Chapter 52

178K 1.9K 301
                                    

I dedicated this chapter to Jay-enCatando!

Chapter 52


KATH’S POV


IT’S SAN AGUSTIN GETAWAY!!! SO EXCITED!!


Nagupdate muna ako ng FB status ko bago ako sumakay sa van namin. San damakmak na paalala ang inabot ko kay Daddy. Princess, wag masyadong gagala ng walang kasama baka ka maligaw. Princess wag masyadong kakain baka sumakit ang tiyan mo, mahirap na at baka malayo sa hospital ang lugar. Princess, wag masyadong magpapahamog at baka ka lagnatin. Princess, wag masyadong ganito o ganyan parang gusto ko na nga ring sabihin kay daddy na “Dad baka naman sabihin mong wag ako masyadong mag-enjoy baka hindi na ako umiw?” pero baka pigilan ako umalis kaya siguro nilubos ko na lang ang pagtango kanina.



Isinakay na ni kuya Jonjon ang mga bagahe ko sa likod at nagbabye na ako kay Daddy at Kuya Karl. Papunta na ako sa pick up point namin ng barkada.




Sa isang fastfood ang usapan, dahil alam naman nilang hindi ako nagagawi sa isang cafe. Saktong 7 am nagtext na si DJ sa akin na dapat 7:30 eh nakaalis na ako sa bahay para hindi kami abutin ng traffic sa daan. Almost two hours lang naman din ang byahe namin kaya before lunch eh makakarating na kami.



Kath: O guys...tara na..pasaskay na sila ng mapansin kong wala si Anthony. Si Kiray naman may kausap na naman sa kabilang linya. Si Anthony??


Diego: Ah nasa CR. Tumango lang ako.


Kath: Kiray tama na yan...seloso si Lester...naku isusumbong kita.


Bahagya pa nitong tinakpan ang mouthpiece ng phone niya.


Kiray: Wait.....kilig na kilig pa rin ang loka. Napailing na lang ako. pumasok na rin ako sa van. Pagkababa ni Kiray ng phone niya eh nakita ko na rin si Anthony na naglalakad papunta sa kinaroroonan namin. Nang makumpleto na kami ay umandar na ang sasakyan.



Naupo si Anthony sa tabi ni Kuya Jonjon sa front seat. Ako naman at si Yen at Kiray ang nasa likurang bahagi tapos si Julia at Diego ang nasa may gitnang upuan. Dahil nagbigay naman si Dj ng sketch eh alam na ni Kuya jonjon ang daan.



Medyo matraffic kaya gusto kong maidlip pero si Kiray kasi na nasa tabi ko parang may kumikiliti sa sobrang kilig.

Loving You for No Reason (Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon