Pagbukas niya ng pinto ay nakita nito ang kaibigan na nakahandusay at patuloy na umaagos ang dugo.

Tricia (Patricia): Kenn!!!! Kennnnnn! (Sigaw nito habang papatakbong lumapit, at agad na nahawakan ang dumudugo nitong ulo) Sinong may gawa sayo nito Ken?!?!?!? (Umiiyak na tanong)

Napatigil si Tricia sa pag iyak sa napansin nitong nakasulat sa salamin na letrang "A" gamit ang dugo.

Kinuha niya ang kaniyang telepono at tinawagan si Jon.

(Calling....)
Tricia (Patricia): Hello Jon!? (Nanginginig at mahinang boses nito habang umiiyak)
Jon (Isaiah): Bakit Tricia? Anong nangyari? (kinakabahan at nagtatakang tanong)
Tricia (Patricia): Si Ken… si ke…n (Lalong umiyak)
Jon (Isaiah): Anong nangyari? 
Tricia (Patricia): (umiiyak)
Jon (Isaiah): Tricia ?! Anong nangyari (Tumaas na ang boses hanggang sa umiyak na)
Tricia (Patricia): Wala na si Kenneth.... (lalong umiyak)
Jon (Isaiah): Nasan ka?
Tricia (Patricia): Itetext ko sa iyo ang address.
Jon (Isaiah): Osige. tawagan ko na din si Mhark.
Tricia (Patricia): Sigesige (Kumalma at tumahan sa pag iyak)

Ngumisi si Pat ng Nakakaloko, tumayo ito at lumisan na sa bahay ni Ken.

Jon’s POV

(Calling to Eugene......)
Jon (Isaiah): Mhark? May tinext ako sayong address. Magkita tayo doon.
Mhark (Eugene): Bakit?
Jon (Isaiah): Doon nalang namin ipapaliwanag ni Tricia.
Mhark (Eugene): Osige.
Jon (Isaiah): Dalian mo.

Agad na binaba nito ang telepono at agad pumunta sa address na tinext ni Tricia. Pag baba niya ng sasakyan ay nagulat siya sa kaniyang nakita.

SCENE 6: Massacred Family House

Jon (Isaiah): Dito? Paano? (Nagtataka)

Maya maya ay dumating na din si Mhark sa address na isinaad ni Tricia.

Mhark (Eugene): Dito?
Jon (Isaiah): Ito yung tinext sakin ni Pat na address eh.
Mhark (Eugene): Bakit dito?
Jon (Isaiah): Hindi ko din alam. Hayaan mo na. Tara na pasok na tayo.

Kahit nag-aalinlangan ang dalawa, pumasok pa rin ang mga ito. Pero si Mhark ay wala pa ding alam sa nangyari sa kaibigang si Ken. Pagpasok nila ay nakita agad nila si Tricia na nasa gilid.

Jon (Isaiah): Pat!
Tricia (Patricia): (Lumingon) Jon? Mhark? (Tumayo at lumapit sa dalawa)
Jon (Isaiah): Nasan si Ken?
Mhark (Eugene): Ken?
Jon (Isaiah): Tumawag sakin kanina si Tricia, umiiyak.
Mhark (Eugene): Bakit? Anong nangyari kay Ken?
Tricia (Patricia): Pumunta ako sa kanila kanina. Nakita ko sya. Patay na (Biglang umiyak)
Mhark (Eugene): Nasan sya?

Napahinto ang kanilang pag uusap ng biglang kumanta si Tricia habang tinatanggal ang nakatakip sa mga salamin.

Tricia (Patricia): Lalalalala . Natatandaan nyo pa ba?

Nagtatakang nagkatinginam si Jon at Mhark.

Tricia (Patricia): Naalala nyo pa ba ang nangyari? Tatlong taon na ang nakakaraan?

FLASHBACK......

(3 years ago)

SCENE 7: Sa Tambayan

Nag uusap usap ang magkakaibigan

Demetrius (Ivan): Mga Pre! Alam nyo na ba? (Sabay ngiti ng nakakaloko)
Issa (Florissa): Ano yun? Share mo naman.
Demetrius (Ivan): Diba sa Biyernes pupunta tayo sa bahay ng mayaman nating kaklase.
Jon (Isaiah): Sa kanila Anne?
Ken (Kenneth): Sino pa ba?

Sabay sabay na nagtawanan ang magkakaibigan.

Mhark (Eugene): So, anong balak? Balita ko mamahalin gamit ng mga yun ee.
Demetrius (Ivan): Alam na. (Sabay kindat)

The CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon