Part 3~ Happenings

9.6K 98 0
                                    

Pagmulat ko ng mata ko, naramdaman ko agad ang matinding sakit ng ulo ko. Parang binibiyak, hinahampas at basta sobrang sakit. Hahawakan ko sana ang ulo ko kaso nang iangat ko ang kaliwang kamay ko, natigilan ako. Hindi ko ito maiangat dahil naka posas.

Naka POSAS sa poste ng canopy bed na hinihigaan ko. Damn. Ano bang ginagawa ko dito? And the memories of last night came flooding in. The club, the almost rape, the bastard returning, and my dramatic scene.

Great. Sa isang gabi ang dami ng nangyari.

Napansin ko kung nasaan ako, it's been a while na nakapunta ulit ako dito. It's his room. Ganoon pa rin naman ang itsura pero may mga nabago.

Tsk. Sumasakit na naman yung ulo ko. Sinubukan kong umupo sa gilid ng kama dahil lalong sumasakit ang ulo ko kapag nakahiga. Limited lang ang galaw na nagagawa ko, kailangan malapit pa ako sa poste ng higaan. Bakit ba niya kasi ako ipinosas? Nakakabwisit talaga siya!

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto, revealing him na may dalang pagkain.

"What's this?" Sabay ipinakita ko ang kamay kong nakaposas.

"Those are handcuffs, Yurika. In case hindi mo alam." Sarkastikong sabi niya. I rolled my eyes. Nakakabwisit lang siyang kausap. Nilapag na niya ang pagkain sa bedside table.

"Bull$hit, I know what these are. I mean, bakit ako nakaposas? Anong akala mo sa akin kriminal?" I angrily said to him. Walang siyang karapatan para gawin sa akin 'to. He may be my husband but it doesn't mean he can treat me like a criminal.

"Actually, You are, for sleeping with another man. I can sue you with that." Natawa lang ako sa sinabi niya. Tinignan lang niya ako and raised his eyebrow.

"Honey, correction, MEN and you can sue me for all I care. I know na hindi mo kaya because you love me." I purred to him then smirked. His face became hard and cold. I evilly smiled inside. Nakatayo lang siya sa harapan ko at nakatitig.

"I LOVED you, Past tense. Know the difference Yurika." His voice was so cold, it brought chills to my body. Napatitig ako sa mga mata niya, parang may invisible wall na nagseseparate sa feelings niya. But I know that he's telling the truth.

And all I can feel is nothing.

I didn't expect him to still love me after everything that happened. I broke him and I'm not guilty about it.

"Whatever, I don't give a damn. Bakit ka pa ba bumalik? Aren't you happy dahil nakalayo ka na sa akin?" Tanong ko sa kanya. He chuckled.

"Trust me, ayoko ring bumalik dito. But I have to fix our annulment. I don't want stay being married to a prostitute." His words stabbed me in the heart. But I covered it with a laugh.

"No need to state the obvious, Khian. Don't worry the feeling is mutual, wala akong objection sa annulment." I said honestly. Sumasakit na ang kamay kong nakaposas.

"Kung tapos na ang gusto mong sabihin, tanggalin mo na 'tong posas sa kamay ko, so I can eat." Tinanggal naman niya at nag-iwan ito ng red mark sa kaliwa kong kamay.

Nagring ang phone niya at sinagot niya ito tapos ay naglakad paalis ng kwarto.

Hindi ko namalayan ang pag-agos ng mga luha ko. I can't feel this way. Agad kong pinunasan ang mga luha sa mukha ko. I have to be strong. Inayos ko ang sarili ko at nagtungo sa walk in closet niya. Nandito pa rin ang mga damit ko. Nagshower ako at nagpalit ng damit.

Masakit pa rin ang likod ko at nakita kong nagpasa ito. Damn Khian sa pagtulak sa akin.

Kinain ko na ang pagkain na dala ni Khian. It's chicken adobo, my favorite. Pagkatapos kong kumain ay nakita kong may pain killers pala sa may bedside table, ininom ko iyon.

Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa living room. Hindi ko na nakita si Khian at dumiretso na lang ako sa labas. I missed this house, the memories at ang mga pangyayari na hinding-hindi ko makakalimutan.

Sa halos dalawang taon naming kasal ni Khian, I cared for him too much that it pains me hurting him.

Paano nga ba nagsimula ang lahat?

~'~'~'~'~'~'~'~'~'~'~'~'~'~'~'~'~'~'~'~'~'~'~'~

Ang Next update ay tungkol sa past nina Yurika at Khian \m/

VOTE VOTE VOTE VOTE VOTE VOTE VOTE VOTE VOTE VOTE VOTE!!!!!!!!

(^O^)\/ote

The Prostitute WifeWhere stories live. Discover now