Chapter 2: Kamalasan

141 6 3
                                    

(A/N: Pasensya na po sa mga Grammatical Errors!)

**

Pa'no niya nalaman yun?! Mind Reader?! 

"Hahahahahaha!" napuno ng tawanan ang elevator. Promise, kung kayo ang nasa posisyon ko ngayon, baka maihi na kayo!

Bumukas ka na please! Nagmamakaawa ako! Bumukas ka na!

*eeeeck* 

Holy Gracious Joseph! Bumukas din! Nagmadali na akong lumabas ng Elevator. Wala ng tingin kung saan saan! Labas agad!  Ang intense! Pinawisan ako 'dun ah!

Andito na 'ko ngayon sa 5th floor at kasalukuyan kong hinahanap ang opisina ni Three Abellano. Patuloy parin ako sa paglalakad. 'Pano ko kaya siya kakausapin? Hi Sir! Ako nga pala si Seven Torres. Masipag po ako! Pangit! Pangit! Kung formal kaya? Goodmorning Sir! It's nice to finally meet you. I'm Seven Torres. I am a hardworking employee! Ang korni! Pwe! Kung ano ka--

*boogsh*

Argh! Ano ba 'to! Hindi manlang tumitingin sa dinadaanan e! Hmp! Pinagpag ko ang aking suot. 

"Next time kasi tumingin ka sa dinadaa--.." O_O

Pinulot niya ang bag ko.. "Sorry. Are you alright?" cold na tanong niya. Hindi ako sumagot. I'm frozen. Let it go! Let it go! Chos! Nakatitig parin ako sakanya. "Hey! Are you alright?!" tanong niya habang winawagwag niya ang kamay niya sa harapan ng aking mukha. Badtrip naman oh! Andaming gwapo! Love at first sight?!

 "Argh! Nakakahiya ka! Andaming taong nakatingin oh!" Wala akong pake kung maraming nakatingin. Teka, bakit basa.. 

"Ew! Mahiya ka nga! Ang baboy mo, tumutulo pa laway mo!" nilagyan niya ng panyo yung bibig ko tapos umalis na siya. Hayy. Ang gwapo. 

"Miss! Hahaha. Okay ka lang ba?" O_O Siya yung nasa elevator ah! Kiefer o Hade ba yun? Waaaa! 

Nabalik ako sa aking huwisyo.

"Yung ano mo.." sabi niya habang naka ngiti

"Yung?" 

Bakit niya tinuturo yung bibig ko? 

"Yung laway mo, tumutulo. Hehe" Ah.. ANO?! Laway?! WTF! 

Napahawak ako sa bibig ko. Shet! Basa! WAAAAAA! Andaming tao! 

Napatakbo na ko sa Restroom. Badtrip! Buti nalang nasa gilid lang yung Restroom. Argh! Nakaharap ako sa salamin ngayon habang pinupunasan ang aking bibig.. "Nakakahiya ka Seven! Nakakahiya ka!" sabi ko habang sinasampal ko ang sarili ko. Pwede bang lamunin na ko ng lupa ngayon? PWEDE BA?! ARGH! 

My Jerk Boss And His Jerk FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon