Chapter 24

195K 2K 287
                                    

CHAPTER 24

 

WEDNESDAY (DAY 3 SA BAHAY NI KUYA)

 

KATH’S POV

Maaga ako nagising sa araw na ito. Nakatanaw na ako sa may gate. May hinihintay??? Naman!

Sabi ni Kuya Ken, aalis daw kami ngayong araw, dadalhin niya ako sa opisina namin. Badtrip talaga...ano kayang trip ni Kuya?? Akala ko makakatakas na ako dahil aalis siya yun pala...isasama ako?? Ang saya saya diba??

Wala parin akong alam sa outside world bukod sa mga news sa tving hindi ko maintindihan. Halos napanood ko na rin pala ang mga movies sa dvd tape. Buryong buryo na ako. Nasa garden ako. Nagaantay ng mailman na gwapo. Hehehe.

Ano kayang nangyari sa game nila Aaron at Enrique???  Sino kayang makakalaban nila DJ sa Friday??? Nakakakaba naman. Ang dami kong inaalala. Malaki na ba yung profit dun sa booth..si Sabrinang hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa paguutak...basta..marami...natotorete na ako. I need to talk to DJ na talaga pero pano???? Waaaaaahhhhh.

Tiningnan ko ang relos ko na. Bakit wala pa siya?? hindi ba niya ako bibigyan ng letter ngayon?? Nakakainis naman kung ganon.

Lorna: Kath, sabi ng kuya ken mo maghanda ka na raw at aalis na kayo.

Sumimangot ako.

Lorna: Wag mo na siyang antayin..baka pumasok na yon.

Tumayo ako at padabog na pumasok sa bahay.

I HATE YOU! I HATE YOU DANIEL JOHN PADILLA!!!!!!

Pumasok ako sa kwarto at nagpalit na. Bakit naman kasi naisipan pa ni Kuya na isama ako? Siguro naisip rin niyang tatakas ako kaya ganoon. I am wearing a plain blue dress.

Pagbaba ko nasa sala na si Kuya. Naka-corporate attire siya. Kuya Ken, siya ang kinatatakutan ng mga kaibigan ko. But sa totoo lang...ma-authority man ang boses niya palagi..alam kong may soft side din siya. Kaya nga kahit na palagi niyang sinusungitan si Ate Sophie eh hindi parin siya iniiwan nito. 

Loving You for No Reason (Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon