Chapter 38 - Mahal kita, Alam mo ba? :)

25.1K 331 16
                                    

KEITH's POV



Pagkapasok ko ng room, nagderetso kagad ako sa locker ni Glenn. Of course, kahit na alam ko nang... you know... na crush niya ko, I will still continue my mission as a secret admirer. 

Today's surprise... something sweet. Her favorite candies na tinanong ko pa kay Cheska. (So, paano ko nabubuksan ang locker ni Glenn? I am a certified stalker. Hinihiram ko kay Manong Guard araw-araw yung duplicate ng locker ni Glenn sa school.

May duplicates ang mga lockers for emergencies. Halimbawa, hindi mabuksan yung locker. Ganon. Therefore, kakutsaba ko si Manong Guard sa kalokohan ko, hindi lang si Mommy. Ehehe.

Ilang oras pa, nagdatingan na yung mga ka-teammates ko kaya maaga kaming nagsimula. Practice kagad kami. Bukas na ang laban. Todo practice na rin kami. Hindi ko na muna aaminin kay Glenn yung tungkol sa feelings ko.

I've already planned something.

"Captain, lupit mo ngayon ah? Inspired?" tanong ng isa kong ka-teammate.

"Oo nga, pare. Ang saya mo ngayon. May rason yan!" sabi naman ni Matthew. Napangiti na lang ako.

"Bakit? Hindi ba ko masaya dati?" tanong ko.

"Hindi naman sa ganon pero... ang sigla mo ngayon." sabi nung isa ko pang ka-teammate.

"Masanay na kayo." sabi ko tapos uminom ako ng mineral water. Tumayo na ko. "Tara na ulit."

"Ha? Ano ba yun? Akala namin limot mo na. Mamaya na. Tutal inspired ka naman ngayon eh." sabi ni Luke.

"Kaya nga gusto ko nang magpractice eh. Kasi nga diba? INSPIRED ako?" loko ko.

Biglang lumapit samin si Cheska. "Captain Barbel, dadating na daw mamaya si Coach Freddie Roach niyo!! Galingan niyo huh. Jusko!! Bukas na yan. Dapat manalo tayo para hindi masira ang beauty ng mga cheerleaders!" sabi niya.

"Oo naman!! Pero kahit kailan naman hindi nasasayang ang ganda mo eh. *wink*" banat agad ni Matthew. Dinilaan siya ni Cheska. "Ahehehe! Ang ganda mo lalo kapag nagsusuplada ka! Kaya mo siguro ako sinusupladahan no? Hahahaha!" sabi pa niya.

"Kapal mo, bebs!!" sabi niya. "Bebs"? Pen name? So corny of them!? XD

"Ah. Sige. Oo naman. Gagalingan namin." sabi ko.

Maya-maya nagpractice na kami. Kelangan naming galingan. Biglang nagbago ang mood ko nang malaman ko kay Cheska na magiging kaklase na pala namin si Vince. F**k!! Ano na kayang ginagawa nila ngayon?

AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH! Nakakainis!! Baka mamaya naaagaw na pala sakin si Glenn nang wala man lang akong alam. Tsk. Pero ayokong matalo ang team namin. As the Captain, sakin nakasalalay ang pagkapanalo sakin. Malaking suntok sakin ang matalo kami. Pero mas masakit pa rin atang suntok sakin kapag nakuha si Glenn ng iba.

Aish. Kelangan na talagang malaman niya ang lahat. Ang lahat ng gusto kong sabihin. Lahat ng mga salitang parating nauudlot. Lahat ng mga feelings na nararamdaman ko para sa kanya. Lahat ng mga patagong pagpaparamdam ko sa kanya na hindi niya maramdaman dahil manhid siya.

*TING*

Bright idea. Pagkatapos na pagkatapos ng practice namin, nag-shower kami. 8 pm na kami nakaalis ng court. Todo practice kami. Kelangan naming manalo. Pagkatapos naming magshower, dumeretso ako sa bahay.

Pagdating ko sa bahay. Hindi muna ako nagbihis. Pinuntahan ko kagad yung office ni Mommy sa bahay. Sa katabi kasi ng kwarto niya, meron siyang sariling office. Dito niya ginagawa ang mga inuuwi niyang works.

HF: Her SerendipityDove le storie prendono vita. Scoprilo ora