My Almost

27.1K 279 2
                                    

Dedicated to RosemarieMira

Prologue

Nagpapaunahan sila jailyn na makarating sa 5thfloor bldg D ng eskwelahan.

"Sige na ipakilala mo na kasi siya samin! Sabi mo business ad ang course niya? Bakit ba ayaw mo siyang ipakausap manlang samin ha ha?!."

Hihingal hingal si jailyn na napahawak sa dalawa niyang tuhod.

Isip Jailyn isip.. Hindi ka nila pwedeng mabuking..

"Baka naman totoo yung sinasabi nung babae sa gym natin kanina na nag iimagine kalang ng boyfriend mo?." Pang aasar naman ni Badsie.

Si Badsie ay kaklase niya sa tatlong subject na tinatake niya ngayong ika 4 na taon niya na sa kursong child education.

Kasama nito si Camille na kaibigan niya naman since highschool na hinihingal ding nakitakbo

Para silang nagpapatintero,
Bitbit din kasi ni Badsie si mika, huli nga lang itong nakahabol.

So si Camille naman ay tinutulungan si jaira na harangan ang dalawang kaklase na gustong makita ang pinagmamalaki niyang boyfriend sa kanila.

"Bads.. busy sila ngayon.. nakalimutan Kong sabihin sayo na meron silang group meeting ngayon, tinatacle up nila yung .. yung ano.. yung thesis nila tama. .. yung thesis."

Humalukipkip si Badsie. Tyaka ngumiti ng nanunudyo.

"Sabi ko na nga ba. Hindi totoong may boyfriend ka dito, binibilog mo lang ang ulo namin ni mika.. para maniwala sa yo. Hindi kapa din nakaka-move on Kay Justin." Tumaas ang isang kilay niya.

"Nagsasayang lang tayo ng oras natin dito Badsie.. sinabi ko naman sayo na insecure lang talaga siya sa pinsan Kong si Mina kaya nagpapanggap siya. Hey girl wake up.. Justin is not yours."

She pushed her forehead using her fingers.

"Edi wag kayong maniwala, Hindi ko naman kayo pinipilit eh." Irap ni jailyn sa dalawang magkaibigan na palagi silang inaasar.

Napangiwi naman si camille sa dalawa.

"Talaga lang ha. Diba ang sabi mo taga Room C sila." -mika.

"Oo. Bakit!?." Taas noo niyang sagot kahit kinakabahan.

"Tara!." Tumakbong muli si ang dalawa.

Nag panic sila camille na hinabol uli ang dalawa.

Nahagilap agad ng malalaking mga mata ni Badsie ang Room C na tinutukoy ni Jailyn.

Pero Bago pa man sila makalapit ay nag labasan na isa isa ang mga nag gwgwapuhan future business man ng BA. Dept.

Napanganga sila camille sa kaba.

Pero kung anong nilaki ng pag nga nga nila ay tinalo sila sa pag nga nga ng dalawang nauna sa kanila sila Badsie at mika.

Naunang natauhan si Badsie tyaka lumingon Kay jailyn.

Nataranta siya sa paglingon ni Badsie.


Pano na to jailyn.. isip .. isip paganahin  mo naman yang kukote mo..

Isang mali lang ay mapapatunayan na nang dalawa kung gaano siya ka loser gaya ng sinasabi ng iba.

Nakita niya ang huling lalaking lumabas ng silid.

May hawak itong folder.

Napapikit siya ng mariin tyaka isinigaw ang pangalan ng lalaki na nabasa niya mula sa maliit na name plate na naka magnet sa suot niyang suit.

Parang nag slow motion ang lahat.

Ilang Segundo lang ng pag kukunwari.

Ilang Segundo lang ng kawalan ng kahihiyan.

Isang isa nalang jailyn tapos Hindi kana mag sisinungaling ulit.

"Ynigo Lee mahal ko!!."

Narinig siya ng binata at gulat na gulat sa kaniya.

Tumakbo siya dito at yumakap.

Napanganga sila Badsie.

Gumanti kasi ng yakap ang lalaking pinagdudahan din nila kung nobyo ba talaga ni Jailyn.

Napayakap lamang siya dito para hindi sila parehong matumba.

"Patayyy.." bulong ni camille.

  Chapter 1 update later na muna →

-MissJY12-

My Almost[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon