CHAPTER 9

8 1 0
                                    

RAISETTE NICOLE FERMIN'S POINT OF VIEW.

OH MY GOD! OH MY! OH MY GOD!

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit siya nahimatay?

My head turns from left to right, right to left and so on...to scan the place. Baka may makakita samin at mapag-isipan ako ng masama. Ano bang nangyari? Is this normal? Is this what's really supposed to happen?

Ang bigat-bigat pa ni Niel. Hindi ko siya mabuhat ng mag-isa lang. If I'm lucky enough, walang bababa ngayon kasi busy ang lahat kapag gantong oras. Kokonti lang ang nakabreak, and I'm one of those. Kung mamalasin naman, I might be seen by some of those few employee on break or the maintenance officer assigned on the place.

Isinandal ko na lang si Niel sa kotse. Good thing malapit siya sa pintuan ng kotse at mukha naactivate na nito ang pinto. Less hassle, I don't have to find the keys. Problema na lang pano ko mabilis na—

"What did you do to him?"

Patay! O gods! Oh. My. Gods!

My grip on Niel's arm tighten, my eyes shut as if it was glued, my fist clenched.

May nakita sa 'min. Suddenly, I can't move. Nanigas ang buong katawan ko. Puso ko na lang ang hindi marunong makisama. It was beating as if racing away from hell!

Sino kaya 'to? Pano ako mag-eexplain?Anong sasabihin ko sa—

"Nicole, what hap–"

"Roxen?! Damn it!"

"...pened to him?"

I interrupted him. I even cursed! Kabado-kabadong na ako tapos susulpot pa siya?! Hindi niya ba alam na halos atakehin ako sa puso! Gods! Akala ko kung sino! Siya lang pala?

"Why do you always glare at me?" He asked with furrowed brows. Mataman niya akong tinitigan. His eyes were so serious and so deep.

"I had a mini-heart attack! Bakit ka ba biglang sumusulpot na lang?!" I blurted out. Tingin ko napalakas ang boses ko kasi napaatras pa si Roxen. Agad naman akong naguilty. Wala nga naman siyang ginagawang masama.

I sighed. Maybe he's just on timing— timing sa mga bad moments ko.

"Sorry, nabigla talaga kasi ako."

And he's so weird, he's trying to stop himself to smile. Which he can't, as I see. There's a small smile pasted on his lips and a something on his eyes.

"What the hell?" Biglaan ang pag-ayos ng tayo ni Niel mula sa pagkakasandal sa kotse. Gising na siya!

Dahil nasa likod lang ako ni Niel, na-out of balance ako. Hindi pa ako nakakabawi mula sa kaba nang biglang pagsulpot ni Roxen kaya nanghihina pa ko.

I tripped. Ready na kong makipag-face-to-face sa lupa. Nanghihina pa talaga kasi tuhod ko. Hindi nag-pafunction ang sistema ko.

"Hey!" Pagalit na sita ni Roxen kay Niel habang nakaalalay sa siko ko. Hindi ko napansin kung panong nasambot niya ako. He's behind me and I can smell his scent. Parang mas bumango ata siya? Did he changed perfume?

What am I saying? Never mind!

Buti na lang hindi ako natumba. Sobrang nakakahiya 'yon kay Niel.

"'Wag nga kayo maglandian sa harap ko!" Galit na sabi ni Niel. Agad naman akong napaayos ng tayo. There's a hint of hate in his eyes. His voice was full of distaste.

"Kadiri." Dagdag pa ni Niel. Napaawang na lang ang bibig ko.

Hindi na ako nakapag-explain pa.

I want to defend myself. I'm not flirting with Roxen! I won't do that. Bumuka-sara na lang ang bibig ko.

Cupid's Other ArrowWhere stories live. Discover now