Chapter 12

3.9K 94 0
                                    

4 days later….

Clearer than the sky ang mukha ni Rei ng lapitan ni Bethany.

“Anong meron?” usisa niya sa dalaga

“May maganda kasing mangyayari ngayong araw. Siyangapala, nasa daan na si Leigh.”

Napataas siya ng isang kilay “Sino iyon?”

Natawa ito, pumunta kasi sa kabilang isla si Leigh at ngayon ang balik nito, she terribly miss him, nakakatampo nga lang dahil hindi ito nagpaalam man lang sakanya at biglang naglahong parang bula.

“Sure kang magwowork ang plano mo?”

“Natin Bethany, natin. Natawagan ko na si Yannie, and I’m sure papunta na iyon ditto, this day must be great.” Anitong kumislap pa ang mga mata

“So how’s this Yannie-Kiel-operation-love-conquest? Corny huh.”

Inirapan siya nito “This corny thing is simply idealistic.”

“Yeah, yeah. Bakit kailangan pa natin silang sundan? I mean, won’t you let them have some privacy? Isinama mo pa kami ni Leigh sa kalokohan mo.”

 “Excuse me, tayong tatlo ang bumuo nitong plano kaya dapat lang nating masaksihan ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Yannie at Kiel, malay mo biyayaan tayo ng diyos dahil sa pagtulong natin sa lovelife nila?”

She rolled her eyes, naulingan niya ang isang tunog ng kotse. “It must be Leigh, tara na.” anitong hinila siya palabas, kotse nga ni Leigh ang narinig niya, hindi na ito bumaba pa ng kotse at hinintay na lamang silang sumakay, pumwesto na sila sa likod.

“Balak niyo talaga akong pagmukhaing driver?” sita nito sakanila kapagkuwan ay pinaandar na ang kotse, gaya ng inaasahan ay mabilis itong magpatakbo ng kotse, natatakot man siya dahil hindi ito nakaseatbelt ay nanahimik na lamang siya.

“Wag ka ng magreklamo, Leigh. Just drive.” Nangingiting sabi ni Rei

“Hi Bethany! Did you miss me?” nang-aasar na tanong ni Leigh, and she cant help but to smile.

“Loko ka talaga Leigh.”

Natawa ito at inihinto na ang kotse, sabay-sabay silang bumaba, animo nasa isang mahiwagang paraiso siya nina Adan at Eba, minsan na niya napuntahan ang lugar na ito at minsan na rin siyang nag-wish sa wishing well na naroroon sa gitna.

“Dito?” takang tanong niya kay Rei, nakangiti itong tumango.

“Well, ladies…I think this is the perfect spot for a little eavesdropping.” Nakangising sabi ni Leigh habang nakatayo sa likod ng mga mayayabong na dahon, pumunta sila pwesto nito at tama nga ito sa sinabi, perfect ngang pagtaguan ang mga iyon. Mabilis silang nagtago sa mga dahon ng marinig ang paghinto ng isang sasakyan at ang pagbukas-sara ng pinto niyon, nakita niya sina Yannie at Kiel na paparating, naupo ang dalaga sa may duyan, natahimik silang lahat at tense siya sa kung ano mang mangyayari. Narinig niya si Kiel na bumasag sa katahimikan, napahawak siya sa kamay ni Leigh sa pag-aakalang kamay iyon ni Rei, kagyat siyang bumitaw rito, ngingisi-ngisi naman itong nanahimik at nakikinig sa dalawa, bumilis ang tibok ng puso niya ng makalipas ang ilang Segundo ay hinawakan nito ang kanyang kamay, hindi niya tuloy alam ang gagawin at hindi na niya maintindihan ang mga sinasabi nina Yannie at Kiel. Natauhan lamang siya ng binitawan na nito ang kanyang kamay, tinignan niya ito, nasa mukha nito ang kasiyahan para sa kaibigan.

“You are all that I am Yannie. Marry me and be my queen.” Ani Kiel na ikinalingon niya.

“As you wish my king.” Tugon ni Yannie at naglapat na ang labi ng mga ito, pigil naman ang impit na tili nila ni Rei habang pigil ang tawa ni Leigh.

ATLANTIS SERIES: PERFECT MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon