Chapter 14

4.4K 98 1
                                    

Wala pa ring imik si Bethany habang nag-eempake ng dadalhing gamit sa Manila, nakumbinsi kasi siya ni Rei na sumama sakanya papuntang Manila, hindi pa man nakararating ay parang gusto na niyang umatras pa.

“Buo na nga talaga ang pasya mo, Tani.” Anang kanyang Ate Amore

“Kaylangan kong gawin ito ate, it’s now or never. Mahal ko si Leigh, alam mo yon.”

“Mahal ka ba niya?”

Natigilan siya sa tanong nito, agad nanlabo ang mata niya sa luhang nais umalpas, mukhang nakonsensya naman ang ate niya sa sinabi nito, nilapitan siya nito at hinawakan sa magkabilang-braso “Kapatid kita at Mahal kita, ayokong nahihirapan ka. Ngayon ka lang umibig ng ganito, ni wala ka pang experience sa pagkakaroon ng boyfriend, napakainosente mo para sa isang Ashleigh Clinton.”

Tuluyan ng naglandas ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi “Mahirap ate, tingin ko ay hindi ako mabubuhay ng wala siya. Ganito siguro kapag na-inlove ate; you’ll take all the risk para makasama at mahalin ka ng mahal mo, kahit mahirap…kahit masakit, pero hindi ako susuko. Mahal ko si Leigh, mahal na mahal.”

“Pero ang pagmamahal ay hindi ganito kasakit, Tani! Masyado kang nabaliw sa pisikal na anyo niya at sa mga pinapakita niya sayo. Malamang ay nagsasaya na ito ngayon sa Manila while you’re here at La Tierra―suffering and crazily inlove.”

“Siguro ay ito ang napapala ko ngayon dahil sa pagiging duwag ko ate, kung sinabi ko na sakanya ng mas maaga ang nararamdaman ko para sakanya ay hindi sana nagging ganito ang lahat.”

“Wag mong sisihin ang sarili mo, hindi natin alam kung mahal ka rin niya o hindi.”

Sa sinabi nito ay lalo siyang napahagulgol “Mabuti ng masabi ko sakanya ang nararamdam ko at magkaalaman na kami ni Leigh. Dalawa lang ang kahihinatnan, It’s either a happy ending or a sad ending.”

Niyakap siya nito “Oh Bethany, he must have put a spell on you, a love spell!”

Natawa siya ng mahina sa biro nito, pambihira talaga ang ate niya, heto nga’t problemado siya’y nakuha pa nitong magpatawa.

“Bruha ka Ate Amore.”

“Magandang bruha Tani, magandang maganda.” Anito at nagkatawanan sila.

Pawisan at hinihingal na si Leigh pero wala pa rin siyang tigil sa pagpalo ng raketa at paghabol sa bola, nasa isang studio siya ng kanyang bahay kung saan ay naglalaro siya ng tennis―alone. Nais niyang ibuhos ang lahat ng galit, regret at pangungulila niya sa pamamagitan ng walang-humpay na paglalaro ng tennis imbes na pagpapakalango sa alak, mas gusto nga naman niyang mapagod ng husto at sumakit ang mga muscles niya kesa magkaroon ng hang-over.

Pumasok sa isip niya si Bethany, hindi na siya nakapagpaalam rito at pinagsisisihan niya iyon, marami pa siyang gustong sabihin rito pero sadyang ayaw lumabas iyon sa bunganga niya. kumusta na kaya ito at ni Lorkan? Sa naisip ay na-missed niya ang bolang sana ay tatamaan niya.

“Shit!” he cursed then throws the tennis racket away, nanghihinang napasalampak siya sa sahig, nanginginig ang mga tuhod niya pati ang kamay niyang napahigpit ata masyado sa raketa, namumula rin iyon.

He knows that he feels something towards Bethany and he’s afraid to name it, isa siyang taong hindi madaling ma-inlove and too bad he doesn’t want to be inlove. Naisip niya ang kaibigang si Kiel, he’s happy now and madly inlove with his fiancée, Masaya siya para sa kaibigan dahil natagpuan na nito ang babaeng makakasama nito habangbuhay. Siya kaya? napailing siya, wala pa sa isip niya ang mag-asawa at mainlove. Natigil ang pag-iisip niya ng tumunog ang kanyang cell phone, kinuha niya iyon tinignan kung sino ang tumatawag―It was his mom, sinagot niya iyon.

ATLANTIS SERIES: PERFECT MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon