Pumasok ang mga pulis at nagsimula ng mag imbestiga. Matapos ang pag iimbestiga at pagkuha ng litrato, maya maya ay kinuha na ang malamig na bangkay ni Issa.
SCENE 2: Tambayan
Napag alaman na ng magkakaibigan ang nangyari kay Flor. Nagkita kita naman ang mga ito sa lugar na madalas nilang pagtambayan. Nagsimula nang magtanong tanong ang bawat isa kay Tricia.
Demetrius (Ivan): Tricia, ano ba talaga ang nangyari?
Jon (Isaiah): Pinatay ba sya?
Brandy (Brandon): Bakit daw nagka ganun? (Nakakunot ang mga noo ng tatlo habang nagtatanong)
Sunud-sunod na tanong ng tatlo na siyang buhos ulit ng mga luha ni Tricia ngunit agad naman itong kumalma at isinalaysay ang nangyari.
Tricia (Patricia): Batay sa mga pulis, aksidente daw ang nangyari. Hindi raw napansin ni Florissa ang basang sahig kaya siya nadulas at nawalan ng balanse at sa pagbagsak ay nauna ang kanyang ulo. (ang sambit ng dalaga habang humihikbi)
Ken (Kenneth): Tahan kana Tricia. Wag kanang umiyak.
Nag yakapan naman ang mag-kakaibigan upang damayan ang isat isa.
SCENE 3: Bahay ni Brandy (Brandon)
Dumiretso na agad si Brandon sa kaniyang silid upang makapagpahinga na. Pagpasok niya sa silid ay agad na naghubad ng kaniyang sapatos. Sa tapat ng kaniyang kama ay may salamin na makikita ang kaniyang sarili habang natutulog. Ngunit ng ilagay niya ang sapatos sa ilalim ng kama, isang lalaki ang nakatayo sa likod at ang mukha nito ay hindi nahahagip ng salamin.
Brandy (Brandon): Sino ka ? (Kabadong tanong nito)
Walang anino o kahit anong repleksiyon ng lalaki ang makikita sa salamin. Ngunit sa kanyang pagsulyap muli sa salamin, ay isang lubid ang pumulupot sa kaniyang leeg.
Brandy (Brandon): Tulong ..... Tulong ..... (mahinang mga salita at tila kinakapos na ng hangin)
Nagpupumiglas ito pero mas malakas sa kanya ang lalaki kung kaya't siya'y nalagutan ng hininga at nakadilat pa ang mga mata.
Pumunta naman si Tricia sa kaibigan upang manghiram ng kopya ng mga aralin.
Tricia (Patricia): Tao po! Brandy? Brandy! Tao po!
Nanay (Parcia): (Binuksan ang pinto) Oh Tricia. Ano ang sadya mo?
Tricia (Patricia): Hello po tita. Si Brandy po? May hihiramin po sana ako sa kanya.
Nanay (Parcia): Ahh ganoon ba? Oh sige. Pasok ka muna tatawagin ko lang siya.
Tricia (Patricia): Sige po. Salamat po.
Agad namang umakyat ang nanay ni Brandy upang siya ay tawagin.
Nanay (Parcia): Anak? Brandon? Nandito si Ttricia.
Walang sumagot kaya tinawag ulit ito ng kaniyang ina.
Nanay (Parcia): Brandy anak. Pagbuksan mo ako ng pinto. Nandito si Tricia.
Dahil wala pa ding sumasagot at kinakabahan na ang ina kinuha nito ang susi at binuksan ang kwarto ni Brandy. Pero nagulat ito sa kanyang nakita.
Nanay (Parcia): Brandyyyyyyyyyyyy!! (Sigaw habang umiiyak)
Agad namang tumakbo si Tricia upang makita kung ano ang nangyari. Nagulat din ito sa kanyang nakita. Nakapulupot ang lubid sa leeg ni Brandy. Tumakbo naman pababa ang nanay ni Brad upang tumawag ng pulis at ambulansya. Habang nakatulala si Tricia sa kaibigang si Brad at bigla naman itong napatingin sa salamin. Napansin nito ang letrang "A" na nakasulat sa salamin gamit ang dugo.
Maya-maya pa ay dumating na ang mga pulis at sinimulan na ang imbestigasyon
SCENE 4: Sa Paaralan
Kalat na sa kanilang paaralan ang nangyaring pagpapakamatay ni Brandy.
Cmate1 (Jiselle): Grabee... Bakit kaya siya nagpakamatay ?
Cmate2 (Jane): Siguro may problema.
Cmate3 (Janine): Siguro nga. Pero grabe.
YOU ARE READING
The Code
HorrorHighest Rank: #50 (05/07/17) *** Matatakasan mo ba ang nakaraan kung ikaw mismo ang nagbigay ng daan upang ito'y balikan? Nang dahil sa isang panaginip ay muling babalik ang nakaraang pinilit nilang kalimutan. Ang nakaraang kanilang pinagsisihan. Ng...
Script
Start from the beginning
