one

16.3K 232 5
                                    

Meet her friends→
Remember the anniversary←

"Kung di ka naman sandamukal na ka boba-han. Bakit mo naman naisip na nang eskandalo nang walang ka muwang muwang na lalaki?." Hanna

"Hindi pang e-eskandalo ang tawag don Hanna. It's a matter of life and death situation! Aww!."

Isang very very hard na batok ang natanggap niya mula Kay camille.

"Kanina pa kita gustong batukan Hindi ko lang magawa, Pasalamat ka talaga na walang kahit anong sinabi yung si Ynigo Lee kila Badsie kung Hindi matatalo ka sa pustahan niyo." Naka busangot naman na sabi sa kaniya ni camille.

"Oh my god!? Si Ynigo Lee? The Soccer Varsity Player na si Ynigo Lee? Ang Flower Boy Soccer Player... Niyakap mo!?." Sigaw ni hanna.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan hanna.?" Nakataas ang kilay ni Jailyn na kumuha nang fries sa paper bag na dala ng kaibigan niyang si Hanna.

8pm na at naisip nalang nilang mag sleepover sa bahay nang kaibigan nilang si Hanna.

Silang tatlo ay mag ka babata,
Para na silang triplets.

Magkakaibigan kasi ang mga magulang nilang tatlo since highschool, at magkakalapit lang sila ng tirahan kaya naman pati sa university na pinasukan ay magkakasama padin sila.

Madami silang mga bagay na pare parehong pinagkaka sunduan.

Maging sa paboritong kulay,
Paboritong pagkain,
Paboritong Korean dramas,

Lamang lang si Hanna sa kanila sa pag aaral, isa kasi siyang Certified bookworm.

Blogger / huwarang estudyante ng kursong political science.
And ever since mga bata palang sila si Hanna na ang palaging nasa honor.

Si Camille naman at Jailyn ay parehas ding nasa top. top-pon.

Sa ibang salita.

Pinasa lang sa awa.

Hindi naman sila masyadong mahilig sa bata pero kinuha nilang specialization ang child education.

Kinuha din nila ng parehong kursong yon bukod sa ayaw nilang magkahiwalay ni camille ay ayaw din nilang bumagsak ng Hindi magkasama kapag nagkataon.

Si Camille naman ang pinaka matakaw at Iyakin sa kanilang tatlo, cute siya at simple lang pumorma, madami din siyang manliligaw pero Hindi niya pinapansin ang mga ito.

Anong dahilan?

Dahil baka daw ma turn off pag nakita ang grades niyang puro mababa.

Si Jailyn naman ang pinaka malaking kahihiyan sa kanilang tatlo.

Bakit?

Sobrang clumsy niya lang naman na Tao.

Na inabot up to the point na nung nagkokopyahan sila ng quarterly exams way back 3rdyear highschool ay maling papers ang naipasa niya, ang papers lang naman ni camille.

Kaya ganun, bumagsak sila at pinagawa nang sandamakmak na projects bilang parusa, kasama na ang pag pipintura ng school gymnasium nila.

My Almost[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon