Chapter 1: Meet The Jerks

241 9 6
                                    

"Ano ba problema mo?!"

"Tigilan mo 'ko!" 

"Seven! Ano ba?!"

Tinulak niya ang lalaki. "Sabi nang tigilan mo 'ko e!" Napatigil si Seven sa pagtakbo. Hinarap niya ang lalaki.

Hindi niya tinigilan si Seven at ito'y kanyang nilapitan muli. "Seven, please? Nagso-sorry na nga ako e. Hayaan mo ko magpaliwanag, ha?" He cupped her face. "I love you. Don't be mad, please?" 

Hahalikan na siya.. Malapit na..

"SEVENNNNNNNNNNNNNN!" 

*Swoosh*

"Ay ang gwapo!" Biglang nagising si Seven nang naramdaman niya na may bumato sakanya ng unan.  

 "Anong gwapo ka diyan? Nananaginip ka nanaman!"

 "Nay naman! Andun na yun oh! Malapit na! Konti na lang e." sabi ni Seven habang kumakamot sa kanyang ulo

"Aba senyora! Alam mo ba kung anong oras na?" tanong ng kanyang Ina.      

"E pa'no ko malalaman? Wala ngang orasan dito sa kwarto ko!" inis na sagot ni Seven.    

"8 AM na po, senyora."       

"8 AM palang naman pala--ANO?! 8 AM?!" biglang napatayo si Seven mula sakanyang hinihigaan.       

"Nay naman! Bakit 'di mo ako ginising kaagad? Mala-late ako sa interview ko!" inis na tanong ni Seven      

Kinutusan ng nanay ni Seven ang kanyang anak "Kanina pa po kita ginigising, ikaw lang 'tong tulog mantika talaga!"   

"Aray! Nay naman e! O sige na, maliligo na ko!"       

"Dalian mo na. Pagkatapos mo mag-ayos, kumain ka na ng agahan mo."   

"Sige nay."  

**

Seven POV      

Pumasok na ako sa banyo. Nakakainis naman oh! Pa'no na pag na-late ako?! Unang Job Interview ko 'to sa tanang buhay ko tapos mala-late ako? Hindi pwede ito!     

 

HUBAD

BUHOS

BUHOS

TOOTHBRUSH

BUHOS

BUHOS

SHAMPOO

My Jerk Boss And His Jerk FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon