The Past 2~ Death of Jade Rivera

10K 129 39
                                    

Yurika/Jade POV

    September 13, 2008

"Jade! Bumangon ka na, tanghali na!" Sigaw ng Mama ko. Aish, sabado naman, bakit kailangan pang bumangon ng maaga? Tsaka inaantok pa ako. Parang palagi akong pagod. Hayy, makabangon na nga bago pa bumuga ng apoy ang nanay ko.

Inayos ko na ang sarili ko at bumaba. Nadatnan ko si Mama sa kusina na nagluluto ng almusal. Niyakap ko siya sa likuran.

"Goood Morning!" Sabi ko habang nilalambing siya.

Ganyan kami ni Mama, nagbabangayan pero sobra kung makapag lambingan. Single mother si Mama, pinalaki niya ako mag-isa. Ang tatay ko naman missing in action matagal na. Ni hindi ko nga alam ang itsura at pangalan niya. Hindi na rin siya binabanggit ni mama at okay lang ako dun.

Mahal na mahal ko si Mama kahit konting oras lang kami pwedeng magkasama, dahil isa siyang gynecologist palagi siyang nasa ospital. Pero hindi siya nagkulang sa pagiging ina.

Umupo na ako at nag simulang kumain. Nagbabasa si Mama ng dyaryo nang matabig niya ang kapeng kakatimpla pa lang niya. Buti na lang at malayo sa akin at hindi ako natapunan.

"Ako na lang maglilinis, Ma" At kumuha ako ng pamunas, pupunasan ko na sana pero nang maamoy ko yung kape. SH¡T!! Dumiretso agad ako sa banyo. Lahat ata ng kinain ko bumalik sa bibig ko. ewwwww....

Sumuka lang ako ng sumuka at hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Mama at tinatapik ang likod ko. Pagkatapos kong sumuka, nagtooth brush ako.

"May dapat ka bang sabihin sa akin?" Seryosong tanong ni Mama.

"Wala, Ma, bakit?"

"Jade, kape at pagsusuka? Idagdag mo pa yung palagi kang pagod. Wala kang masasabi dun?"

"Ma, ano bang gusto mong sabihin ko? Porket nagsusuka buntis agad?"

"Sayo na nanggaling, Jade, Buntis ka ba?"

"Ma, Hindi! Okay?!" Nakakainis!! Tinalikuran ko siya pero nagsalita siya agad.

"Sumama ka sa akin ngayon sa ospital."

"Pero Ma!"

"Walang pero pero! Mas mabuti nang sigurado."

At hinila na ako ni Mama sa ospital. Hayyyy.... kung ano-ano ang iniisip ni Mama napa-paranoid lang talaga siya. Ako? Buntis? parang imposi--

Sh¡t!!

Yung nangyari samin ni Troy!! FVCK!! Imposible naman, unang beses pa lang namin yun ginawa. Kalma lang Jade masyado ka lang  nag-iisip.

Nang makarating na kami ni Mama sa ospital, binigyan niya ako ng pregnancy test.

"Alam mo naman kung paano ginagamit yan, di ba?" Tanong niya na may halong pag-aalala.

"O-Opo." Kinakabahan ako, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pag-pasok ko sa banyo, ginawa ko na ang dapat kong gawin.

Hawak hawak ko yung pregnancy test habang hinihintay ang result nito. Ito na ata ang pinakamatagal na paghihintay na ginawa ko sa buong buhay

ko.

Nang makita ko na ang resulta kasabay nito ang pag-agos ng mga luha ko.

Positive.

Lumabas na ko at ipinakita kay Mama. Nakita ko ang kalungkutan sa mga mata niya pero hindi siya umiyak, niyakap niya lang ako ng napaka higpit.

Chineck-up niya ako at nalaman ko na halos four weeks na pala akong buntis.

Nauna na akong umuwi dahil may trabaho pa siya. Pagdating ko sa bahay napahiga na lang ako sa kama ko at nakatulog.

Nagising na lang ako ng marinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Pagbukas ko ay si Mama pala.

