Chapter Nine

431 32 5
                                    

AUTHOR'S NOTE

Nawala. Bumalik. Nag-update.

LoL. Kung anong ka-echosan ang naiisip ko. Kaso waley naman. Hihi.

Magshe-share lang ako ng kung anu-anong ka-anikan.

Alam niyo ba iyong pakiramdam na parang dalawang tao ka kapag kaharap mo ang gadget mo? LOL. Malamang oo, malamang hindi.

Kapag kaharap ko ang tablet ko, tamad na tamad ako. Parang wala ako sa huwisyo kapag nag-iisip at nagta-type ng mga eksena nina Hyde, Devin at Jake.

Kapag cellphone naman ang hawak ko. Out of the blue, some scenes will just popped in my mind then voila. Here it is, pansit! May eksena na sina Keith at Drake.

Aaminin ko na ako ang writer kuno na pasulpot-sulpot at walang konkretong plano sa mga sinusulat ko. I don't have a plot, blueprint o krokis. Kung ano lang ang sumulpot sa utak ko, gora na as long it gives justice to the previous chapter. Kaya kung minsan, alam ko waley na at wala na sa flow ng story ang nangyayari. (Kung ganoon nga).

Pero kahit na ganoon. Okay na. Mahirap sa akin ang basta-basta magbura kaya kapag hindi ko talaga feel ang kung anong sinusulat ko talagang hindi na ako nagpupumilit. Kungbaga may tamang timing at momentum.

At sana, katulad sa String, subaybayan n'yo rin si Drake at Keith. Sana mahalin niyo rin siya katulad ng pagmamahal ko sa kanila. Sana ma-attach din kayo sa kanila katulad sa character kong iba.

Ang haba na ng sinabi ko. Keri lang! Pangdagdag pa ito sa pwedeng basahin. Hahahah

Enjoyin niyo po sana ang chapter na ito!!



CHAPTER NINE

HABANG NAGLALAKAD ramdam ni Drake ang mga tingin ni Keith sa kanya. Hindi na lang niya iyon pinapansin. Mas nakatuon kasi ang pansin niya sa nararamdaman niya ngayon. Malungkot siya ngunit kahit papaano nawawala ang kalungkutan na iyon dahil sa presensya nito. Hindi niya alam kung ano ang meron kay Keith ngunit nagsisilbi itong pacifier niya sa nararamdaman niya. Masaya siya na nasa tabi niya ito ngunit ayaw naman niyang palalimin pa ang pag-iisip ng rason kung bakit nga ba ganoon ang nararamdaman niya.

"Keith," tawag niya rito. Tiningnan niya rin ito. Iiwas sana ito ng tingin ngunit pinigilan na lamang ang sarili lalo na at nahuli na ito.

"Ba-bakit?"

Ngumiti siya. Gumanti naman agad ito ngunit halatang pilit iyon. "Thank you."

"Para saan?"

"Para rito. Para sa pagsama sa kasawian ko, sa pagdamay sa akin. We both know that we are not that close. Away-bati nga tayo pero nandito ka ngayon sa tabi ko para dumamay."

"Walang kaso iyon." Tipid nitong sagot saka tumingin sa papalubog na araw.

Tiningnan niya rin ang magandang tanawin na iyon. He heaved a sigh. "You know what somehow you serve as my pacifier. I don't know why I feel like you have this calming effect when your around. And also it feels so okay for me to be myself. Iyong tipo na kahit anong klaseng kabalbalan ko ayos lang kasi nandyan ka naman kahit na nanenermon ka at laging magkasalungat ang mga gusto natin."

The Healer of my Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon