Chapter 11. (The Survivor)

Start from the beginning
                                    

"Bakit mo kami pinapunta?" Tanong ko sa kanya.

"Umupo muna kayo. May sasabihin ako."

Kaya naman umupo kaming dalawa ni Julie, Nasa gitna ako ni Clear at Julie.

"Uumpisahan ko, Nakausap ko yung Detective, yung nanay ng Crew na namatay dun sa pagkasabog nung kotse sa pyer naaalala niyo pa ba?"

"Oo" Sabay naming sinabi ni Julie.

"Nung 13 years old siya, Muntik na siyang makasakay ng Devil's Flight roller coaster, Pero pinaalis sila ng operator kasama nung pinsan niya kasi Less than 54 inches sila."

"Oo, Naaalala ko yun, Sila yung dalawang bata na naunang sumakay sa upuan namin, pero pinaalis kaya naman kami na yung nakaupo." pagpapaliwanag ko. "At sila din yung dahilan kung bakit hindi ko nalaman na nakasakay dun si Julie at Perry dahil may bakante na sa pagitan namin."

"So asan na yung Pinsan niya pang isa na nakaligtas?" Tanong ni Julie.

"Nawala nalang bigla, nung nalaman ng mga magulang niya yung tungkol sa storya ng buhay natin, Nagtago rin siya kasama ng mga magulang niya."

"Kailangan pa ba natin siyang hanapin?" Tanong ko kay Clear.

"Oo naman, Kailangan natin siyang makita." Sagot ni Clear habang nakatingin ng malalim sa malayo.

"Pero paano natin uumpisahan ang paghahanap sa kanya?" Tanong ni Julie.

"Bahala na" ang nasagot ni clear sa kanya at nagbuntong hininga siya.

May kinuha siyang envelope at binuksan niya ito,  Kinuha niya ang laman at Pinakita sa aming magkapatid.

"Ano ito?" Tanong ko sakanya habang bagong hawak yung papel, tinignan ko ito.

"Ito yung listahan ng mga kwarto natin sa barko, Kasama nadin yung mga nakabook dito."

Kate Browning= Room 354

Mike Hitchcock= Room 355

Bettina Straine= Room 356

Julie Christensen= Room 357

Clear Rivers= Room 358

Simon Iverson= Room 359

Wendy Christensen= Room 360

"Teka, Bakit napagitnan ka ni Julie saka ni Simon?" tanong ko sakanya.

Nagsalita si Julie. "Habang nagpa-book kasi siya ng ticket, Pinuntahan ko siya para magpabili ng Pagkain, Nagugutom kasi ako, Kaya humingi ako ng pera sa kanya, Ang sabi niya, sasamahan niya muna ako. Kaya naman umalis kami, Pero ang totoo, nauna akong nabook. Walang namang tao dun saka matumal, kaya naman ang pagkakaalam ko wala ng magpapabook na susunod."

"Pero dumating ako." Sabi ni clear. "Nakita ko kayong paalis, Akala ko tapos na kayong magpabook kaya naman nagpabook na din ako."

"So ganyan ang pagkakasunod sunod ng kamatayan natin?" Tanong ko.

"Definitely." Sagot ni clear.

MY FINAL DESTINATION. (FINISHED)Where stories live. Discover now