Chapter Fourteen

337 23 1
                                    

CHAPTER FOURTEEN


NAKATINGIN SA kulay puting gate ng isang bahay si Drake. Mukhang bagong pintura ang gate at kaaya-aya iyon sa paningin niya sa kabila ng dilim ng gabi. Base sa kanyang relo alas- otso na ng gabi. Para sa iilan ay masyado nang late para mang-istorbo pa ng mga tao sa isang bahay. Pero kahit na nagdadalawang-isip siya sa gusto niyang gawin ay mas nanaig pa rin ang kagustuhan niya na makita ang taong sadya niya sa bahay na iyon.

Habang patungo siya sa bahay ni Keith ay ilang tawag at text ang ginawa niya pero walang sagot man lang si Kieth doon. And his intention for doing it was to inform him that he was on his way to his house. Hindi pa naman niya alam kung ano ang madadatnan niya sa bahay ng mga ito.

Sa kabila ng pagdadalawang-isip, dahan-dahan niyang pinindot ang doorbell. Tumunog iyon. While waiting for someone to open the gate for him, he was praying silently that the people in the house were not bothered by coming to the house late. Pero hindi naman yata maiiwasan iyon lalo na at gabi na. Magkaganunpaman, he was hoping for the best.

Nang marinig niya ang pagtunog ng gate na parang may nagbubukas niyon ay hinanda niya ang maluwang na ngiti sa kanyang labi. Hindi man niya alam kung sino ang taong nasa likuran niyon ay mas mabuti ng mukha siyang kaaya-aya.

Actually, hindi nga niya alam kung ano ang idadahilan kapag nagtanong ang kung sinuman sa pagpunta niya rito ng ganitong oras. Hindi siya handa.

Bumukas ang gate bago pa siya makapag-isip ng pwedeng idahilan. Tumambad sa kanya ang isang matandang babae. Sa tantiya niya ay naglalaro sa pagitan ng kuwarenta y cinco at singkwenta ang edad nito. The lady resembled some facial features of Keith. Sa mukha pa lang nito alam na niya na ito ang ina ni Keith.

"Good evening po," magalang na bati niya sabay ngiti ng maluwang.

Nagtatakang tingin naman ang ibinibigay nito sa kanya. Tiningnan siya mula ulo hanggang sa paa na tila inieksamin ang kabuuan niya.

Aaminin ni Drake na kinakabahan siya sa tingin na binibigay nito. Talaga yatang sinusuri siya at inaalam kung mabuti o masamang tao ba siya.

"Magandang gabi naman," sagot nito pagkatapos ng pagtingin sa kanya. "Ano ang pangalan mo? Anong kailangan mo?" Tanong nito.

"Drake Palma po ang pangalan ko. Officemate po ako ni Keith."

Kinuha niya ang ID niya sa loob ng bag para maniwala ito sa kanya at makita nito na nagsasabi siya ng totoo.

"Heto po ang ID ko para sure," aniya sabay abot dito ng ID.

Mula sa ID na hawak niya lumipat ang tingin nito sa mukah niya. Inabot ang ID at tiningnan iyon habang pasulyap-sulyap sa kanya. Pagkatapos ng masusing pagtingin at pagbasa sa impormasyon na nakalagay sa ID niya ay ibinalik nito iyon sa kanya.

"Pasok ka," anyaya nito. "Ako pala ang nanay ni Keith," pakilala nito sa sarili. Binuksan nito ang pintuan ng mas maluwang. Nagbigay daan din ito para makapasok siya.

"Salamat po. Hindi po ba nakakahiya na pumunta ako rito ng ganitong oras?" Nag-aalangan na tanong niya.

The old lady smiled.

"Sorry po sa istorbo."

"Walang anuman iyon. Hindi ka naman nakakaistorbo. May hinihintay din ako kaya hindi ka nakakaistorbo."

"Ganoon po ba."

"Oo. Siyanga pala. Sinadya mo ba rito ang anak ko ng ganitong oras dahil sa mahalaga ang pakay mo?"

The Healer of my Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon