CHAPTER 25- WHY?

Depuis le début
                                    

"So you took it seriously. Miss Raymondo gamitin mo naman kahit minsan yang utak mo. Nagpapanggap tayong magnobyo. Alangan namang sabihin ko sa harap nilang hindi kita mahal?"

Para akong binuhusan ng malamig na juice. Walang basagan ng trip guys. Gusto ko ng juice.

"Jason told me you love me." matatag parin na sagot ko.

"Kelan pa naging ako si Jason?" seryosong sagot niya."Look. if that was what you think I am sorry. I didn't want to make you believe it's true. Akala ko kasi ay alam mong nagpapanggap lamang tayo." senserong sabi niya.

Nahihiya ako na nanghihimutok na nasasaktan na basta. Parang gusto kong maiyak.

Hindi ko kayang tumingin sa kanya. Pakiramdam koy sa oras na tumingin ako sa kanya ay maiiyak na talaga ako. I cleared my throat.

"Magde'day off ako." sabi ko saka nagsimulang maglakad.

"You know what? Bakit hindi ka nalang magresign?" napatingin ako dito. Kaya ayun tuloy hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Para silang nagkakarera. Pabilisan sa pagtulo. Nakita kong nagbago ang ekspresyon niya. Lumapit pa siya sakin at hahawakan sana ako pero pinigilan ko ito. Walang salitang lumabas na ako ng opisina. Hindi pinansin ang mga taong nagtanong o kung ano mang ginawa nila sakin. Ang alam ko lang. May masakit ehh. Tsk ano ba naman kasi to???? Putik!! Leave me alone...........

----------

Sa bahay ko binuhos ang lahat ng Sama ng loob ko. Nanood pa ako ng miracle in cell no. 7 para may karamay ako.

Why does he have to be that harsh? Pwede namang hindi lang ang isagot niya sa tanong ko ahhh.

"Oie beastpren." hindi ko namalayang dumating na pala si Cheska.

"Hum?" tanging sagot ko na sa tv parin nakatingin.

"Ice cream ohh?" inabot niya sakin ang half galloon ng ice cream. May kasma pang kutsara kaya pinapak ko na yun. Naiiyak na naman kasi ako ehh.

"I heard para ka daw zombieng lumabas ng hotel kanina. What happened?" senserong tanong niya.

"Bwala--" sagot ko.

"Tsk Tsk. Hindi mo ako makukuha sa mga ganyan mo Kiara. Some people would bite it. But I'm not some people. Now--" umupo ito sa tabi ko. "Tell me what happened? I asked Elen. She told me you came out of Ian's office crying. What did he do to you. Sabi ni David sabihin mo lang daw kelan natin reresbakan." napangiti ako ng maalala ko ang pasaang si David.

"Ehh lampayatot naman yang David mo ehh." panunukso ko dito.

"Excuse me? Hindi kaya sadyang umiinom lang siguro ng steroids ang mga nakalaban ni David noh. Tsk iniiba mo ang usapan ehh." akala ko pa naman lusot na. Hindi ko ito sinagot. Ano namang sasabihin ko dito? Na inayawan ako ng lalaking ngayon ay iniiyakan ko?

"Well kung ayaw mong magsalita. Ako nalang. I know you have fallen in love with Ian. And David told me. Ian loves you too." napatigil ako sa pagkain ng ice cream at saka ko siya tinignan.

"Why does all people tell me he loves me when in fact it came from his mouth. HE? Ian? DOESN'T LOVE ME." grabe. Ako ang nasaktan sa sinabi ko.

"Suuss. Nagpapakipot lang yun. Nakalimutan mo na bang mag'bestfriend sila ni David. David told something, second night in the reunion. Nung gabing naospital si David. Sabi ni david. Talagang may hindi magandang nakaraan sa babae si Ian kaya ngayon ay ayaw na niyang muling magmahal. You just have to get stronger and face him and get him."

"I already talked to him and he answered no." sagot ko. I continued eating my ice cream.

"Kasi nga takot siyang masaktan muli." paliwanag niya.

