The Past 1~ Beggining of a Misery

9.8K 84 1
                                    

Yurika/Jade POV

~~~~~~6 years ago~~~~~~~


          June 16, 2008

Naglalakad ako pauwi nang marinig kong may sumigaw ng pangalaan ko.

"Jade!"

Paglingon ko nakita ko si Troy, nararamdaman kong unti-unting umiinit ang mukha ko. 

Tumigil ako sa paglalakad at hinintay siya. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko habang papalapit siya. Si Troy Villegas ay classmate ko, he's the most popular guy sa school namin at anak siya ng Mayor dito sa Antipolo.

"A-Anong kailangan mo?" Tanong ko nang makalapit na siya sa akin, kinakabahan ako. Jeez.

"I just saw you walking at pauwi na ako, so naisip ko na sumabay sayo. Boring kaya na maglakad mag-isa." Sagot naman niya, naguluhan ako. Tinitigan ko siya at hindi ko pala dapat ginawa 'yon dahil nagtama ang mata namin. I could melt at this moment pero agad ko namang inilihis ang mata ko, ayoko ngang mapaghalataan. Pero sa totoo lang, isa ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya.

Agad kong hinila ang sarili ko at baka sabihin niya na ang weird ko dahil nakatitig lang ako sa kawalan.

"A-Ang alam ko sa kabilang direksyon ang bahay mo at hatid-sundo ka ng kotse. Kaya imposible na magkasabay tayo" Hinintay ko siyang magsalita, pero tahimik lang siya kaya tinignan ko yung mukha niya. At napa nganga ako sa nakita ko.

He's blushing really hard, kahit yung tenga niya namumula. He's biting his lower lip at guiltily na tumingin sa akin.

"I-I mean, okay lang naman na mag sabay tayo kasi we need to strengthen our bond---Classmate bond. Haha, kaya okay lang talaga." Ano ba 'tong sinasabi ko? Nagmumuka lang akong tanga. *face palm* At Strengthen the classmate bond?  Talaga lang Jade?!

Pero at least tumigil na siya sa pagbublush at nag smile siya sa akin.

MATUTUNAW NA TALAGA AKO!!! 

"Really?!" Para siyang bata na pinayagan na makapunta sa amusement park.

"Oo na, tara na!" Sagot ko at nginitian siya.

"Akin na yung bag mo." Sabay kuha sa backpack ko. Hala!!

"HUH! Nako hindi na. Okay na ako." Tinignan niya ako ng masama at tuluyang kinuha ang bag ko. Hindi na ako nakatanggi at napangiti nat lang ako na parang aso.

The Prostitute WifeWhere stories live. Discover now