"You didn't have to respond. I just wanted you to know what I really feel," bulong niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingala siya sa akin.

"S-sigurado ka ba sa nararamdaman mo para sa akin?" medyo nautal na tanong ko sa kanya. Patuloy pa rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Nginitian naman niya ako ng matamis. Kung hindi lang kami nakahiga, malamang natumba na ako dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko. God! That sweet smile of her is making me weak in the knees! Malapit na ring matunaw ang puso ko!

"I've never been this so sure my entire life."

Lihim na napalunok ako saka mabilis na nag-iwas ng tingin. That look in her eyes is hypnotizing. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko at...

"M-matulog na tayo," ang nasabi ko na lang saka pumikit na. Pero muli akong napamulat dahil sa pahayag niya.

"I so badly wanted to kiss you."

Naging triple yata ang bilis ng tibok ng puso ko dahil doon. At alam kong ramdam niya iyon. I can feel hers, too. At gaya ng sa akin, napakabilis niyon.

I wanted to kiss her, too. Pero natatakot ako. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko.

"Elle..."

Wala na akong nagawa nang kabigin niya ang batok ko at mabilis na sinakop ang labi ko. I wanted to resist, but my lips, my body, betrayed me. It's as if there's this irresistible force that's forcing me to respond into Alex's kisses. And in no time at all, I responded to her, willingly.

Napapikit na lang ako habang tinutugon ko ang mga halik niya. And God! She knows how to kiss! Now I wonder how many girls this lips have been kissed. And I can't help but feel jealous just by thinking about it.

Mas lalo pa niya akong hinapit papalapit sa kanyang hanggang sa maramdaman ko na lang ang sarili kong nasa ibabaw niya. I wanted to break free from the kiss to check if she's okay but she won't let me go.

"A-Alex..." I murmured then broke the kiss. "Iyong pilay mo," hinihingal na sabi ko.

"It's okay," hinihingal din na bulong niya sabay halik sa leeg ko. "It doesn't even hurt," bulong pa niya saka pinasadahan ng dila niya ang pagitan ng dibdib ko na na-expose na dahil bahagyang nabuksan ang botones ng pantulog ko.

Kagat ang labing napahigpit ang pagkakahawak ko sa unan. Gusto kong mapamura dahil sa ginawa niya. It's making me hot all over. Idagdag pa na wala akong suot na bra!

"A-Alex..." Hindi ko na maiwasang mapaungol dahil sa ginagawa niya. Bumaba ang mga kamay niya papunta sa ilalim ng blouse ko at hinaplos ang bewang ko paakyat. At hindi ko maiwasang manginig dahil doon lalo pa't hindi niya tinitigilan ang paghalik sa pagitan ng dibdib ko. At nang itaas niya ang kanyang mga kamay at iniyakap iyon sa batok ko, wala na akong nagawa nang muli niyang sakupin ang labi ko.

"I want you," she said between kisses. "So much."

As much as I wanted to do this with her, I can't. Both of us know that. Kaya kahit dala na dala na ako sa mga ginagawa niya sa akin ay mas pinairal ko ang isip ko kahit na malaki ang pagtutol ng katawan ko. I need to fight this feeling. At least for now.

Bago pa man tuluyang lumalim ang halik ay mabilis akong humiwalay at umalis sa ibabaw niya. Kahit na sinasabi ng puso at katawan ko na bumalik ako at ipagpatuloy ang ginagawa namin, hindi ko ginawa at mas pinairal ang isip. Inayos ko ang sarili ko saka marahas na napakamot sa ulo.

"E-Elle...?"

Napalingon ako sa kanya. Nakaupo na siya habang malungkot na nakatingin sa akin. Bigla naman akong nakonsiyensya. Pero kailangan naming tumigil. At alam kong alam niya ang dahilan ko.

Bumuntong-hininga ako saka muling tumabi sa kanya. Inalalayan ko siya sa paghiga hanggang sa nakaunan na siya sa braso ko. "Matulog na tayo," bulong ko saka hinalikan siya sa noo.

"I'm sorry," bulong naman niya.

"Don't be. This is... It's just not the right time."

Hindi na siya sumagot pa at hinigpitan na lang ang pagkakayakap niya sa akin. Muli, napabuntong-hininga ako. Hindi ko na yata kakayanin ang ganitong sitwasyon. Kahit ano yata ang gawin kong pagpipigil sa sarili, mahuhulog at mahuhulog ako.

———————————————

Alexandra's POV:

Busy ako sa ginagawang sketch nang may taong umupo sa tabi ko. At kahit hindi ko siya lingunin, kilalang-kilala ko kung sino siya.

"Kanina ka pa ba dito? Pasensya na kung natagalan ako. Ang haba kasi ng pila sa cafeteria," sabi niya habang inilalabas ang mga pagkain mula sa supot. "Heto, oh."

Binitawan ko ang lapis at sketchpad saka tinanggap ang inalok niyang sandwich. Siya naman ay nagsimula nang kumain.

Nakakatuwa lang na pagkatapos ng nangyari ay casual pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Tama naman siya. Hindi ito ang tamang panahon para doon. Makakapaghintay naman ako.

"Hi, Alex! Hello po, Prof!"

Napatingin ako kina Alice at Crimson na magkahawak ang kamay habang naglalakad papalapit sa puwesto namin ni Ariella. Kumaway lang sa kanila si Ariella at inalok sila ng mga pagkain.

"Kamusta ang paa mo?" tanong sa akin ni Alice nang tumabi siya sa akin. Naglatag kasi si Crimson ng tuwalya sa damuhan at doon naupo. Nandito kasi kami sa secret place naming magkakaibigan na nasa loob lang ng campus, sa likod ng building ng Engineering department. May maliit na open field malapit sa kakahuyan at ilang kilometro na lang ay maaabot na ang paanan ng Mt. Banahaw. Wala kasing nagagawing mga estudyante dito kaya minarkahan na agad namin ang lugar na ito.

"Medyo okay na. Kagagaling ko lang kahapon sa orthopedics at in two weeks time daw puwede nang tanggalin ang cast ko," sagot ko saka nginitian siya.

"So, nakasaklay ka sa graduation?" tanong naman ni Crimson habang nilalantakan ang baked mac and cheese na binigay ni Ariella.

"Most probably."

"Paano ka nakakaligo niyan? Huwag mo sabihin sa aking si Prof pa ang nagpapaligo sa 'yo," nakangising sabi ni Crimson na para bang wala si Ariella sa tabi ko.

Sinamaan ko siya ng tingin saka iniumang sa kanya ang saklay ko. "Umayos ka," banta ko.

"Joke lang! Joke lang! Sorry po, Prof," sabi naman niya sabay baling kay Ariella at nag-peace sign.

Si Ariella naman ay napatawa na lang ng mahina saka umiling-iling. Magsasalita sana siya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. "Excuse me," sabi niya sabay tayo at naglakad di kalayuan sa amin. "Hello, Jem?"

Ikiniling ko ang ulo ko sa isang tabi habang mataman na pinagmamasdan siya. Ibang-iba talaga siya kapag naka-teacher's uniform. Lumalabas ang pagiging istrikta niya. But I must admit, she looks incredibly sexy in her outfit. No doubt about it.

"Tama na 'yan. Baka matunaw."

Tinaasan ko lang ng kilay si Crimson saka binalingan na ang pagkain ko. Maya-maya pa ay bumalik na sa puwesto namin si Ariella. A worried expression is written all over her beautiful face.

"What's wrong?" kunot ang noong tanong ko sa kanya.

"Hindi kita masasamahan mamaya. Kailangan kong lumuwas papuntang Calamba," sagot niya.

"Bakit? Ano'ng nangyari?"

"Na-ospital kasi si Richiel kasi dinugo daw siya. And she's in the verge of losing her baby." She looked at me as if she's going to cry. "Kailangan ako ng kaibigan ko."

———————————————

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETEWhere stories live. Discover now