"Mag-usap muna tayo." Malamlam niyang sabi, tumango na lang ako at sinundan siya sa sala.

"Anong balak mong gawin?"  Tanong niya habang tinititigan ako. Hindi ako nakasagot at tumingin lang ako sa tiyan ko. Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko.

"Jade, 14 ka palang at third year high school student. Ano bang naisip mo at ginawa nyo ang ganoong bagay! Sabihin mo Jade, nagkulang ba ako sa pagpapalaki sayo?" Mariin niyang sabi. Umiling lang ako at hindi ko na napigilang umiyak.

"Sorry talaga Ma! Sorry!" Niyakap ko siya habang umiiyak at nakita ko ang pagdaloy ng mga luha sa mga mata ng Mama ko.

"Kailangan mong sabihin ang kalagayan mo sa tatay ng anak mo, Jade."

"Pero, Ma, paano kung tanggihan niya?"

"Kung mahal ka niya talaga, susuportahan niya ang kalagayan mo."

-----------------------------

       September 15, 2008

"T-Troy, may dapat tayong pag-usapan." Kinakabahan kong sabi sa kanya.

"Ahh... Sige" At hinila ko siya papunta sa isang bakanteng classroom.

"Troy w-wag kang magagalit."

"Bakit tungkol ba yan sa pakikipag landian mo kay Nathan?" Iritadong sabi niya.

"Huh?! H-Hindi! Kaibigan ko lang si Nathan."

"Itatanggi mo pa eh pinag-uusapan na nga ng lahat. Kung makikipag break ka na edi maghiwalay na tayo." At nagsimula na siyang maglakad pa-alis.

"T-Troy! Wag mo akong iwan! Buntis ako!" Napatigil siya sa paglalakad.

"Jade, kung buntis ka ngang talaga, hindi ako ang ama nyan! Si Nathan! Wag na wag mo akong lolokohin dahil alam kong malandi ka!" Tuluyan na siyang naglakad pa-alis.

"T-Troy!!!”

Ang tanga ko para ibigay ang sarili ko sa kanya. Kaya ko 'to, Jade malalagpasan ko rin 'tong lahat kahit wala yung ga*ong Troy na 'yun.

Nang magdismiss na ang klase, pumunta muna ako sa playground. Umupo lang ako sa swing habang nakatulala sa kawalan. Hindi ko namalayan na gabi na pala.

Habang naglalakad pauwi natatanaw ko na ang bahay namin. May nakaparadang black van sa harapan nito. Huh? May bisita ba kami? At mayroon akong narinig na putok ng baril

Galing sa bahay namin. Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagtakbo ko. May mga lumabas na lalaking nakaitim sa bahay namin at mabilis na pumasok sa van. SH¡t! Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko, nang makarating ako nakita kong nakahandusay at naliligo sa sariling niyang dugo ang Mama ko.

"Mama! Ma!" Nilapitan ko siya at nakitang nag-aagaw buhay.

"J-J-Jade.... s-s-sa.... c-cabinet....p-p-pera....."

"Ma! wag ka nang masalita, tatawag ako ng tulong."

"H-hindi J-Jade...... h-hindi n-na a-ako a-abot.... s-s-si C-Christopher P-Park a-ang m-may g-gawa."

"Ma! tatawag muna ako ng tulong!" Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

"W-wag na..... Jade... m-mahal n-na m-mahal k-kita i-ingatan mo a-ang s-sarili mo....a-at a-ng a-anak m-mo...." Nabitawan na niya ang hawak sa kamay ko.

Wala na.

Wala akong nagawa kung hindi umiyak ng umiyak. Pagtayo ko nakita ko ang dugo na umaagos sa gitna nang hita ko.

Ang baby ko!!

Agad akong lumabas ng bahay para humingi ng tulong.

"T-tulong!! Tulungan niyo ako!!!" Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari dahil naramdaman ko na ang matigas at malamig na semento.

''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

VOTE VOTE VOTE VOTE PLEASEEEEEE TT_TT!!!!

The Prostitute WifeWhere stories live. Discover now