Chapter 15

5.3K 124 1
                                    

“Ashleigh! How I missed you sweety.” Niyakap siya ng mahigpit ng kanyang inang si Aleia Clinton, kagagaling lamang nito mula Europa at nagpasya itong magbakasyon sa Pilipinas. Kinantilan siya nito ng halik sa magkabilang pisngi.

“How are you hijo?”

Natawa siya “Mom. We had just talked a few hours ago, remember?”

Hinawakan nito ng masuyo ang kanyang pisngi “You can’t blame a longing Mother Leigh.”

“I’m perfectly fine, now let’s save our breath and let’s head to my house.” Aniyang inakbayan ito at dinala na ang mga bagahe patungo sa kanyang brand new Volvo. Hindi magkamayaw ang kanyang ina sa pagkwekwento sakanya hanggang sa marating nila ang kanilang bahay, inihinto niya ang sasakyan at inalalayan itong makababa pagkatapos ay kinuha naman niya ang bagahe nito sa likod ng kotse.

“You’re dad misses you a lot hijo.”

“And so do i? Ang daya ni Dad, hindi siya sumama sa inyo.” Kunwang tampo niya, nasa tapat na sila ng malaking pintuan ng may mapansin siyang kakaiba, biglang nagsalubong ang kilay niya ng mapansing naka-ilaw ang buong bahay, pinihit niya ang seradura ng pinto at nalamang bukas iyon, bubuksan na sana niya ang pintuan ng kusang bumukas iyon at para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng makita si Bethany with her sexy and seductive black negligee!

Nakarinig ng ugong ng kotse si Bethany kaya naman dali-dali siyang lumapit sa pinto at buksan iyon sa pag-aakalang si Rei ang dumating “Rei bakit ba ang tagal―” napamulagat siya ng pagbuksan si Leigh, nakita rin niya sa mukha nito ang pagtigagal pagkakita sakanya, tinignan siya nito mula ulo hanggang paa and was that lust she just saw in his eyes? Shit! Naka-negligee pa siya!

“Who is she my son?” napabaling siya sa nagsalita, nakita niya ang isang hindi-katandaang babae, maganda ito at may pagkakahawig kay Leigh, at base sa pagtawag nito sa lalaki ng ‘my son’ ay posibleng ito ang ina nito! Double shit! At mukha nga yatang napagkamalan nitong ‘Leigh’ ang ‘Rei’na sinabi niya kanina.

 “Mom…this is Bethany.” Baling nito sa ina

Ngumiti sakanya ang Ina nito “Hello Bethany, I’m Leigh’s Mother.” Tumingin ito sa ring finger niya “Your mother-in-law.”

Pareho silang hindi nakahuma ni Leigh sa sinabi ng ginang, mother-in-law?! Di yata’t napagkamalan nitong wedding ring iyon.

“Hindi mo ba kami papapasukin hija? Mukhang nabigla ka yata sa pagdating ko, hindi ba nabanggit sa iyo ni Leigh na uuwi ako galing Europe?” nakangiti nitong sabi saka lamang siya natauhan at tarantang pinapasok ang mga ito sa loob, pinaupo niya ang ginang sa malaking sofa at hinandaan ng meryenda.

“Excuse us Mom, Bethany and I just need to talk.” Anito sa ina at pagkatapos ay hinila siya paakyat sa itaas, humantong sila sa isang silid at mukhang silid nito iyon. Nalilito na talaga siya, ang bahay, ang panlalakeng design, ang pagpunta nito sa Europe. It was all lies! My god! Gaga ka Bethany at pumunta ka pang Maynila!

Madilim ang anyong inabutan siya nito ng roba “Here, wear this!”

Pahablot niyang inabot iyon at ipinulupot sa sarili “So this is your house. Right, here I am looking like an idiot.”

“Dammit! What are you doing here?” singhal nito sakanya

“I’m sorry okay? Hindi ko naman alam na bahay mo ito noong dinala ako ditto ni Rei, I don’t even have a clue na ang mama mo pala ang uuwing Pilipinas at hindi ikaw ang pupunta ng Europe! Kung alam ko lang sana ay hindi n asana kita sinundan pa ditto!”

ATLANTIS SERIES: PERFECT MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon