Silently 6

21 4 4
                                    

NOTE: Binago ko yung caption ng mystery girl with a bun ni Ivo. Nasa Media or pwede rin balikan ang previews chapter.
---

Pagod na iniligpit ko ang gamit sa table ko dito sa companya namin. Its already 6:45pm.

Dahil sa nakita at nangyari sakin kagabi nagpasya akong wag na munang pumunta ng Sweet Thoughts. Yes I am jealous of that girl pero on the other hand naisip ko na it was a year ago, maraming pwedeng mangyari sa loob ng nakalipas na taon na yon. And I am hoping that somehow sa mga konti sandali na nagkasama kami ni Ivo ay nagkaroon ako ngkahit katiting man lang na posisyon sa puso nya.

Malalim akong napabuntong hininga saka tinapos ang pagliligpit. Uuwi na ako agad sa bahay, feeling ko ang bigat bigat ng pakiramdam ko gusto ko nalang mahiga sa kama ko.

Ivo is indeed my energy. Without seeing him I feel so drained and lifeless. I sighed. Is this how love works? Its... I cant even explain.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang ground floor. Binati pa ako ng guard na nakabantay sa pinto ng building namin. He even offered to call a taxi for me, but I politely declined.

Nasa labas na ako ng building namin ng mapahinto ako. Nahigit ko ang hininga ko sa nakita.

In my very eyes is Ivo himself. Nakatayo sya malapit sa pinto ng kotse nya. Hindi nya ako napansin dahil nakatagilid sya sakin at hawak nya ang cellphone nya.

Ano ang ginagawa nya sa tapat ng building namin? Does he have business near here? Baka may sinundo sya? A girl maybe? There it goes again, kalma lang heart.

Akma na akong hahakbang para makaalis pero di pa man ako nakakagalaw ay napalingon na sa gawi ko si Ivo. Nang makita nya ako ay agad na ngumiti ito.

That smile. It makes my knees wobble.
Itinaas nya ang kamay nya na parang nag he-hello saka dahan dahang naglakad papunta sakin.

Ngiting ngiti sya habang naglalakad kaya di ko maiwasan ang maliit na ngiting kunawala sa labi ko.

Corny man pero ng ngitian nya ako, parang nawala lahat ng mabigat sa dibdib ko. This is the effect of Ivo.

"Hi" bati nya sakin ng makalapit.

"H-hi" nautal ko pang bati na ikinalaki ng ngiti nya.

"Paauwi kana?" Tanong nya

"Ahmm-- oo. Ano nga palang ginagawa mo dito? May binili ka? Sinundo?" Damn mouth. Bat ba ang dami mong tanong. Its non of your business.

I mentally slapped my face. Nakakahiya. Mukhana akong usisera.

Ilang sandali lang syang nakatitig sa akin bago ko sya natinig na mahinang natawa.

Bat sya natatawa? Ayoko na ngang magtanong.

"Right. May sinundo ako." Bigla nyang sabi na ikina tigil ng tibok ng puso ko.

Parang gusto kong maiiyak. Bakit ba ako nasasaktan. At bakit pa sya nandito kung may sinundo pala sya.

"Pauwi ka na diba? Mind if you accompany me to a dinner?" Tanong nya.

"Ah! Tama may sasabihin din pala ako sayo. So I guess there's no room for you to decline." Dugtong niya na ikinatawa ko.

"Do I have a choice?"

"No. Shall we?" Lahad nya sa koste na di kalayuan.

He opened and closed the door for me saka sya umikot para umupo sa drivers seat.

Huminto kami sa isang restaurant. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse ng pigilan nya ako.

Nagtatakang sinundan ko lang sya ng tingin ng bumaba sya at pumunta sa gilid ko para buksan ang pinto.

Silently Where stories live. Discover now