Hindi ko siya pinapansin.


Dj: Oi...kinalabit niya ang ilong ko. Kinuha ko ang kutsara tapos sumubo ako. deadma. Ito naman eh...sorry na...hindi na kita pipilitin. Pero dapat kumakain ka nito, sige ka magiging sakitin ka.


Kath: May vitamins naman eh..basta ayoko niyan. 

Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko.


Dj: Kathryn...wag kang magisip ng kung ano ano huh?? Loyal po ako.  dahan dahan akong tumingin sa kanya. Ang usapang gulay napunta sa usapang trust?? Hahah. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na “Oo may tiwala ako sayo..pero sa X mo???? Wala”.


Pagkatapos naming kumain at makapagpahinga, nagdecide ang mga boys na mag basketball with DJ’s cousin. Naiwan kami nila Kiray sa mansyon. Pumunta kami sa kwarto namin at ikinuwento ko ang nangyari kanina.


Kath: Imbis na siya ang masorprise....grabe...ako ang nasorpresa...


Kiray: Hm....nakakacurious yang si Z huh.....gusto ko na siyang makilala. Sabay tawa ng parang witch.


Yen: Yakap talaga?? Eeeeeeeee


Kath: Alam niyo yung feeling na naka smile ka tapos makikita mo, ganon?? Kung malapit lapit lang si Lester na may hawak na hammer, baka nasaktan ko siya. Kainis huh.


Julia: Hahahaha...grabe...ang violent. SPG! Hahahaha


Kath: Ba’t ikaw rin naman nun kay Laureen huh....mas matindi ka pa nga eh..


Julia: Whatever.....


Yen: So Kath, anung itsura ni Z nung makita mo siya??


Kath: Nakatalikod eh. Hindi humarap. Grrrr!!!! Bigla akong nagtakip ng unan sa mukha at humiga.


Kiray: Kath labas naman tayo....boring dito eh...nasa may bintana siya  nakatanaw s amay labas.

Loving You for No Reason (Kathniel FanFic)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang