ko na minahal yang Curt na yan eh. Dagdag sakit sa ulo lang. Magreretired na nga ako sa pagiging P.A ni Curt. Mag-aapply na lang ako ng ibang trabahong pwede kong pasukan.

Napahagulgol ako ng sobra.

" Hannah. " - Napatingin ako sa nagsalita. Si Tito Nico. Ano bang kailangan nya?

" B-Bakit? " - Sabi ko. Pakiramdam ko di ko kakayanin ang sasabihin nya.

" A-Ako ang tunay mong ama " - Napaiyak ako lalo. Sya... ng amang matagal ko nang inakalang patay pero ngayon nakatayo pa rin at humihinga.

" Hindi ikaw yun. " - Sabi ko. Napaluha ulit ako.

" Hinanap ko kayo pero wala na daw kayo. " - Sabi nya.

" Umalis ka na. " - Sabi ko sa kanya coldly.

" Hindi mo ba ako hahayaang makapagpaliwanag? " - Sabi nya pa pero tinuro ko lang yung pinto ng kwarto ko. Ang bwisit naman ng buhay ko. Nakakaasar sobra.

Namatay si Mama... nalaman ko pang buhay ang Papa ko. Ang dami ko nang nalaman. Siguro pag may nalaman pa ako higit dito sa nalaman ko ay... hindi ko na kakayanin.

" Aw... " - Napahawak ako si dibdib ko. Putek bakit sumakit bigla! Nangyari din ito sa akin kanina ha! Bakit ba sumakit?!

" Hannah. " - Inakbayan ako ni Zelle. Naluha sya. Napatingin naman ako sa mga mata nya. Nagtutubig ang mga iyon.

" A-Ano? " - Sabi ko. Anytime soguro iiyak na ako sa sobrang kaba.

Niyakap nya muna ako bago sya magsalita.

" May s-sakit ka s-sa p-puso. " - Sabi nya at saka sya humagulgol. Too much pain for today. Napakasakit!

Napaiyak ako. Hindi ko naman alam na may sakit ako. Bakit ganun? Hindi naman ako ganun kasama para parusahan ng ganito? Parang hindi ko na kaya.

" Bakit? " - Sabi ko. Hindi ko na alam. Ano ba talagang nagawa ko? Siguro magpapakalayo-layo na ako. Pero paano ako magpapakalayo-layo? Wala na si Mama. Wala na akong pamilya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Saan na ba ako pupunta?

Casanova's True Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon