Pagpunta nila sa bahay ng kaklase ay pumwesto ang magkakaibigan kung saan malapit sa mga gamit nila Anne.

Anne (Ericka): Manang? Pwede po bang ipaghanda nyo kami ng makakain?
Manang (UNKNOWN): Sige po ma'am.
Anne (Ericka): (Busy na nakaharap sa laptop) Issa? Ano kaya ang pwedeng gawin dito?

Hindi sumagot si Issa kaya nilingon niya ito at paglingon niya ay saktong nagsisilid si Issa ng mga gamit nila sa bag nya.

Issa (Florissa): Ahh.... Ehhh.... Ano ulit ang tanong mo? (Kinakabahan)
Anne (Ericka): Mom..... (kinakabahan habang nanlalaki ang mga mata, tumingin siya sa iba pang kamag-aral at nakatingin ang lahat sa kanya) Mommyafagfjhagjhfasj!!!!!

Agad namang tinakpan ni Issa ang bibig ni Anne.

Anne (Ericka): Mommy! Dadasffjagfuihef! (Sigaw nitong hindi maintindihan habang nakatakip ang kamay ni Issa sa bibig niya)

Dahil sa takot ay kinuha ni Issa ang kutsilyo sa bag at sinaksak sa dibdib si Anne. Tumakbo naman si Ken papunta ng hagdan.

Daddy (Sam): (Nalingat ang mag asawa ng biglang makarinig ng ingay) Ano ang ingay na iyon Honey?
Mommy (Sab): (Magtatangkang lumabas sa kwarto at tignan ang pangyayari)

Ang mga magulang naman ni Anne ay nagmamadaling bumaba at hindi nito napansin na nasa hagdan si Ken. Habang pababa ay itinulak ni Ken ang mag asawa. Nabagok ang ulo ng mga ito na sanhi ng kanilang pagkamatay.

Pumasok naman ng bahay si Kyle. Habang nakaabang si Demetrius sa pinto.

Kyle (Natividad): Annnnn....!

Nasaksak na ito ni Demetrius sa likod. Nagtamo ng madaming saksak si Kyle sa likod. Si Nekket naman ay galing sa kusina kaya hindi alam ang nangyari. Paglabas niya ay nagulat siya sa kaniyang nakita.

Daryll: Demetrius!!!! Tama naa....!!

Akmang pipigilan nito ngunit huli na. Agad na ipinulupot ni Brandy ang lubid sa leeg ni Nekket.

Nekket (Daryll): Parang awa nyo na.... Aray.... Masakit. Tama na. Ah ah ah. Ahhhhh (Encantadia theme song) Tulong . Help.

Sambit niya habang nagpupumiglas. Pero mas hinigpitan ni Brad ang lubid kaya nalagutan ito ng hininga.

Si Kira naman ay nakatulala at hindi pa din makapaniwala. Ang mga magkakaibigan naman ay sabay sabay na nagtinginan kay Kira.

Kira (Celeste): Wag nyo po akong papatayin (Pagmamakaawang sabi nito habang umiiyak)
Jon (Isaiah): Wag kanang umiyak. Tahan na.

Lumapit kay Kira si Issa at piniringan niya ito. Kinuha naman ni Jon ang kutsilyong hawak ni Issa at kinuha ang kamay ni Kira at hiniwa ang pulso nito.

Ang tahanan na ito ay napapalibutan ng iba't ibang mga salamin. Mga salaming nakasaksi sa karumal-dumal na pangyayari.

Kinuha ni Issa ang kanyang telepono.

(Calling to Pat........)
Issa (Florissa): Hello Tricia. Tulungan mo kami. Punta ka dito sa bahay nila Anne.
(Call ended)

Pagdating ni Tricia sa bahay nila Anne ay nagulat sya sa kaniyang nakita.

Tricia (Patricia): Ivan anong nangyari? (Takot na tanong nito)
Demetrius (Ivan): (tumingin lang)
Tricia (Patricia): Jon? Ken? Brad? Issa? anong nangyari?
Ken (Kenneth): Wag kanang magtanong, tulungan mo nalang kami.
Issa (Florissa): Tara sa taas Tricia.

Tumingin si Tricia sa salamin kung saan kitang kita ang kanyang buong katawan. Papaakyat na ito nang biglang may humawak sa kaniyang kaliwang binti na syang ikinagulat niya. Dahil sa pagkagulat ay ipinupok nito ang salaming kaniyang nakita sa lamesa sa ulo ng lalaki. Dumanak naman ang sariwang dugo mula sa ulo nito.

(Sa taas ng bahay) 
Issa (Florissa): Tricia halika! Hawakan mo tong bag.

Kinuha naman ni Tricia ang bag ng bakas pa din sa mukha ang kalituhan. Inikot ni Tricia ang kanyang mga mata sa palibot ng kwarto upang tingnan at obserbahan ang paligid.

Demetrius (Ivan): Tara na! Umalis na tayo!

BACK TO REALITY

Tricia (Patricia): (nakaharap sa salamin) Sa pagkamatay nila Issa, Brad, Demetrius at Ken ay palagi akong nakakakita ng letrang nakasulat sa salamin gamit ang dugo.

(seryoso namang nakikinig si Jon at Mhark sa sinasabi ni Tricia)

Tricia (Patricia): Letrang K kay Issa, letrang A kay Brad, letrang G kay Dematrius at letrang A kay Ken.

Jon (Isaiah): Posible kayang may ibig sabihin ang mga ito?
(nagtatakang tanong nito)

Bigla namang tumunog ang telepono ni Jon dahil sa tawag ng nobya.

Jon (Isaiah): Sandali lang tumatawag si Jen sasagutin ko muna ito.

Lumabas naman si Jon at sinagot ang tawag ni Jen.

Jon (Isaiah): Hello babe?
Jen (Jenifier): Babe may kailangan kang malaman.
Jon (Isaiah): Ano yun? (Kinakabahang tanong nito)
Jen (Jenifier): Hindi aksidente ang lahat.
Jon (Isaiah): Ano?! (Gulat na tanong nito) Pano? 
Jen (Jenifier): Si Tricia lahat ang may kasalanan. Ang pagkadulas ni Ate Issa, nakita ko ang buong pangyayari. Sinadya itong lagyan ni Tricia ng tubig upang palabasin na nadulas ito pero tinulak niya talaga si ate Issa. Kaya simula noon ay sinundan ko na ang bawat kilos nya. Kay Kuya Brandy, siya din mismo ang nagpulupot ng lubid sa leeg nito. Maagang umuwi si Tricia nun. Nandoon na sya kwarto ni Brandy bago pa ito dumating. Wala din ang nanay nito kaya hindi nya alam na may pumasok pala sa loob ng bahay. Pagpasok ni Brandy sa kwarto ay ipinulupot nito ang lubid sa leeg, isinabit niya ang tali upang palabasin na nagpatiwakal ito. Si Demetrius, pagpunta ni Ivan sa CR ay umalis din noon si Tricia. Sinundan nya si Demetrius sa CR. Pinatay niya si Demetrius gamit ang mga kamay nito upang palabasin na sariling intensyon nito ang pagpatay sa sarili. Siya rin ang tumulak kay Ken upang malaglag ito sa hagdan dahilan upang mamatay ito. Lahat ng ito ay kasalanan ni Tricia. Hindi aksidente ang mga nangyari.

Jon (Isaiah): Bakit ngayun mo lang sinabi ang mga ito ? 
Jen (Jenifier): Nadala ako ng takot kaya inisip ko na lang na baka nagkataon lamang pero nung napansin kong isa isa nang pinapatay ang mga kaibigan mo, hindi ko na kayang manahimik pa.

Mhark (Eugene): Waggggggg!!!!.....

Narinig ni Jon ang sigaw ni Mhark kaya nagmadali itong pumasok sa loob. Nakita nito na duguang nakahandusay na ang binata. Tumakbo naman agad sya papalapit sa kaibigan ngunit nasaksak agad siya sa likod. Nakita naman ng magkaibigan si Tricia na nakatayo sa harap nila.

Jon (Isaiah): Tricia, parang awa mo na . Wag mo kaming patayin.

Nagulat naman ang dalawa dahil hindi nalang si Tricia ang kanilang nakikita kundi pati ang pamilyang kanilang pinatay tatlong taon na ang nakakalipas.

Tricia (Patricia): Sila ba? Nang nagmakaawa, nakinig kayo? (Sabi nito habang umiiyak). Diba, ni isa sa inyo wala kayong pinakinggan?

Habang nagsasalita si Tricia ay dahan dahan namang tumatayo si Mhark upang makatakbo kahit na hirap na. Napansin naman siya ni Tricia at hinagis ang isang chopping knife at tumama sa kaniyang likod at naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Si Jon naman ay gumagapang papalayo ngunit hindi nito napansin ang isang salamin at tumama ito sa kaniyang ulo.

Nakatayo naman si Tricia at pinagmamasdan ang magkaibigan at ibinigkas ang apat na letra.

Tricia (Patricia): K..... A.... G..... A.....

Binigkas niya rin ang dalawang letra na nakasulat sa salamin.

Tricia (Patricia): M..... I...... .... KAGAMI.

Masacred Fam & Pat: Kill, Anxiety, Grief, Agony, Mercy, Illusion...

Pagkatapos bigkasin ay sabay sabay na ngumisi ang mga ito at lumisan na.

The CodeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt