Chapter 24 - Untold Words (Switched Roles)

29.3K 267 8
                                    

A/N: Untold Words pa rin ang ating title hangga't hindi pa tayo nadating sa 143. Hahaha!! Hulaan niyo kung ano yung 143 na yun. (^__^) Someday you'll know. HAHAHAHA!!

Eto na po yung update kahit hindi naman umabot ng 15 at 3. *pout* HAHAHA!! Baka kasi hindi ako makapag-watty or even FB nang ilang araw. Hindi ko sure pero baka matagalan na ang next updates. Wait na lang ninyo huh. :)))

Oh siya. Enjoy-in niyo to dahil......nyahahaha!! Basahin. (>__<)

ENJOY READING!!

lovelots, Jhoann :))

---

Glenn's POV



Hindi ako makapaniwala. A-Ako? Ang bagong Sleeping Beauty. (>______<) Nanaginip lang ba ako??

"Miss Glenndaline Ocampo, come here in front." sabi ulit ni Mrs. dela Paz. Kabado ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Lahat nakatingin sakin.

Yung iba, nakangiti. Yung iba, nakasimangot. At si Grace.......para akong papatayin!! (>___<) Ayoko naaa!!

"Miss Ocampo." tawag ulit sakin ng principal. Wala akong choice. Tumayo ako. Crossed fingers ako habang naglalakad sa gitna papunta kay Maam dela Paz.

"M-Maam, h-hindi p-po a-ako maru-n-nong umarte." prangka kong sabi. Hindi talaga ako marunong umacting. Tapos ka-partner ko si Keith? NO!!!

"You can. i know it. Diba may mga role plays kayo lagi kay Mrs. Ledesma since first year niyo?? Alangan namang hindi nadevelop ang skills mo?" sabi sakin ni Maam dela Paz.

"Maliit lang po yung role plays. Masyado pong malaki ang theatre play na to. Nakakahiya naman po kung masisira ko lang." sabi ko.

"Kaya mo yan. It is no big deal. Diba nga sabi mo, hindi ka magaling umarte. Then, the audience shouldn't expect so much on you. They will just expect na magiging nakakakilig ang tandem niyo ni Keith." sabi niya. Pasimple kong nilingon si Keith sa stage.

Sa lahat ng tao kanina, siya lang ang hindi nagulat. Walang expression ang mukha niya. Tapos nakita ko pa siyang ngumisi nung tumayo ako. Anong ibig sabihin nun??

"Bakit po ba ako ang napili niyo eh....."

"Sabi ko nga, I was watching you kanina. And as what I saw earlier, nung nagkukulitan kayong dalawa, I think you can be a great tandem." nakangiting sabi sakin ni Mrs. dela Paz. "Aminin niyo man o hindi, I know kinilig kayo kanina nung naghahabulan sila. Am I right?" sigaw ni Mrs. dela Paz.

"YES,MAAM!!" sigaw nila. Shocks!! Kahit na ayaw ko kay Grace as the Sleeping Beauty, ayoko namang maging ako yun.

HF: Her SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon