Chapter 31 - Untold Words (It Hurts)

24.2K 228 9
  • Đã dành riêng cho Sa lahat ng HF Readers ko :")
                                    

Glenn's POV

 


Eto na. Nag-aayos na ko para sa pagpasok ko. Eto na. Magkikita na naman kami ni Keith at ni Grace. Medyo pugto pa ang mata ko kaiiyak kagabi. Dinahilan ko na lang kina Mommy na nanood kami ni Cheska ng nakakaiyak na movie sa kwarto ko kaya umiyak ako.

Tulala ako habang nakasakay sa kotse ni Kuya. Hatid niya ulit ako papasok ng school. Habang papalapit na kami ng papalapit sa school, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari ngayon.

Hayae na. Nandiyan naman si Cheska para sakin. Ngayon, hinihiling ko na sana may mga bagay na mangyari na pwedeng magpaligaw sa isip ko mula kina Keith. Kaya lang katabi ko si Keith. Anong magagawa ko?

Pagdating ko sa room, marami nang tao. Umupo agad ako sa upuan ko. Wala pa si Keith. Pero nandito na si Cheska. Dala ko na yung jacket niya. Nakalagay sa isang paper bag.

"Okay ka na, Bhez? Pugto pa eyes mo," bulong niya sakin.

"Okay lang ako," I lied.

Nagkwentuhan pa kami saglit ni Cheska. May ikinuwento siya sa mga nangyari sa kanilang family vacation. Yung iba nakakatawa kaya medyo nafo-forget ko si Keith.

Nag-time na at lahat pero wala pa rin si Keith. Ano na kayang nangyari sa kanya? Okay lang kaya siya? Maya-maya ay dumating na si Keith. Matamlay siya. Nagkasakit rin kaya siya?

"I'm sorry I'm late, Maam," sabi niya kay Maam Magno. Nakatungo lang siya tapos dere-deretso siyang umupo sa upuan niya. Bakit? Anong nangyari? Akala ko ba sila na ulit ni Grace? Bakit malungkot siya?

Di kaya nag-away sila dahil sakin?

Nag-start na kami ng discussion ulit. Uneventful. Yun lang ang mga ginawa namin maghapon. Ilang beses kong sinisilip si Keith. Tahimik siya. I mean, tahimik naman siya pero iba ang pagkatahimik niya ngayon. Ano bang nangyari sa kanya?

Hanggang sa nag-lunch break na.

"Oh. Tulala ka diyan, Glenn?" tanong sakin ni Cheska.

"Tingin mo, bakit kaya malungkot si Glenn?" sabi ko.

Pinanlakihan niya ako ng mata tapos dinuro sakin yung tinidor niya.

"Sinaktan ka na, inaalala mo pa? Tibay mo, Glenn, ha," sabi ni Cheska sakin.

"Hindi niya naman ako sinaktan eh. Ako ang nanakit sa sarili ko. Hashtag Assumera eh."

"Sige na. May ikekwento pa naman sana ako sayo kaya lang malungkot ka kaya wag na lang."

"Ano yun?"

"Wag na."

"Pakipot pa eh. Hindi na ko malungkot. Masaya na ko oh. Share ka naman," sabi ko tapos pilit akong ngumiti. Maka-chismis lang eh no?

"Hmm. Sige na nga. Hint... lovelife ko," nakangiting sabi ni Cheska. Bigla akong na-excite kahit na medyo sanay na ako may lovelife siya.

"Wow. Para namang ngayon ka lang nagka-lovelife. O siya, ano yon? Ang bilis mo talaga kahi kailan," sabi ko.

"Ang sabihin mo, maganda lang talaga ako kaya mabilis sakin ang mga lalaki."

"Okay. Ano na?"

Nagtaklob muna siya ng mukha tapos parang nagpipigil ng irit. Ang sarap lang sabunutan. Hindi pa agad sabihin. Ang cliffhanger! "Ano naaa?" ulit ko.

"Hint!" tapos humagikhik pa siya. "Matthew!"

Napataklob ako ng bibig ako. Kahit wag na siyang magsalita, alam ko na.

HF: Her SerendipityNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