Chapter 5

270K 3.1K 610
                                    

Chapter 5

Daniel’s POV

 

Setting: Kwarto ni Dj

Nakahiga ako ngayon sa kama. Himala buong maghapon akong gumagalaw pero hanngang ngayon parang hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok o pagod man lang.

Naiisip ko parin ang mga pangyayari kanina sa party. Bigla akong napangiti. Gustong gusto na siguro akong patayin ng kamahalan sa tuwing nilalabag ko ang rules na isinet niya. Malambot ang mga kamay niya. Halatang halata na mala prinsesa talaga ito sa bahay nila. Kung magkakalyo man iyon eh dahil na yun sa sobrang daming hanger na hinahawakan sa tuwing namimili siya ng damit niya. Hindi ko alam kung bakit ako nagenjoy. Dati kasi alam kong hindi ako makakatagal na makasama ang isang maarteng tao kahit isang minuto. Pero si Kath, halos limang oras kong kasama. Buti na lang at pumayag siya na sumama ulit sa reunion ng pamilya. Akala ko tatanggihan niya si Lolo kaya para hindi na siya mahirapan, ako na ang sumagot para sa tanong na iyon. Oo, inaamin kong masaya akong kasama siya. Nagenjoy ako. Natural na kay Kath ang kaartehan, hindi yun yung tipong nagpapanggap lang na maarte. Natawa nga ako ng matapunan ng juice ang damit niya. Nainis talaga siya at parang hindi na mapakali. Si Kath ang tipong maarte na maselan pa. 

Naalala ko ang club project namin together. Pupunta kami sa isang slum area para maginterview. Ano kayang magiging reaksyon non?? Malamang mahimatay yon. Nakakaexcite naman.

Kathryn’s POV

Setting: Kwarto ni Kath

Nababadtrip talaga ako sa kanya. First, sinundo niya ako gamit ang motor. Hindi niya ba alam na first time ko yon??? Second lahat ng rules nilabag niya! And last...siya pa ang tumanggi para hindi ako makasama sa reunion nila? Naalala ko pa yung sinabi niya “May gagawin po ata si Kath lolo”...the nerve!!! Akala niya kung sino siya??? Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee. Humanda ka sakin Daniel Padilla.

SUNDAY!!!!!

 

SETTING: MALL

Lumabas kami ng CHARMS. Another shopping time na naman. but this time it’s not for me, may club project kasi ako so nagpasama ako sa kanila. We were going to the slum area para sa isang interview. Bibili ako ng mga things na pwede kong maibigay sa mga bata doon. Ooops...wala akong sakit. Even though I admit na maarte ako, hindi naman ako madamot. Simula pa lang kasi nung bata ako, nung buhay pa si Mommy every year pumupunta kami sa isang slum area para magbigay ng mga gifts sa mga bata. First time kong ako mismo ang magbibigay ngayon kasi always lang akong nasa sasakyan dati. Nakatingin lang. 

Siguro kumpara dati, mas maarte ako noon. I don’t get what Mom’s objectives. I remember pa nga non, first time akong napagalitan ng mommy kasi pano ba naman ang sabi ko “Ayoko! I will stay in the car lang...mabaho don eh!!”...ang sama ko diba? Before mom died, nagpromise ako na i’ll continue to help other people na sobrang in-need. Pero dahil concerned ang dad ko sa security ko, naghire pa siya ng mga tao para magdala ng mga goods sa slum. Hindi na niya ako pinapasama.

Loving You for No Reason (Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon