Ang magkakaibigan naman ay tahimik lamang sa isang sulok ng kanilang silid. Hindi mawari kung anong dahilan ang naisip ng kanilang kaibigan upang gawin ito.

Demetrius (Ivan): Guys, pupunta lang ako sa banyo sandali.
Ken (Kenneth): Sige pre.

Pagpasok nito sa banyo ay wala ni isang tao. Sa banyo ng kanilang paaralan ay may mahabang salamin, limang paghuhugasan ng kamay at limang cubicle. Nakita nitong may kutsilyong nakalapag sa sahig at pinulot nya.

Demetrius (Ivan): Kanino kaya ito? (Nagtatakang tanong)

Sa kaniyang pagtayo, napaharap ito sa salamin at hindi ang sariling repleksyon ang kaniyang nakita kundi isang lalaking nakangisi sa kanya. Gulat na kusang napasandal si Ivan sa pinto ng cubicle at kusa ring sinasaktan ang sarili gamit ang kutsilyong hawak nito. Ang lalaking nasa salamin naman ay nakatayo lamang habang nakangisi sa kanya.

Demetrius (Ivan): Sino ka ba ? Bakit mo ginagawa sakin to? (Umiiyak)

Patuloy pa din na sinasaktan ni Demetrius ang kaniyang sarili at para matapos na ang kaniyang pag hihirap . Kusang gumalaw ang kaniyang kamay at mariing hiniwa ang kaniyang pulso.

Nagkumpulan naman ang mga estudyante sa CR ng mga kalalakihan. Isa sa mga kamag aral nila ay ibinalita ang nangyari kay Ivan.

Student 1 (Dador): (patakbong pumunta sa dalawang binatang nag-uusap) Alam nyo na ba ang nangyari sa kaibigan ninyo? (Tarantang tanong nito)
Ken (Kenneth): Bakit ano ang nangyari?
Student 1 (Dador): Ang kaibigan ninyong si Demetrius ay natagpuang wala ng buhay sa CR ng mga lalaki.
Mhark (Eugene): Ano?!?!? (napatayo sa gulat ang dalawa)

Agad namang pumunta ang mga ito sa CR. Nagulat naman sila dahil sa sinapit ng kaibigan. Nakaagaw pansin naman kay Tricia ang nakasulat sa salamin. Sa pagkakataong ito, letrang "G" naman ang kanyang nakita.

Mhark (Eugene): Tricia, tara na.

Nagtataka ang apat kung bakit sunod sunod na namamatay ang kanilang mga kaibigan. Ipinauwi nalamang silang lahat ng principal upang walang istorbo sa imbestigasyon.

Jon (Isaiah): Hindi nyo ba napapasin?
Mhark (Eugene): Napansin? Ang ano?
Jon (Isaiah): Iniisa isa tayo. Una si Issa, pangalawa si Brad at pangatlo si Demetrius.
Ken (Kenneth): Baka naman nagkataon lang..
Jon (Isaiah): Hindi ee. Iba ang kutob ko.

Biglang natigil ang kanilang pag uusap dahil may pumasok na guro sa kanilang silid.

Guro (Irish): Dahil sa nangyari ipinapasabi ng nakakataas na kailangan ninyong umuwi upang maging maayos ang imbestigasyon at para na rin sa kasiguraduhan ng lahat.

Nag ayos na sila ng gamit at nilisan ang paaralan.

SCENE 5: Bahay ni Ken

Pumasok na sa kaniyang bahay si Ken. Agad itong umakyat sa itaas upang magpalit ng damit. Malapit sa hagdan ay may salaming nakasabit. Sa pag akyat niya ay hindi nya napansin na may nakasunod sa kanya. Habang pababa si Ken ng hagdan ay may tinitingnan siya sa cellphone, hindi nito napansin ang kaniyang dinadaanan kaya ito ay nadulas at nahulog. Pero bago siya tuluyang bumagsak ay may nakita siyang isang bata.

Bata (Celeste): (Dahan dahang lumabas ng bahay)

Madaming baitang ang hagdan kung kaya’t napahampas ng malakas ang kanyang ulo na siyang naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Sa mga oras na iyon ay kinutuban si Tricia kung kaya't naisipan niyang puntahan si Ken.

Tricia (Patricia): Kennnnnn! Kennnnnnnnnn! (Kumakatok)

Pero walang sumagot.

Tricia (Patricia): Kennnn!! Si Tricia to! Pag buksan mo ako ng pinto!

Dahil wala pa ding sumasagot. Pinihit nito ang doorknob at sa kabutihang palad ay hindi ito naka-lock.

The CodeWhere stories live. Discover now