14: Kumag VS Hambog Part 3

Start from the beginning
                                    

"Hay nako. Basta tandaan mo lang na nandito lang kami. Tsaka isa pa ay nandyan naman si Zarex eh. Buti ka ng sinusuportahan ng labidabs mo."

"Anong labidabs? At paano napasok si Zarex dito aber? Di ko sya labidabas at walang something sa amin okay!? Sya lang naman tong sweet sa akin at sya lang naman tong nagdadala sa akin sa restaurants at parks ah! Basta wala! Walang something sa amin! Tapos!" Sigaw ko sa kanya. Tumingin naman to sa akin na parang nagaasar.

"Sinabi ko lang na labidabs, andami mo nang sinabi! Wala daw ah?" Panunukso nya pa.

"Tigilan mo nga yan! Mukha kang ulol!" Tumawa lang ito sa sinabi ko.

Ilang minuto pa ay dumating na nga kami sa venue. Sa WilU Convention Center gaganapin ang event. Hindi kasi pwede sa gym kasi medyo may kaliitan yun kaysa dito sa WUCC.

Pagbaba pa lang ng sasakyan ay sinalubong na agad ako ng mga kaklase ko na sumusuporta sa akin at tumatayong mentors at mga makeup artists namin.

"Bilisan mo na Khy! Jusko, nagemote ka pa ata sa bahay ng lolo mo! Nakikipagwrestling ka ba sa ipis at tumagal ka ng isang oras? Jombagin kaya kita dyan!" Bungad sa akin ni Eyo. Eyo pangalan nya kasi ayaw nya daw ng totoong pangalan nya. Theodoro kasi. Nakaka oldschool daw at sobrang maton.

"Oo na! Kinakabahan lang." Sagot ko naman sa kanya.

Wala na itong isinagot pa at hinila na ako papunta sa backstage kung saan naman naghihintay na rin ang ibang contestants pati si Zarex na sumalubong sa akin pero pinigilan muna ni Eyo kasi mamakeupan at aayusan pa daw ako.

Sila Eyo at yung ibang kasamahan nya ang nagayos sa akin. Mapamakeup man o mga susuotin ko throughout the pageant.

Saktong kakatapos lang akong ayusan ay lumapit naman sa akin ang kambal saka ako kinamusta.

"Oy hambog, bakit ka nalate? Jusko! Isang oras at kalahati ka bang nagjakol? Hindi ka kasi makapaghintay na dumating ako eh." Bungad nito na sinikuan naman ni Zarah.

"Ang dugyot mo naman kambal! Anyway, bakit nga ba Khy?" Tanong naman ni Zarah.

"Eh sobrang kinakabahan ako kaya tumagal ako sa banyo. Sobrang laki naman kasi ng WilU tapos pageant pa." Tugon ko naman.

"Wag ka kasing magalala tol! Andito naman kaming mga katropa mo eh. Tsaka yakang yaka mo yan! Pageant lang yan. Isa pa, sobrang gwapo mo kaya. Kailangan mo lang ng konting self-confidence. Kiss mo na lang ako para tumaas naman tingin mo sa sarili mo." Sabi nito sabay nguso sa akin.

Pinitik ko naman ang noo nito dahilan para mapadaing ito. "Tado ka! Ginawa mo pa akong bakla. Halika na nga at luminya na tayo. Baka mapagsabihan pa tayo dito."

Tawa naman ng tawa si Zarah sa amin. Sinunod naman nila ang sinabi ko at luminya na nga sa desginated spots namin ayon na rin sa practice.

Maya-maya ay nagsimula na nga magsalita ang host. Ang host ay si Trey Martin. Siya ang president ng buong student council ng campus at governor din ng Psychology department.

Bakla si Trey. Pero kahit na ganoon ay malaki pa rin ang tiwala sa kanya ng mga estudyante at profs dahil na rin sa commitment at husay nya sa kanyang tungkulin. Isa pa ay consistent PL yan. Kaya walang nagtatangkang humarass sa kanyang lalaki.

"Goodevening WilU!!!" Sigaw na nga ni Trey sa madla. Naghiyawan rin naman ang mga tao sa paligid pabalik.

"Excited na ba kayo? Pwes ako rin! Kaya't hindi ko na ito papatagalin. Please welcome our 16 sizzling men for Mr. WilU and 16 gorgeous women for the Ms. WilU. Watch as they battle for the crown tonight. Here they are folks!"

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now