"Ano bang ginawa ng put@ng ex niyang yan ahh? Malaman ko lang kung sino yan ay kakalbuhin ko yan gamit ang blade." she's ruining my chances with Ian.

"Please kiara. You're the only hope he would be back to himself?" sabi ni kiara

"Ano ba kasing nangyari sa kanya?" tanong ko. Naiinis ako. Lahat nalang ng tao sa paligid ko alam ang nangyari. Parang ina'nounced sa klase pero absent ako nun? Huling huli na ako.

"Alam mo bang---" hindi pa siya tapos magsalita ay pinutol ko na ito.

"Malamang hindi. Magtatanong alam?" Naiinis na ako kaya nasasali pa tuloy siya.

"Tsk. Wag kang echus. Ganito nga kasi. Alam mo bang-" she stopped na para bang inaasahan niyang kokontrahin ko ito pero nagpatuloy rin ng wala akong sabihin. "He almost killed himself."

"What?" parang nag'ring sa utak ko ang sinabi niya.

"He pointed a gun in his head. It was two years ago. Buti nalang daw ay naalo ito ng mama niya. He was ready to die for that girl." nakaramdam tuloy ako ng inggit sa babaeng yun. "Sheena is the name. Magkababata daw sila nina David. At high school pa lang ay naging magnobyo na si Ian at si Sheena. Mula noon hindi na daw sila mapaghiwalay. They were so in love with each other to the point na pati si Shrek at Fiona maiinggit sa love story nila. Until one day. Sheena got this offer in a modeling something in Canada. She was soo willing to go but Ian did not want her to go. Pinapili niya si Sheena. Her career or him?" Hindi pa tapos si Cheska ay alam ko na ang pinili ng babaeng yun.

"She had the wrong choice. Ian maybe player bu---" Hindi ako pinatapos ni Cheska sa sasabihin ko.

"His playboy acts are caused by sheena too. Ayon kay David. Hindi siya ganyan dati. Isang mapag alaga at maginoong Ian ang iniwan ni Sheena. She changed him. Malaki ang kinuha niyang parte ng pagkatao ni Ian."

"Why are you telling me this?"

"Tanga. Tinanong mo kaya sinagot kita. Tsk!" maski ako ay naguguluhan kung bakit ko tinanong iyon.

"Sabihan mo ako kung babalik na ang babaeng yun ahh? Pakokontact ko si Cedric Lee." sabi ko dito.

"I still have something to tell you."

"Ano?"

"I-we think you will be the only one to bring back what's lost in Ian- his heart."

"Tsk. Ano ako? Babaeng Lost and found clerk? Pagkatapos niya akong paiyakin kanina?" but the truth is. I feel hurt. Kung ako lang ang sheenang yun. Hindi na kailangan pang masaktan si Ian.

"I'm serious. Kinausap ako ng mama ni Ian."

"Close kayo? May tupak yun. Sabihin ba naman saking please love Ian daw. Tsk. Maybe she cursed me. Kaya ito ako ngayon at nagkakandarapa sa anak niya."

"Nataranta nga ako ehh. Pinapatawag daw ako ng may ari ng hotel. Akala ko ay may nagawa akong masama. Yun pala ay kakausapin lang kami ni David."

"Bakit ba niya kayo pinuntahan?" tanong ko.

"Kasi daw. Pagkagaling ni Ian sa reunion natin ay parang bumalik ito sa dati. Yung dating parang kakabreak up pa nila ni Sheena."

"Ngayon? Bat ako ang solusyon?" I bitterly asked.

"I told you. Ian loves you."

"I told you. He told me he does not!!! Wag mong ipagpilitang may gusto siya sakin dahil wala. Wala wala at wala. Matutulog na lang ako." I left her and tried to sleep. Ang dami dami ko munang naisip. Luckily I did sleep.

----------

Jan na lang muna tayo guys. I think I'll update in Saturday :) thank you ulit.

Seducing Mr. PervertOù les histoires vivent. Découvrez maintenant