“THE CODE”
Sigawan, hinaing at pagmamakaawa ang tangi mong maririnig sa isang tahanang liblib at malayo sa mga kabarangay. Ilang minuto lamang ang lumipas ay natigil na ang ingay. Ang masangsang na amoy ng dugo ang tanging bumabalot sa bawat sulok ng bahay. Mga dugong nagkalat sa dingding, sahig at mga gamit.
Scene 1: Sa bahay nila Issa
Panaginip:
(Whaaaaaaaa !! Wag po... Wag po.... Nag mamakaawa po ako sa inyo. Wag pooooo… (umiiyak) TULONG ! TULONG!! (Sumisigaw) WAG POOOOOO!! Tulonggg. (Malakas na sigaw na may kasamang iyak hanggang sa pahina ng pahina at nawala na ang ingay)
Nakaupo si Tricia sa gilid habang nakayakap sa dalawang binti at umiiyak. Pumasok sa kwarto si Florissa at lumapit kay Patricia.
Issa (Florissa): Anong nangyari sayo? (Mahinahong tanong)
Tricia (Patricia): (umiiyak at nakayakap pa din sa dalawang binti)
Issa (Florissa): (hinihimas ang likod habang isinasandal ito sa kaniyang balikat) Bakit?? Anong nangyari sayo Tricia?
Tricia (Patricia): (Pinunasan ang luha at humarap kay Issa) May napaniginipan ako (humihikbi). Humihingi sila ng tulong. Nagsisigawan sila at nag iiyakan (Umiyak muli si Tricia)
Issa (Florissa): Shhhhhh (hinihimas ang likod) tahan na. Wag ka nang umiyak (isinandal muli ito ni Issa sa kaniyang balikat habang hinihimas ang braso)
Maya-maya ay nakatulog na uli si Tricia at bumaba naman si Issa upang uminom ng gamot at maghilamos sa banyo.
Issa (Florissa): (Inom ng gamot at pumunta ng banyo) Lalalalala~ ♫♪
Umaawit ito habang naghihilamos. Pagkatapos niyang mag-anlaw ng mukha ay tumingin siya sa salamin ngunit nagulat siya sa nakita niya. Isang repleksyon ng babae ang nakita niyang nakangisi. Dahil sa takot ay agad itong tumakbo ngunit hindi nito napansin ang basang sahig kung kaya’t siya ay nadulas at tumama ang kaniyang ulo sa sahig na sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Kinabukasan.......
Jen (Jenifier): Aaaaaaaaah!!! (napasigaw ang dalaga ng makita nito ang kanyang walang buhay na kapatid)
Dahil sa malakas na sigaw ni Jen agad na bumaba ang kanilang ama't ina at ikinagulantang ang nangyari sa kanilang bunsong anak.
Nanay (Nika): Issaaaaaa!! (Sigaw ng ina habang umiiyak) A....a.... anong nangyari? (Umiiyak na sabi nito habang nakatingin sa walang buhay na si Issa, lumuhod ito at niyakap ang anak. Tumingin naman siya kay Jen) Anak anong nangyari sa ate mo?? Mahal?? (Tumingin sa asawa) anong nangyari?? (Tanong nito habang umiiyak)
Agad na dumating ang mga pulis at ang ambulansya habang hindi na mapigilan ng ina ang pag nginig at pag-iyak dahil sa sinapit ng anak. Niyakap naman ng ama ang kanyang anak at asawa habang inilalayo sa banyo. Habang ang nakakatandang kapatid na si Lewel ay hindi pa rin makapaniwala gayundin ang kaibigang si Tricia na hanggang ngayon ay nakatayo't nakatulala lamang sa kaibigan. Napansin naman nito ang letrang "K" na nakasulat sa salamin gamit ang dugo.
Tatay Karlo (Carl): Jen anak, umakyat ka muna sa taas.
Jen (Jenifier): Opo pa (umakyat ito habang umiiyak)
Ilang minuto lamang ay dumating na ang mga pulis at ambulansya.
Pulis 1 (Norbert): Ma'am, Sir, ano po ba ang nangyari? (Tanong nito habang hawak ang papel.)
Nanay (Nika): Hindi po namin alam (nanginginig habang umiiyak) Narinig na lamang naming sumigaw ang isa naming anak at pagbaba namin ayy… (napahugolgol) wala na, wala na ang bunso ko…
Lalo namang umiyak ang nanay ni Florissa at niyakap siya ng kanyang asawa upang mapakalma.
Pulis 1 (Norbert): Sige po. Aalamin po muna namin ang sanhi ng nangyaring krimen.
YOU ARE READING
The Code
HorrorHighest Rank: #50 (05/07/17) *** Matatakasan mo ba ang nakaraan kung ikaw mismo ang nagbigay ng daan upang ito'y balikan? Nang dahil sa isang panaginip ay muling babalik ang nakaraang pinilit nilang kalimutan. Ang nakaraang kanilang pinagsisihan. Ng...
