The Past 1~ Beggining of a Misery

Start from the beginning
                                    

Ito ang araw na umuwi akong sobrang saya at ang araw na hinding-hindi ko malilimutan kahit kailan.

-------------------------------

       July 11, 2008

Days passed at naging sobrang close kami ni Troy. And my feelings for him is growing strong na hindi ko na mapigilan. He's just so damn charming that I can't help falling in love with him.

Habang naglalakad kami, bigla niyang hinawakan ang kamay ko at napatigil ako. Tinignan ko siya na parang tinatanong kung bakit niya hawak ang kamay ko.

Hinarap niya ako at hinawakan na ang dalawang kamay ko.

"Jade, simula pa lang nung first year, I have my sights on someone. Hanggang ngayon, siya pa rin ang nasa isip at puso ko. Hindi ko masabi yung nararamdaman ko sa kanya dahil napakaduwag ko." Tumigil siya sandali at tinitigan ako.

Feeling ko matatangal na yung puso ko sa dibdib ko. Wala masyadong tao na dumadaan sa kalye na 'to at puro puno ang gilid ng kalsada. Hapon na at ang papalubog na araw ay nasa likuran ni Troy. Kitang-kita ko ang maputi niyang mukha, matangos na ilong, at brownish na buhok.

"I've always like you, Jade. Simula pa noon, ikaw lang. Ngayong abot kamay na kita hinding-hindi na kita pakakawalan pa. Jade Rivera, will you be my girlfriend?"


Stunned.

Isa lang ang pumasok sa isip ko. Ang sampalin siya. Napalakas ata ang sampal ko at halatang nabigla siya.

"Baliw ka ba!?" Sigaw ko sa kanya. Umaagos na ang luha ko at hindi ko talaga mapigilan ang pag-apaw ng emosyon ko.

"N-Naiintindihan ko kung ayaw mo." At nagsimula siyang maglakad pabalik. Nakababa ang mga balikat niya.

Ilang hakbang na ang layo niya sa akin nang sumigaw ako. "TIGIL!" At huminto siya sa paglalakad pero hindi niya ako nilingon.

"Hindi pa nga ako tapos magsalita tapos aalis ka na! Baliw ka talaga kasi nagkagusto ka sa isang taong katulad ko. At hindi mo lang alam dahil baliw rin ako. Nagkagusto ako sa isang taong hindi ko inaakala na magkakagusto sa akin. Parehas lang tayong baliw. At ang baliw na 'to ay gustong- gustong maging girlfriend mo!"

Patakbo siyang bumalik sa akin at binuhat ako. Niyakap niya ako ng sobrang higpit.

Ito naman ang araw na nagkaroon ako ng boyfriend.

Pagbukas ko ng pinto ng bahay namin nagulat ako ng makita ang Mama ko na nagluluto. Lumapit ako at nag mano sa kanya.

"Ang aga mo ata Ma." Sabi ko habang ibinababa ang gamit ko.

"Nakita kita kanina, kasama mo ang anak ni Mayor Villegas. May namamagitan ba sa inyong dalawa?" Tanong niya, napatitig lang ako sa kanya dahil hindi ako marunong magsinungaling sa harap ng Mama ko. Alam niya kapag nagsisinungaling ako.

"So, meron nga. Jade, okay lang naman na magkaroon ka ng boyfriend basta 'wag mong papabayaan ang grades mo. Kakasimula mo palang bilang junior high school student, naka salalay ang kinabukasan mo. Kaya pag-isipan mong mabuti ang mga gagawin mo." Nginitian niya ako at niyakap.

"Thank you Ma, I promise na hinding-hindi ko papabayaan ang pag-aaral ko."

------------------------------

         July 30, 2008

Patakbo kaming umuwi ni Troy dahil umuulan at wala kaming dalang payong. Hindi na rin siya nagpapasundo sa driver niya. Pagdating namin sa bahay ay basang basa kami lalo na si Troy.

Binigyan ko siya ng tuwalya para makapagpunas. At naalala ko na hindi pala uuwi ngayon si  Mama dahil meron siyang aasikasuhin at sa susunod na araw pa babalik. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Umakyat muna ako sa kwarto ko at hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin si Troy.

"Oh, Troy. B-Bakit? May kailangan ka ba?" Tinignan ko siya at tumutulo pa rin ang tubig sa mukha niya. Kinuha ko yung tuwalya sa kanya at pinunasan ang buhok niya. Hindi ko namalayan na sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't isa. Napatigil ako sa ginagawa ko at napatitig sa mga mata ni Troy.

Nagtitigan lang kami at nang ilapit pa niya ang labi niya sa akin ay napapikit na ako. I felt his lips on mine, he started slowly and passionately. Nilagay ko ang kamay ko sa leeg niya while he deepen the kiss.

I was so into the kiss at hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa kama ko.

The rest was a bittersweet memory of my first time. I didn't regret doing it with the person I love the most. Hindi ko inaakala na ang pangyayaring 'yon  ang tatapos sa masasaya kong araw  at dito magsisimula ang mga pangyayari na naging dahilan kung ano ako ngayon.

''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''


VOTE VOTE VOTE VOTE VOTE VOTE VOTE VOTE VOTE VOTE

The Prostitute WifeWhere stories live. Discover now