Chapter 5

4.8K 113 0
                                    

Inaantok pa si Bethany ng pumasok sa mansion, napuyat siya dahil late ng natapos ang party. Marami siyang mga nakilalang tao at nakausap roon, ang iba pa ngang mga binata o kung hindi naman ay mga matandang-binata na ang nagyayaya sakanyang makipag-date, hindi naman niya pinagsinungalingan na isa lamang siyang katiwala sa mansion. Gaya ng dati ay nasa hardin siya at inaalagaan ang mga halaman ni Rei, kasalukuyan siyang nagdidilig ng tawagin siya ng kanyang  ina.

“Bakit inay?”

“Aalis si Don Enrico at nagpapasama papuntang airport, inirekomenda kita sakanya sapagkat sinusumpong ako ng arthritis ko kaya magpalit ka na ng damit at sumama ka sa don papuntang airport.”

Nakaramdam siya ng pag-aalala sa ina kaya naman ay agad niyang tinapos ang Gawain at umuwi sa kanilang tahanan upang makapagpalit ng damit. Nadatnan niya ang family driver ng mga Renthurford na naghihintay sa labas.

“Nasaan si Don Enrico Manong?” tanong niya, hinihingal pa siya ng kaunti dahil tumakbo siya papunta sa kanilang bahay.

“Nasa itaas pa ang Don at naghahanda.”

“Saan po ba sila pupunta? Kakatapos lang ho ng kaarawan nila ah.”

Napatawa ng mahina ang matanda “May business trip ang Don sa Korea.”

Napatango-tango siya at biglang pumasok sa isipan ang mga anak ng Don. Hindi ba nila ihahatid ang ama? “Ganoon ho ba? Mukhang napuyat po ata ang mga anak ng Don at tanghali na ay hindi ko pa napapansin rito sa bahay.”

“Si Senyorito Lorkan ay may pinuntahan kasama ang mga kaibigan, habang si Senyorita Rei naman ay kagabi pa nag-chopper patungong maynila.”

“Si Rei po? Umalis na kagabi?” bulalas niya

“May inaasikaso ang batang iyon sa Maynila, sariling business niya.”

“May sariling kumpanya po si Senyorita?” gulat na tanong niya, ang buong-akala niya ay sa kumpanya ng ama nito ito nagtratrabaho, iyon pala ay nagtayo ito ng sariling kumpanya.

“Oo naman, isang Jewel Empire. Sandrianna Jewel Empire ang buong pangalan ng kumpanya.”

Lumobo ang utak niya sa sinabi nito, marami pa nga siyang hindi alam tungkol sa magkapatid. Natigil ang pag-uusap nila ng matanda ng bumaba na ang Don at patungo na sakanila. Sinalubong siya ang Don at kinuha ang bitbit nitong mga gamit, habang nasa daan ay nakakwentuhan niya ang Don sa unang pagkakataon.

“Kumusta naman ang pag-aaral mo hija?”

“Mabuti naman ho Don Enrico.”

“Sabi kasi ni Lupe ay tumigil ka nga raw sa pag-aaral at nagpasyang magtrabaho sa mansion.”

“Isang semestre lang naman ho Don Enrico, napansin ko po kasing tumatanda na ang inay at kailangan ng makakatulong sa mansion.”

Napatango-tango ang matanda “Napakabait mong anak Bethany, masuwerte sayo si Lupe.”

“Salamat ho Don Enrico, masuwerte rin ho kayo dahil mayroon kayong dalawang anak na nagmamahal sa inyo.” Nakangiti niyang sabi rito, napangiti rin ang Don.

“Kung sana nga lang ay hindi maagang kinuha ng diyos si Alessandra.” Malungkot na saad nito. Sa pagkakaalam niya ay Alessandra Marie ang buong pangalan ng nasira nitong asawa, pumanaw ito ng mga bata pa lamang sina Lorkan at Rei, namatay ito sa sakit sa puso.

“Naniniwala po akong may purpose si God.”

Bumaling ang matanda sakanya “Alam kong nawalan ka na rin hija.” Anito at bumaba na sa sasakyan, hindi niya namalayang nasa airport nap ala sila. Hindi na siya nagtangka pang bumaba ng sasakyan. Nakagat niya ang ibabang labi sa sinabi nito, pinuno niya ng hangin ang dibdib upang kumalma. It has been 15 years since her father died.

ATLANTIS SERIES: PERFECT MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon